Ysabella's POV
" Uy gising na ! " nagising ako kasi nakaramdam ako na mainit na hangin ? O hininga ? Dahan dahan kong minulat yung mata ko .
" Araaayy kooo ! Montecillo ! " tinakpan ko yung hinaharap ko at at tinaas yung paa ko
" Anong ginagawa mo ?! " pasigaw na sabi ko . Nakatingin lang sya sakin habang palapit ng palapit .
" Hoy ! Subukan mong lumapit pa ! Tatanggalan kita ng pangarap ! Lumayo ka sakin ! Dela Monte ! " nakapikit na ko . Hayp to
" Tinuring kitang kaatid ! Tapos gagantuhin mo lang ako ?! Maawa ka naman sakin ! Maghanap ka na lang ng bayarang babae ! Wa na ako !" huhuhuhu.. Naiiyak na ko ! Di ko na alam gagawin ko . Hanggang maradaman ko na lang na sobrang lapit nya sakin .
Dinilat ko yung mga mata ko . At nakita ko yung ngitinf.g manloloko .
" Nakakadalawa ka na Ysabella ha " pabulong na sabi nya habang nakahawak sa pisngi nya
" Lumayo ka sakin ! " sabi ko sabay tulak sakanya
" You're so cute " di ko naintindihan yung sinabi nya
" Huh ?! " pagpapaulit ko
" Sabi ko ang baho ng hininga mo " alam ko na lumki yung butas ng ilong ko -_-
" Seryoso ?! Mas mabaho hininga mo ! Ang baho ng pagkatao mo ! " pagkasabi ko eh bumaba na ko ng kotse nya
Narinig ko na lang yung tawa nya . Lakas talaga mangtrip nun !Bumaba na rin sya pero di parin tumitigil sa kakatawa -_-
" Ano bang ginagawa natin dito ? " imagine kasi nakarating kami sa rest house nila sa Panggasinan . Ang layo nun eh ! Kasi naman bat ako nakatulog
Tawa lang sya ng tawa . Parang tanga eh
" Di ka ba titigil ?! Naiinis na ko sayo ha ! Kanina ka pa ! " naiiyak n ko sa sobrang inis !
Tawa lang sya ng tawa .
Naupo ako sa may bench at tinaas yung paa ko at yumuko sa mga tuhod ko .
" Uy . Ysabella ! " naramdaman ko na tumabi sya sakin
" Uy ! Joke lang yun . Sorry na . Uy Ysabella ! " sobrang naiinis na ko pero natatawa ko kasi naiimagine ko yung mukha nya .
" Ysa naman eh . Bati na tayo sige na ! Sorry na kasi ! " tumayo ako at lakad takbo na pumasok sa rest house nila . Kilala maman ako ng mga tao dito eh . Ako pa ba ? .
