~~~Segway lang muna para sa konting kilig xD~~~
Nagdaan ang limang araw ng klase na puro free time. Ipinaliwanag saakin ni Cass na dapat raw sana e day 3 may lessons na kami kaso tinatamad raw sya kaya ipinagpaliban nalang nya ito at ginawang next monday.
Hay buhaaay!! Hindi ko ba alam kung paano ko aayusin yung pangalan ko sa W e. Naiimbyerna na ako sa tawag nila saaking Ms. Valedictorian or Ms. Scholar. Pasalamat talaga sila na may pangako ako kay Cass na magtitimpi pa ko kahit konti dahil titigilan rin ako ng mga yan BALANG ARAW.
President: Magready na for tomorrow okay? :)
Binuksan ko ang messenger ko at yan ang bumungad saakin. Binalik ako ni Cass pagtapos ko magleave.
Shelly: Yessmam!!
Vincent: (like)
Austin: Zzz
Ms. Scholar ng W: Saang hotel ba tayo mag stestay?
Patreeeengcxz: Malapit sa Mars xD
Tss -_- Kelan ba nila titigil pang aasar saakin.
Ms. Scholar ng W: Seryoso...
Francis pogi: Sa puso mo
Shelly: HAHAHAHA
Yeyet: Ang mean nio... sa puso kya ng lola nia.
Lemuel: La? Patawa ka? -_-
Yeyet: KAUSAP? }:(
Lemuel: Obviously kase GC to!
Yeyet: D nmn ikaw tinutukoy ko!!
Lemuel: Manahimik ka nalang kaya ang jeje mo e.
Yeyet: }:( Epal
Hays langya wala na ata akong matinong makakausap ngayon. Pati si Jeanine di na ako kinakausap, grabihan nagkaroon na ata ng bagong friends dun tas kinalimutan na ako.
President: Malapit lang yun sa school Angel :) Malapit rin sa mga malls. Maganda yung hotel for sure mag eenjoy ka.
Goodness, mamaya gaya nung room namin yan. Pag nag expect ako ng maganda panget kinakalabasan e.
Ms. Scholar ng W: Salamat
Naghanda na ako ng mga gamit para bukas. Bukas ko na rin itatanong sa kanya yung mga di ko naintindihan noon. Kase sabi nya kumbaga sa isang buong pizza, dalawang slice pa lang nakakain ko.
"The smartest award goes to... Angel Cipriano!!"
"WOOOH"
"GALING!!"
"SO PROUD OF YOU!"
"ANAK KO YAN"
Halos maiyak na ako habang papunta sa stage... Eto talaga ang pinapangarap ko. Makaakyat sa stage ng Smartson, maitanghal na Smartest student of the year, ang mailathala sa newspaper at magazine nila na Smartson's magazine.
Nung makatuntong na ako rito di na ako nakapagpigil ng luha. Nakikita ko na maraming journalist ang todo picture saakin, sina Jeanine todo palakpak pati na rin ang pamilya ko, at ang W na sumisigaw na "VALEDICTORIAN NAMIN YAN",
Nung maiabot na saakin yung certificate with matching trophy and flowers, lalong umingay sa stage at halos wala na akong word na maintindihan.
Tapos...
BINABASA MO ANG
The Worst Section
Teen FictionYung section nyong batuhan ng brief kung saan saan. Yung section nyong sa sobrang ingay nadaig pa nakamicrophone. Yung section nyong kulang nalang maging tambakan ng basura yung classroom. Yung section nyong once in a week lang dinadalaw ng mga teac...