Chase 6

8 0 0
                                    


"I heard your wish let me help you with that"

Nagising ako ng isang boses, hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon pero parang totoong nangyari. Sinabi niya na narinig niya yung hiling ko sa wishing well. Chineck ko ang sarili ko at nasa kwarto na ako. What happened to me yesterday?

Pauwi na ako ng biglang sumama ang pakiramdam ko, nahilo at humina ang pandinig ko then someone called my name.

"Hala Zericka! Hindi kaya si Jesus na ang tumawag sayo at sinu sundo ka na! My gad di pa ko ready" bulong ko sa sarili ko

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko parin kaya, I just end up on the floor

"Fuudge, ang sakit ng pwet ko"

"What happened?!"

"AY POGI!" sigaw ko sa gulat

"I know right CLINGY GIRL!" saad niya na proud na proud sa sarili niya. Ang aga aga bi bwisitin ka ng isang Agravante

"Ano bang gina gawa mo dito! Paano ka naka pasok dito?! at teka towel ko yan ah bakit ginamit mo!" singhal ko, basa ang buhok niya obvious naman na kagagaling niya lang sa shower.

"Pwede bang pag bihisin mo muna ko bago mo ko interviewhin, or baka naman gusto mong dito na ako mag bihis sa harapan mo" saad niya na may halong mapag larong ngisi. He's really playful! Walangya talaga

"Kapal mo! Get lost!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya, kinuha ang damit at bumalik na sa banyo.

Pilit kong ina alala kung ano bang nangyari sakin kagabi pero kahit anong piga ng utak ko eh wala parin.

"Uggggh!" I hissed out of frustration, sinubukan kong tumayo at maglakad pabalik ng kama. Haaay why do I have to be weak like this. Narinig ko namang bumukas ang pinto at lumabas ang Mr. Attitude ng taon

"Let me help you" aya niya sakin at inalalayan ako sa bewang, pa punta sa kama.

Sobrang lapit ng mukha niya nakakailang kaya ako nalang ang dumistansya

"Careful you might get hurt" saad niya and after some ages naka upo rin ako sa kama ko.

Tinignan ko lang siyang ina asikaso ang soup sa maliit na table na nandoon kasama ang gatas at ilang prutas. Lumapit naman siya at inalok sakin ito.

"Go eat, namumutla ka pa din until now" saad niya tinignan ko naman ang reflection ko sa malapit na salamin. Totoo nga I look pale, pati mata ko ang lamlam. Imbis na kainin ang soup na nandon tinanong ko nalang siya tungkol kahapon.

"How come na napadpad ka dito?" tanong ko sa kanya

"Can you just eat this first bago ka kumuda diyan?!" asar na sagot niya. Sinimangutan ko lang siya. Bahala siya hindi ako kakain diyan.

Napabuga naman siya ng hangin at nag kamot sa batok.

"Tsss wag kang gumanyan ang hot mo tignan!" mahinang bulong ko

"Anong sabi mo?"tanong niya
Tsss ano bang pinag sasabi ko

"Wala! Tss! wala akong gana umalis ka na nga!" pag mamaktol ko, at tumalikod.

"Tssss fine, kapag sinabi ko ba kakain ka na?" sabi niya as a sign of defeat. Tumango nalang ako habang naka talikod padin.

"Come on Zecka face me" malambing na saad niya. Tsss! Bakit ba ganyan ka huh jusko marYOSEF!

Ayokong humarap, nag iinit yung mukha ko sa di malamang dahilan.

Nag salita na lang siya kahit hindi ako naka harap sa kaniya.

Chasing Dreams, Chasing HeartsWhere stories live. Discover now