Chase 2

11 0 0
                                    

Kung wala ka nang maintindihan,

Kung wala ka nang makapitan

Kapit ka sa akin

Kumapit ka sa akin at hindi kita bibitawan

Nagising ako sa kanta ni Hannah, pambihirang wake up call nga naman. Rinig na rinig yung concert niya from living room. Napangiti na lang ako bigla,
kasi kahit ano pa ang pinag dadaanan ko atleast, I still have my bestfriend on my side.

I know hindi ganon ka interesting yung personality ko. I'm really OC when it comes to work, I'm a control freak and I always want everything to be organized. Tanging si Hannah lang ang naka tiis sa akin.

Even si Neil, my ex hindi rin ako kinaya.

Oo mahal ko siya pero mas mahal ko yung mga bagay na pinapahalagahan ko.

Masiyado ko siyang na take for granted.

Naniniwala kasi ako na if you want to have a good future then why do you have to wait for tomorrow if you can do it right now.

Kaya bawat araw mahalaga sakin. Sabi nga nila dapat hindi nalang ako ng boyriend.

Oo over achiever ako pero hindi naman ibig sabihin non eh hindi ko kayang mag mahal.

I'm also a sucker of great love and happy endings but the problem is, I don't know how to deal with other people, I don't know how to deal with their feelings kaya ang ending nakaka sakit ako.

"Happy Anniversary!"

masayang bati niya sakin, while holding the bouquet of flowers. Hindi ako nakapag react agad sa gulat. Anniversary namin, tapos nakalimutan ko. Ano bang klaseng girlfriend ako na gu guilty ako kase siya naalala niya. Wala na nga akong regalo nakalimutan ko pa.

"Oh Ms. Gomez ,why do I have this feeling na parang nakalimutan mo :(" malungkot niyang sabi tska tumalikod sakin. Ugggh! Nakakainis naman lalo akong nakonsensya. Kaya hinarap ko siya ulit sa akin bago nag salita.

"Ano kaba! Hindi no, nagulat lang ako. I was really surprised. Thank You" sagot ko, ngumiti naman agad siya at binigay sakin yung dala dala niya. Ang ganda napakaganda nung flowers. Halatang mahal, halatang pinag handaan.

"Neil, diba nabanggit ko na sayo. You don't have to buy this thing" hindi naman kase ako spoiled girlfriend and kung mag papaka practical ka sa buhay sa tingin ko hindi naman na kailangan ng mga ganitong bagay.

Chasing Dreams, Chasing HeartsWhere stories live. Discover now