Chapter 5

7 0 0
                                    

Lumabas kami sa taxi at binayaran ni Charlie.

"Were here!"sabi niya.

Nakaharap ako ngayon isang apat na palapag na gusali. Ito yung typical na apartment na nakikita ko lang noon sa mga palabas. Kulay bughaw ang yero at sky blue naman ang dingding sa labas.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar at nakita ang mga kahoy na may dahong ibat-ibang kulay. May mga batang masayang naglalaro sa parke

"Tara pasok tayo sa loob."

Pagpasok sa loob ay may sumalubong na babaeng nasa mid 40's ang edad. Nagbeso ito kay Charlie at bumaling saakin. Dumiretso ang kanyang mapupungay na mata sa akin at ngumiti.

"I'm Catherine Emano, you can call me Tita Cai" pakilala niya.

Ngumiti ako."Mhargo Paderog po"

Nagkamayan kami.

"O siya, siya akyat na kayo sa taas."

"Kakikalala ko iyan si Tita Cai. Byuda iyan, walang anak. Tinuring niya akong anak-anakan matagal narin nang nakabalik ako dito. Mabait iyan"

Ngumiti ako at tumango.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong lugar habang papaakyat kami sa itaas. May sala sa ibaba at common bathroom. Ang mga muwebles ay tila mamahalin at antigo.

May mga nakasalubong kaming pamilya na tila galing sa bakasyon. Nginitian ko sila pabalik. May mag jowa rin na naglalampungan patungo sa kwarto nila. May mag-ina na tila ilang taong hindi nagkita.

Ilan lamang ito sa mga taong makikita ko rito at pakikisamahan.

Nang huminto si Tita Cai sa ika tatlong palapag ng gusali.

Bumungad saakin ang kwartong sakto lang ang laki. Pagkapasok ay may kitchen sa kaliwang side. Sa kanan naman ay common bathroom. Sa unahan ay mini sala na may mga modernong appliances. Sa harapan nang sala ay may dalawang kwarto na katamtamang laki.

"Anong masasabi mo Mhargo?"  tanong ni Charlie.

"Nagustuhan ko!, uhmm magkano po ang rent tita Cai?"tanong ko.

"$85 per month, including the water and electricity bills."

Ohhh ang mura! Tapos hati pa kami ni Charlie.

Tumango ako habang sinusuyod ang buong room.

Kulay krema ang pader na may dark brown na outline. Sa kwarto naman na aking napili ay black & white ang combination. May lampshade, study table, couch, cabinet at ang kulay nang bed sheets ay puti!

Tipo na tipo ko!

Nagpaalam si Tita Cai at nilapitan ako ni Charlie.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo diyan at lumabas ka para mapagtulungan nating ayusin ang mga gamit sa labas."

"Okay susunod ako."

Sinarado ko ang pinto at agad akong nagtipa ng mensahe para kay mommy.

"Hi my! Kararating ko lang po dito sa apartment. Sa South Whittier po ito. Okay naman po ako. Mag aayos lang po ako nang mga gamit at magpapahinga. I love you po mom & dad."

Sent✅

Nag ayos ako nang mga gamit at naglinis nang kwarto. Nag play ako nang music saaking cellphone. Vibe na vibe ko ang tugtog. Napapasabay ako neto.

That girl is a real crowd pleaser

Small world all her friends know me

Young bull livin' like an old geezer

Quick release the cash watch it fall slowly

Frat girl still tryna get even

Haters mad for whatever reason

Smoke in the air, binge drinkin'

They lose it when the DJ drops the needle

Damn this is so dope!

Matapos ang ilang minuto natapos narin ako. Lumabas ako at tinulungan si Charlie sa mga gawain.

Tanghali na nang matapos namin lahat. Even though cleaning is such a pain in the ass, the feeling when you are already done, is overwhelming.

"Bibili lang ako ng pagkain natin sa labas, sama ka?" Tanong ni Charlie.

"Sige! Gusto ko iyan."

Pumunta kami sa isang fastfood chain di kalayuan galing sa apartment. Nag take out lamang kami nang pagkain at napagpasyahan na doon na kumain sa apartment.

"Nasaan ang parents mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Both of them are in Miami."

"Ha? Eh paano ka napadpad rito?"

"Naglayas kasi ako saamin. Di tanggap ni daddy na binabae ako. Dinala ko lahat nang gamit ko. Its been 2 years na hindi ako nakapag communicate sa kanila. Sa loob ng 2 years palipat-lipat ako nang pinuntahan. I stopped going to school. I've work in various fastfood chains just to support my needs."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Grabe hindi ko akalain na totoo pala iyan akala ko sa nga movies lang possible.

"Ahh, I'm sorry naging mausisa ako" sabi ko

"No its okay, ano nga pala ang plano mo?" tanong niya

"Gusto kong puntahan ang mga magagandang lugar dito. Pwede mo ba akong samahan?"

"Oh! Hahaha sure! May alam na akong pupuntahan natin bukas."

Nagpaalam ako ni Charlie na magpapahinga na ako sa aking silid.

I spent the whole afternoon in my room. Even though all we did was to clean, it's really tiring that it brought out the 1 gallon sweat out of me.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Cgy To CaliWhere stories live. Discover now