My Valentine [A valentine special (Short Story)]

264 7 1
  • Dedicated kay Mara, Couz, Unni and Mhia! :)
                                    

“Happy new year!” Masayang nagbatian sila mama. Ako naman, nasa isang sulok lang nakikisaya sa kanila.

“Oh anak, bakit naman nakamukmok ka lang diyan?” Tanong ni mama.

“Wala lang po.” Sagot ko.

Ang totoo, naalala ko lang yung celebration namin ng new year last, last year. Ganito rin naman yun. Magkakasama kami lahat sa bahay, nag aabang na mag 12. Kaso, kasama ko nun si Stevan.

Ah, oo nga pala. Ako si Sheena De Leon. 22 years old. Kasalukuyan akong nagta-trabaho sa isang insurance company. May kaya lang ang pamilya namin. At kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho.

Si Stevan naman... sya yung first boyfriend ko. Naging kami nung 3rd year college ako. Pero nakipag break din siya sakin, nung Feb 14 mismo last last year. Saya no. Kung kelan inaasahan ko na, finally, makakapag celebrate na din ako ng Valentine’s Day, biglang ganun.

“So anak? Pano ba yan, 2012 na. Magbo-boyfriend ka na ba ulit?” Tanong naman ni Papa.

“Wala pa po ulit akong balak.”

“Alam mo ate,” singit naman ng dakila kong kapatid na si Ashley, 4th year high school, “okay lang naman na mag boyfriend ka na ulit. Wag mo nang isipin yung si kuya Stevan. Kung akong tatanungin, feeling ko nakarami na yun eh.”

“Ashley!” Saway nila mama at papa.

“Hindi naman siya ang iniisip ko kung bakit ayoko pang mag nobyo ulit. Ayoko lang talaga.”

“Nak, kailangan mo nang mag move on.” Sabi ni mama.

“Ma, nakapag move on na ko, ok?”

“Sige. Sabi mo eh.” Sabi nila mama.

Niyakap nila ako sandali tapos bumalik na sila sa lamesa.

“Tara na dito, ate. Ikain mo nalang yan. Wag kang mag emo, di bagay.” Tawag sakin ni Ashley.

“Apaka thoughtful mo talagang kapatid.” Sabi ko.

Kumain na kami. Isang buong pamilya. Sana ganito every year. Hmmm.

“Oi, bakla! 2012 na! Wala ka bang boyfriend???” Tanong ng kaibigan kong si Seth. Umupo siya sa may table ko. Coffee break kasi namin.

Matagal na kaming mag best friend niyan. Mga 5 years na rin? Since college kasi eh. Kilala niya si Stevan. At sobra siyang mag-effort na magka-boyfriend na ulit ako dahil alam ‘daw’ niyang inlove pa rin ako sa walanghiyang yun.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami naghiwalay, simple lang naman ang sagot. May iba daw siyang mahal. At ipinagtapat pa niya yun sa mismong valentine’s day ha! San ka naman humanap. Hindi man lang ako pinagbigyan na makapag celebrate ng isang valentine na may kasama.

Pero ok na rin siguro no? Kesa, kasama ko nga siya nun pero hindi ko naman mararamdaman sa kaniya ang real meaning ng valentine. Ayt, nagda-drama na ata ako. Change topic.

“Bakla, wala pa kong balak mag boyfriend.”

“Hindi ka pa din maka get over sa lalaking yun? Bakla naman. Niloko ka niya. Don’t deprive yourself on love just because of that!” Sabi naman nya.

“Hay naku. Tsaka bakit mo ba ako pinipilit na magka boyfriend? Alam mo namang walang nanliligaw sakin ngayon, so pano ako magkakaboyfriend, diba?” Sabi ko.

“Eh panong may manliligaw sayo, lahat ng nagtanong, busted agad. Yung iba natatakot ng magtanong dahil ayaw ma-reject.”

“Kasalanan na nila yun.”

“Ewan ko sayo bakla. Masyado mong kinukulong ang sarili mo kay Stevan.” Sabi niya tapos tumayo na at bumalik sa trabaho niya.

After work, nauna ng umuwi sakin si Seth. Normally kasi, magkasabay kaming umuuwi dahil on the way lang yung bahay niya sa bahay namin. Kaso, naisipan ko biglang magpunta ng mall, at dahil tambak pa raw ang trabaho niya, hindi na muna siya sasama.

My Valentine [A valentine special (Short Story)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon