November 29 20xx
Victoria Elizabeth's POV
Hanggang ngayon. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagmove on. Hanggang ngayon tanga pa din ako. Hanggang ngayon pinipilit ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi naman pede. Hanggang ngayon.... Hanggang ngayon wala pa din akong pinagbago.
Let me go. Ang sarap pakinggan lalo na't galing sayo. Galing sa puso. Utak. Laman. Dugo. Pati kaluluwa mo.
Yan yung last word ko sa kanya.
Agad syang umalis don.
Lagi naman e. Ano pa bang bago?
Pero this time? Wala ng kirot. Wala ng hapdi. Wala na akong maramdaman. Nagiging manhid na ako. Ultimong pagkain ko. Dalawang araw na akong puro tubig. Hindi ako makaramdam ng gutom. Tanging pagbagsak ng luha galing sa mata ko nalang ang nararamdaman ko.
Sumilip ako sa bintana. Umaga na pala.
Simula nung nangyare yon hindi na ako pumasok. Pagkatapos kasi non nagtatakbo na ako. Ayoko na.
Naisipan kong pumasok.
Naligo at nagbihis ako saka nagpunta sa baba.
Andito si kuya. Alam niya ang nangyari. Kasi andun siya. Andun sila. Specially kay Zydric. Nakita ko ang awa sa mukha niya. Well, di ko kailangan ng awa. Lalo na't galing sa kanya.
Simula ngayon... Iba na ang Victoria Elizabeth Andres na makikilala niyo.
Kumain ako ng kumain. Ngayon ko naramdaman ang gutom.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta uli ako sa taas. Ng walang sinasabi si kuya. Naiintindihan niya ako.
Kumuha ako ng press powder at inayos ang mukha ko. Wala akong pimples. Wow. Nakikisama ang pimples ko ngayon. Naglagay din ako ng pangkilay. Tapos eyeliner. Tapos lipstick. Yan!
Nagmahal, Nasaktan, Nagmake over.
Tama na ang iyaking Victoria.
And hey. I'm the new bitch in town, so be prepared.
~ ~Pumasok agad ako sa room. Pagkatapos akong ihatid ni kuya.
Lumapit agad sakin ang tropa.
"Nakita namin ang nangyare...."
Tumingin ako sa kanila.
"We feel sorry-" di na natuloy ang sinabi ni jaz
"Condolence"
Nagtataka akong napatingin sa kanya at
"Pft! HAHAHAHAHAHAHA! KINGINA HAHAHAHA!"
Tumawa lang kami ng tumawa.
"W-why? May nakakatawa ba?"
"Taena Zyril! Sinong namatay?"
"Huh? Diba?" turo niya sakin "Anong? Bakit kayo nakatingin sakin ng ganyan?"
"Alam naming mahina ka sa english pero, anong nakain mo at sabihin mo ang condolence? Grabe ka naman zyril!"
Tumatawa pa rin ang tropa.
BINABASA MO ANG
BoyBestFriend
RandomSabi nila mas masarap daw kasama ang mga lalaki. Kasi hindi sila plastik. Hindi sila traydor. Or should I say masarap sa pakiramdam kasi para kang may kuyang nagtatanggol o magtatanggol sayo? Hango ito sa palabas na TWENTIES! Yikes! Sana maraming m...