APAT NA KWENTO NG BUHAY
(a true to life story)
INTRO
Hindi ako yung tipong magaling magsulat. Mahilig akong magsulat ng kwentong hindi ko natatapos. Tulad ng buhay ko, kumbaga hanging. Pero sa na-notice ko, lahat ng kwentong sinisimulan kong isulat, minsan nagkakatotoo. Maniwala ka. Pakinggan mo ang tibok ng iyong puso. Bilangin mo ang tibok ng iyong pulso. Iyan, magpasalamat ka dahil buhay ka pa at humihinga ka pa, ilagay mo ang kamay mo sa iyong dibdib at sabihin mo, I am here for a reason. Wag kang mag-worry sa lahat ng bagay. Tandaan, walang binabato ang Dios na hindi natin nasasalo.
Magulo, di ba? Ganito kasi ako mag-isip. Magulo. Moody. Syempre, bukod sa babae ako na kilala bilang reyna ng mga moodiness, dapat malawak ang imahinasyon ng mga manunulat. Pero hindi ko tinatawag ang sarili ko na manunulat lalo na sa lenggwaheng Filipino, Cebuano kasi ako kaya may mga salitang hindi pa ako marunong gumamit sa Filipino. Aaminin ko, mababa ang grades ko sa Filipino. Kaya pasensyaan niyo nalang kung medyo TagCeb o TagLish tong sinusulat ko.
Let me guess, siguro you’re wondering what this story is all about? Hindi ‘to kwento ng buhay ko. Love life? Pwede rin, hindi naman talaga yan nawawala sa mga books. Advices? Pwede rin. Religion? Hindi. Pero may part din naman na kasama ang Dios dito. Ano pa? Fiction? Pwede rin. Battle? Tragedy? True story? Pwedeng-pwede.
Kung mahilig kang magsulat at masasabi mong magaling ka nang manunulat, pwes wag mo nalang aksayahing basahin ang kwento ko. Lumabas ka, kumain ka sa Mcdo, sa Seven-Eleven. O maghanap ka ng makakausap. Aaminin ko, walang kwenta tong kwentong ito.
Sisimulan ko kay Maria Nicolai. Kung sino ang nakakilala sa akin, tiyak kilala niyo siya.
Sa hindi pa at interesadong makilala siya, no problem. Ikukuwento ko ang buhay niya sa pagbyahe niya sa impyerno. Woah. She’s dead by the way.
Note: Ayokong ilagay ang full name niya as a respect for her soul in the purgatory.
Name: Maria Nicolai
Date of Birth: February 27, 1991
Date of Death: September 30, 2007
Caused of Death: Suicide due to early pregnancy.
Comments: Takot daw siyang pagalitan ng parents niya since high school graduating student pa siya kaya nagpakamatay ang maganda kong kaibigan.
UNA
MARIA NICOLAI
“Mahal na mahal kita Nicky.”
“Talaga? Gaano mo ako kamahal?”
“Ganito lang kaliit actually...singlaki ng hinliliit ko.” Tawa niya.
Nadismaya siya sa narinig, “Walang kwenta!” agad siyang tumayo.
Kinuha niya ang pinky ni Nicky at sinalubong niya sa kanyang hinliliit, nag crossed fingers sila, “Hindi ko maipapangako ang magandang buhay, pero maipapangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi ko rin maipapangako na hindi ako titingin sa ibang babae, pero pangako ko ikaw lang nag-iisang babae sa buhay ko kasunod ng mama ko. Hindi ko rin maipapangako na panghabambuhay ang pagmamahal ko, pero maipapangako ko hangga’t nabubuhay ako ipapadama ko sayo kung anong ibig sabihin ng tunay na pag-ibig.” Paliwanag ni Paulo sabay halik sa kamay ni Nicky.
Nagyakapan ang magshota hanggang sinira ng isa nilang kaibigan ang kanilang moment.
“Hoy nandiyan na si Miss Espinosa.”
Agad silang bumalik sa kani-kanilang upuan dahil dumating na ang terror teacher nila sa History.
“Class get 1 sheet of yellow paper. Put your name, the date today and numbers from 1 to 50.”