Chapter 2

4 3 0
                                    

November 27,20xx

Victoria Elizabeth's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Cristobal huh?

May isang tanong na nabuo sa isipan ko.

Cristobal. Maari kayang kapatid niya si Zydric?

No way! Sana hindi.

Bakit? Bakit hindi pede? Ugh! Bakit ko ba kinakausap sarili ko?

Natatanga na ata ako

Ano ba yaaaan! 

Bumangon na agad ako sa hinihigaan ko.

Naligo. Nagbihis. Kumain. Lumarga.

Nagmadali akong maglakad. Iniwan kasi ako ng magaling kong kuya. Maaga pa naman. Inagahan ko talaga para sumabay kay kuya at inagahan ko talaga para di ko makasabay o makita sina Zydric at ang gf nya. Gaaad! Nakakahiya.

Tumigil ako sa tapat ng gate. Huminga muna ako ng malalim.


"Ate Victoria!" napalingon ako

"Y-yes?" sabi ko sa babae di ko siya kilala malay ko fan siya ni Zydric

"Uh. Pede po bang ano." nahihiya nyang sabi

"Ah ano yon?" sagot ko

"Si ano po kasi pinapapunta ka po sa ano. Pinapaano niya lang po sakin."

"Ha? Di kita maintindihan?"

Pano ko ba to maiintindihan. Ano ng ano. Malay ko kung anong ano yan. Baka ano pa yan e. Hay nako!

"P-pinapapunta ka po niya s-sa library."

"Ah sige. Sino?"

"Di niya po pinasabi e."

"Ah ok. Salamat" ngumiti ako

Papunta na ako sa library ng may tumigil na isang lalaki sakin.

Inabutan niya ako ng rose. Wait. White rose.

Bawat limang hakbang ko ay may nagaabot saakin ng rose.

At nung malapit na ako. Biglang nag bukas ang pinto at isang gwapong lalaki ang lumabas galing don.

"Omaygad" yan nalang ang nasabi ko

He chuckled. Panaginip ba to? Sana hindi na ako magising.

"Ang tagal na pala. Pero ikaw pa rin"

Omayyy~

"Biktoryaaaaaaaa!! Hindi ka pa ba babangon?! Tang ina iiwan kita e! Lagi nalang puyat! Bahala ka dyan! Within 30 minutes aalis na ako!"

What the hell?!

"Oo na! Liligo na ako!"

Bwiset panira talaga ng panaginip! Hmp!

Naligo. Nagbihis. Kumain. At lalarga na.

Totoo na to.

Hay!

"Kuya Prince bakit parang ang aga mo? May date?" tanong ko kay kuya

Inayos nya muna ang seatbelt niya.

BoyBestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon