Chapter 4

6 0 0
                                    


Trina Burgos is calling you on messenger...

Papunta palang ako sa lobby ng airport nang tumawag si Trina.

"Mhargo! Gala tayooo!"

Sige uwi ako nang Pinas, ora mismo

Video call takte, nakita ko sila Adela, Aubrey, Casey, Raychele, Cassy, Paul, Jake, Kamyll sa likuran.

Kumpleto ang mga kumag!

Natigilan sila saglit,

"Hala! Nasaan ka?"
Sabay-sabay nilang tanong.

Hindi ko kasi pinaalam sa kanila na pupunta ako ng California.

"Cali" tipid kong sagot.

Napaawang ang bibig nila. Napatakip pa nga sila Trina at Cassy.

Oa neto

"Omo! Seryoso Mhargo!?? Hala teka di ako maka recover"

"Ba't di ka nagsabi?!"

"Magbabakasyon lang" sabi ko.

"Kasama mo sila tita at tito?"

Umiling ako.

"Hala!! Soloflight! Grabe bilib na ako saiyo friend!"

Natawa ako at narating ko na ang lobby. Umupo at doon nakipagkwentuhan sa kanila.

"Saan ka naman titira aber?"

"Wala kayong relatives diyan sa Cali diba?"

"Don't tell me mag ho-hotel ka for 2 months?"

Hala oo nga no!

Tanga

"Maghahanap siguro ako ng apartment dito." Sagot ko.

May isang beki na medyo ahead sakin ng 3 years. Makapal ang make up. Nakasuot nang Gray shirt at may red-black na flannel, black skinny jeans na may isang hiwa sa tuhod. Naka stan smith adidas shoes at may isang maleta at shoulder bag na dala.

Kanina pa tingin nang tingin saakin.

Anong problema neto.

"Sinundan mo diyan si John no? Grabe ibang level na iyan Mhargo!" Sabi nila.

"Hahahaha mga baliw! Di naman talaga yun ang sadya ko no!. I just want to spend time with myself in this wonderful place of California."sabi ko.

Noon pa man gustong gusto ko nang mag travel. France ang una sa listahan ko, pero mas pinili kong dito sa Cali mauna.

Nagpaalaman kami at sinabi nila ang mga bilin nila saakin.

I can't believe that I'm already here. The air that touches my skin gave me chills. The thought that I'm spending my whole summer here shivers down to my spine.

"Excuse me" sabi noong beki saken.

Nilingon ko siya.

"Hi I'm Charlie"
 

Pake ko.

"Uhm.. Mhargo"

Nagkamayan kami.

Tinanggal ko ang aking olive green na bomber jacket. Tanging black sleveless top lang ang natira. Nilugay ko ang aking buhok na naka bun at sumayaw  ang kulot na dulo ng aking buhok na hanggang bra line. Naka black leather pants ako at Zara boots.

"Can we go out for a breakfast?" Nagulat ako sa tanong ni Charlie. Tumingin ako saaking relo at nakitang alas otso na pala!

Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko...

Pumayag ako sa paanyaya ni Charlie.

Kumain kami sa isang resto di kalayuan sa Airport.

"Uhmm, I'm 20 years old. Half Filipino." Sabi niya.

Nagulat ako. Pinoy pala to?!!

"Ah, I'm 16 years old. Nakakaintindi ka nang tagalog?"

"Oo, di ko sinasadyang marinig kanina na naghahanap ka pala ng apartment?" sabi niya.

Juski nagtatagalog pala eh, pina ingles pa ako

"Uhmm oo, may alam ka?

Tumikhim siya bago nagsalita.
"I have a offer, maghahanap tayo ng apartment at paghahatian natin ang renta. Okay ba?"

Ano?! Makakasama ko ang isang to sa apartment?! Kahit na sabihing bina-bae siya pero lalaki parin siya! Wala pa naman akong maasahan dito kung saka sakiling may mangyaring masama!

Overthinking eto...

Maganda rin naman ang offer niya. Tsaka mukha rin naman siyang mabait.

"Oy! Ano?! Payag kaba?"

"Uhmm.." nalilito ako!!

"Naku jusko te! Wag kang mag-alala di kita pinagnanasahan. Lalake ang tipo ko kaya wag kang ilusyonada!" Pabiro niyang sabi.

Nagtawanan kami.

"Hahaha o siya! Sige papayag ako. Saan ba?"

"May alam ako. Sa Whittier."

W H I T T I E R

Nakakabingi ang lakas nang pintig ng puso ko! Lugar lang ang nabanggit pero parang di ako mapakali! Diyos ko po tulong!!

Agad kaming tumulak sa sinasabi na apartment ni Charlie. Mahigit 25 minutos ang pagbiyahe galing sa resto. Nag taxi kami.

Sa kalagitnaan nang biyahe nag uusap kami ni Charlie tungkol sa mga bagay bagay. Gumaan ang pakiramdam sa kaniya.

Sa di kalayuan, nabasa ko ang sign.








Sa di kalayuan, nabasa ko ang sign

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Cgy To CaliWhere stories live. Discover now