May 3, 2016

6 0 0
                                    

May 3, 2016

3:15 am
Madaling araw
Mainit

Nagising ako mula sa isang mapait na panaginip, isang alaalang pilit kong iwinawaglit mula sa isang masalimoot na nakalipas. Hindi ko mawari kung bakit, mahigit isang dekada na ang nakalipas mula noon pero lagi parin ang minumulto ng nakalipas ko, akala ko ay maibabaon ko na ito sa limot kasabay ng pagpanaw nya at pagkabaon nya sa lupa. Ngunit isa pala itong malaking pagkakamali at hindi ko alam kung paano ko ito lilimutin.

7:00 am
Umaga
Makulimlim

Isang normal na umaga ang bumungad sa akin ng ginising ako ng mainit na sinag ng araw na nagmumula sa may bintana, wala naman akong plano sa araw na ito kundi mag kulong sa kwarto.

2:00 pm
Hapon
Makulimlim

Wala akong magawa kundi pagmasdan ang mundo mula sa aking mumunting bintana. Madalas kong pagalitan ang sarili ko kasi hindi ako normal kagaya ng ibang tao. Bakit kaya ganoon ang buhay? Bakit ang hirap nitong sabayan? Bakit ang hirap pakitunguhan? Minsan naawa ka na lang sa sarili mo at wala kang magawa kundi ang lumuha, ang lunurin ang sarili mo sa katahimikan at hayaang mapukaw ang mundo sa kasarinlan.

9:00 pm
Gabi
Walang buwan

Nagtext sa akin si Christine, yung kababata ko na super crush ko noon pa. Niyayaya nya akong mamasyal sa bayan kasi pista ngayun. Pumayag ako kasi wala din naman ako gagawin at isa pa bihira na lang kami magkita dahil sa kanya kanyang pinagkakaabalahan. Magpapahinga muna ako at hayaan na lang na lumipas ang isa na namang walang saysay na araw ng buhay ko.

Diary Ng Dating LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon