Nakita ko sa gitna si Nathan at Damon na naglalaban. Nasuntok ni Damon si Nathan medyo na-out balance si Nathan kaya nasuntok sya ulit. Bakit ganon? Ayokong nakikitang nasasaktan ng ganon si Nathan. Awa lang ba tong nararamdaman ko?
Maingay ang paligid. May mga nagche-cheer at may mga nakikita din akong nagpupustahan. Unti-unti akong lumapit ako sa kanila.
"Please stop it." - lakas loob kong sigaw.
Napatingin silang lahat sakin. At nawala ang kaninang ingay.
"Oh. Ms. Heaven. You're here!" -Damon said.
Pinagsasasabi nito? Heaven daw?
"Shut up your dirty d*mn mouth!" -Nathan said saka nya sinuntok si Damon na naging dahilan ng pagtumba nito.
"Nate! I said, Stop." -I said. Medyo napahinto sya dahil sa tinawag ko sa kanya.
"Kurt! Get her out of here!" -Nate said.
Lumapit sakin si Kurt at hinila paalis pero nagpumiglas ako at tumakbo kay Nate. Niyakap ko sya para tumigil na.
"Nate. Please?" -pagmamakaawa kong tigilan nya na, ayoko syang nakikitang nasasaktan. "Your lips is bleeding. Let's go home."
Hinila ko na sya paalis dun.
---
(Villafuerte's Residence)
"Umupo ka lang dyan, kukunin ko muna yung first aid kit at gagamutin ko yang sugat mo." -sabi ko at kinuha yung first aid kit.
Pagbalik ko sa sala kung nasaan si Nate. Nakita ko syang nakatingin lang sakin, medyo nailang ako sa mga titig nya. Kumuha ko ng cotton at nilagyan ko ng konting alcohol.
Ginamot ko na yung sugat ni Nate.
"Masakit ba?" -tanong ko bago ko tapusin ang paggagamot.
"Thanks." -Nate said then tumingin sya sakin, lalo akong nailang kung kaya umiwas na lang ako ng tingin.
"No problem." -I said at inayos na yung first aid kit.
---
(At School)
Nakita ko si Loissa na naglalakad kaya tinawag ko sya. "Loissa." Ngunti hindi nya ko pinansin kaya nilapitan ko sya at hinawakan ang braso nya. "Loissa? May problema ba?" -tanong ko.
"Ikaw? May problema ba?" -Loissa.
"Loissa naman. If it's about what happened in the Discipline Office. Sorry. I didn't mean to shout you." -I sincerely apologize.
"No. Hindi lang yon! Bestfriend ba talaga kita?" -Loissa.
"Syempre! Bakit mo naman natanong yan?" -ako.
"Kasi feeling ko hindi e. Wala kang tiwala sakin. Kung bestfriend mo ko, sasabihin mo sakin yung problema mo, para manlang matulungan kita! Ayokong nakikita kang malungkot kasi bestfriend kita!" -Loissa.
"Sorry Loissa. Hindi pa lang kasi ako ready to talk about it. Sorry. I hope you'll understand." -ako
"Okay fine! If that's what you want." -Loissa.
"Thank you. Okay na ba tayo? Bes?" -tanong ko.
"Matitiis ba naman kita? I miss you bes." -Loissa, at niyakap nya ko.
"I miss you too bes." -ako.
---
"Bes. Nakita kita hide out nila Nathan." -Loissa. "Ikaw bes a? Ano yun? May payakap-yakap effect ka pa kay Nathan!"
*blush* "Ah! Wala lang yun."
"Anong wala lang yon? Umamin ka! Inlove ka ba kay Nathan?" -Loissa.
"Hindi naman sa ganun!" -sabi ko at umiwas ng tingin. "I like him."
"Ayiee! You like him ka dyan? You LOVE him kamo!" -Loissa. "Nako bes! Inlove ka na pala kay Natha-"
"Sinong inlove, Loi? Ikaw ba? Kanino?" -nagulat ako ng bilang sumulpot si Dylan kasama si Nathan, Drake at yung magkapatid.
"Si Mandy, kuya! Inlove kay asdfghjk" -tinakpan ko agad ang bibig nya.
"Ah! Wala lang yun. Nagbibiro lang si Loissa." -ako. Hindi ko na sila hinayaang magsalita kaya nagpaalam na ko. "Sige. Bye! May pupuntahan pa kami e."
Kurt's POV
Nakita kong nalaglag ni Mandy yung keychain nya kaya pinulot ko at tinignan.
"Bro! Bakla ka ba? *laugh* Bakit pangbabae yang hawak mo?" -Kent.
"Ulol! Kay Mandy 'to. Nalaglag nya kanina." -sabi ko.
"Sus. Dinamay pa si Mandy! Palusot mo p're!" -Drake.
Bigla namang kinuha ni Nathan yung keychain sa kamay ko at naglakad palayo.
"Anong nangyari dun?" -tanong ko.
"Nainggit yata kay Kurt, boy!" -Drake.
"Bakla yata si Master, p're!" -Kent.
*laugh*
"Mga g*g*! Tara na nga. Baka bugbugin ko pa kayo!" -Dylan.
Napansin kong parang mag ibiisip si Dylan kaya tumahimik na lang ako.
Dylan's POV
Inlove talaga yung loko na yun kay Mandy. *laugh*
Mapuntahan nga.
---
(Likod ng School)
Nakita ko syang nakatitig lang sa hawak nyang keychain.
"Nathan!" -tawag ko sa kanya.
"What?" -Nathan.
"Bakit di mo sya ligawan?" -tanong ko. Alam kong alam nya yung sinasabi ko.
"Di pwede. May gang tayo! Ayoko syang madamay sa gulo incase na may malakas tayong kalaban." -Nathan.
"Sabagay. Tama ka naman dyan, nag-iisip ka rin pala kahit minsan no?" -ako.
"Bugok! Ikaw nga, Isip ka ng isip, wala ka namang utak!" -Nathan.
"Ouch naman bes! You hurt my bangs!" -sabi ko in a gay tone saka umarteng parang nasaktan nga yung bangs ko.
"Sh*t! Kadiri!" -Nathan.
"Fafa Nathan naman!" -ako at Kunwaring bakla.
*phone rings*
"Yes?..... Ah! Sige. Papunta na kami dyan!..... Bye!" -Narinig kong sabi ni Nathan.
"Sino yun? Anong sabi?" -tanong ko. Feeling ko may masamang nangyari.
"Si Mandy kinuha ng grupo nila Vegas (Arthur)! Kasama yung kapatid mo!" -Nathan.
"Subukan lang nilang may gawing masama sa kapatid ko! Papatayin ko sila!" -Ako.
Nagmadali na kaming pumunta sa nasabing lugar.
---
(Vegas' Hide Out)
Sabay sabay kaming nakarating dito.
"Buti naman at nakarating na kayo?" -Arthur.
"Akala ko, paghihintayin nyo pa kami e" -James.
"Shut up!" -sabi ko at sinuntoksi James.
"Stop! Kung ayaw mong pasabugin ko yung bungo ng kapatid mo!" -David.
"At tong magandang babaeng to!" -Moses.
"Wag na wag mo syang gagalawin kung ayaw mo pang mapunta sa impyerno!" -Nathan.
"Ano to? Saving your princess ha? Lover boy?" -Joshua.
"Enough! Ibabalik namin sa inyo ang mga babaeng to. In one condition?" -Arthur.
"Ano naman yon?" -Drake.
"Bubuwagin nyo ang Gang nyo at lilipat sa gang namin ang 'Vegas Organization'" -David.
"Wait kuya! May isa pa!" -Jonah, she's pretty kaso ubod ng arte.
"Ano naman yun?" -James.
"Magiging toy ko si Nathan!" -Jonah.
"Yuck!" -sabay-sabay na sabi ni Drake at ng magkapatid.
"No Jonah!" -Arthur
"But kuya!" -Jonah.
"No buts! Get out of here, now!" -Arthur.
Umalis na si Jonah.
"Buti naman, may isip ka kahit papano!" -Kent.
"O ano na? Deal?" -Joshua.
"No deal! Tanga!" -sabi ni Kurt at sinipa nya yung hawak na baril ni Moses. At si Drake naman yung umagaw ng baril kay David.
Nag-umpisa na kaming makipaglaban, habang si Nathan naman ay tinatanggal yung tali sa kmay ni Mandy. At si Drake naman ang nagtanggal kay Loi.
---
Natapos yung laban. Nakalabas na kami sa hide out ng mga Vegas.
Drake's POV
"Okay ka lang?" -tanong ko kay Loissa.
Namula lang yung pisngi nya.
"Hey! Ayos ka lang ba? Bakit namumula ka?" -nag-aalalang tanong ko kay Loissa.
"Ah! Oo. Okay lang ako. Salamat!" -Loissa.
"Are you okay?" -narinig kong tanong ni Nathan kay Mandy, pero tinignan lang sya ni Mandy. "Sh*t. Talk!"
"Yes! I-I'm O-Okay." -nauutal na sagit ni Mandy.
I smell something.
"Tara na Loi. Umuwi na tayo." -Dylan.
