Secret Love 1

2.2K 27 6
                                    

If you love someone, tell them. For hearts are often broken by words left unspoken.

-Stephanie Roogle

CHAPTER ONE

"Yes mama, nandito na po ako. Huwag na po kayong magalala" sabi ko kay mama habang hinahanap ko ang bago kong room sa dorm namin. 

"Okay mama hindi ko po kakalimutan ang bilin ninyo sa akin, bye bye love you mama" sabi ko at itinago ko na ang phone ko sa bag at pinagpatuloy ako ang paghahanap sa kwarto ko. 

Hindi naman sana ako magpapalit ng room kaso ayaw ko na talagang makasama sa iisang kwarto ang babaing yun. Gabi-gabi na lang walang tigil sa pag-iyak dahil iniwan na naman siya ng kanyang boyfriend. Hindi ko na nabilang kung ilang beses siya nagpakatanga dahil lang sa lalaki. 

Nakakaawa pero hindi ko na kaya. What she's doing is already affecting my sleeping schedule and my mood swings.

'201-202-203-204-205'

"Bingo!"

Nasa 205 ang room ko. Nahanap ko rin sa wakas! 'Sana ako pa lang, sana ako pa lang.' sabi ko habang binubuksan ko ang pinto.

Pag-open ko ng door ako pa lang nga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag-open ko ng door ako pa lang nga. 
Hahaha... the odd is on me!

'Yes makakapili akong side'

Pagkalapag ko ng aking mga gamit agad ko naman inayos ang magiging kong higaan.

"Ang init naman dito. Buti pa maliligo muna ako" Kinuha ko ang maleta ko at ipinatong ito sa higaan. Kinuha ko ang towel at pati na rin ang hygien kit ko. Pumili na rin ako ng damit na susuotin ko for tha rest of the day. White lose-shirt at blue shorts. Simple but cut. Pagkatapos kung maligo, nagsipilyo na ako at sinuot ang damit na napili ko. 

Habang sinusuklay ko ang buhok ko, lumabas na ako sa banyo. At hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nanlaki ang ang mata ko ng makita ko na may nakatayo at nakaharap sa binta ng  kuwarto. Hindi lang dahil tao siya kundi isa siyang lalaki. Wtf! Anong ginagawa ng isang lalaki sa girls room at FYI sa girls dorm?! Dahan dahan siyang lumingon sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayoan ko. Timingin siya sakin na naka ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko na hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. 'Shit! baka magnanakaw to or worst rapist! My god, huwag naman sana!

"Ito ang room ko" sabi niya sa akin habang nakasmirk. 

'Aba aba, nakakainis ang smirk nito ah! At ano raw dito ang room niya? Kapal naman naman nito.  Wow ha! hindi niya ba alam na all girls lang dito'

Ang lalim ng iniisip ko kung bakit may lalaki sa dorn ko nang bigla nalang siyang sumigaw at tumakbo sa aking.

"Ahhhh... ahh!" sigaw niya habang naka hawak sakin.

'Lintik! bakla ba to? Makatili ah kasing tinis ko.'

Nagtatalon siya habang naka hawak parin sakin. 

"Bitawan mo ako" itinulak ko siya ng malakas at napahiga naman siya sa sahig 

"Ano ba! Huwag na huwag mo nga akong hahawakan. Manyak!" sigaw ko sa kanya.

"Teka, anong manyak ang pinagsasasabi mo. Nabigla lang ako sa ipis na dumaan sa paa ko kaya ko napatakbo at napahawak sayo. At ano ba ang iniisip mo? Lalaki ako? FYI po, babae po ako"

'Aba ang taray nitong babaknitang ito ha"

"Your a girl?! Sabihin mo sakin kung saang parte ng katawan mo ang babae ha" mataray ko na sabi.

'Pinagloloko ata ako nito'

At syempre ano pa ba ang tatatak para masabing babae ehdi "boobs". At ayun na nga pinakita niya sakin. Itinaas niya ang kanyang T-shirt. Napatingin naman ako sa aking dibdib.

'he! Mas malaki parin sakin hahaha'

'shit babae pala talaga, tomboy ba ito?' 

"Tomboy ka ba?"

"Babae ako" hindi parin ako makapaniwala na babae siya. 

"But your looks. The why you dress. Its just like a guy" 

Nanlaki ang mata ko na iaatempt niyang iunzip ang pants niya. 

"Stop! Okay, okay. No need for that"

Ngayon na malinaw na, I'm doomed may kasama akong lebian sa room ko.
Umalis nga ako sa dati kong dorm, ito naman ang makakasama ko. Hay naku!

"Okay  dahil ako ang nauna dito sa room na to. Akin ang right part. Dito ako at dyan ka sa left" Kinuha ko ang tape ko at nilagyan ko ng tape ang sahig na nagsasabing kung saan lang siya pwede at hindi siya pweding pumasok sa teretoryo ko.

"Yan Diyan ka at dito ako" naupo ako at nilabas ang mga gamit ko. Magaayus na ako ng gamit at bukas start na ng school. First day of school and I hate it.

"Pero pano kung gagamit ako ng CR nasa teretoryo mo yun eh?"

'Ano ba ito'

"You can climb on it" nakakainis na nakakatuwa ang ginawa niya,  sa markings siya naglakad .

Ano ba ito sana naman iba nalang ang kasama ko sa room ko.

Pagkatapos ng 102913512392 ay natapos narin ako sa pagaayus. Naupo ako sa study table at nagbasa ng libro. Hindi ako mapakali dahil kakaiba ang nararamdaman ko dito. Nahiga nalang ako at di namalayan na nakatulog na ako. 

'Help me, Lord'

..

Thank you for reading!

Vote and Comment 

love, Tina

SECRET LOVE (Under Reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon