Part 4

1.6K 25 12
                                    

++++++++ PIE +++++

Sumakay kami sa bus at wala akong idea kung saan ako dadalhin ng taong ito

"Pie" tiningnan ko siya 

"Huh?" 'nakakailang siyang tumingin hyst'

"Is it really okay na isama kita?" napaisip tuloy ako kung sure ako dito wala akong alam kung saan kami pupunta basta nalang ako sumama

"Yha I think so" nandito na ako wala na itong atrasan saka nakakahiya naman na umayaw sa isang tao

....

Bumaba kami sa isang station at naglakad ng ilang minuto.

"Nandito na tayo" hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa isang cafe

"We own this cafe, my dad named this after me"

'oh TIM CAFE tim pala name mo' tumango lang ako

"Your name is Tim"

"Yap" nginitian niya ako na may kasamang smirk

"Ako nga pala si Pie" nilahad ko ang kamay ko para sa kanya, hinawakan niya naman ito saka tumuloy na kami at naupo sa isang table.

Napapansin ko hindi niya pa binibitiwas ang kamay ko masyado naman itong palahawak sa kamay ng ibang tao. Bata ba ako kaya dapat talagang hawakan ang kamay ko. Mababa lang ako ha! Pero hindi naman ako bata.

"Ehem!" napansin niya yata kung ano ang ibig kong sabihin saka niya binitiwan ang kamay ko

"S..sorry" ngumiti na lang ako sa kanya wala lang ang ganda niya kasing ngumiti kaya napapangiti na rin ako

May papalapit na malaking lalaki sa amin bigla naman akong kinabahan pano ba naman kasi ang laki ng katawan nito. Baka leader to ng isang mafia or kaya naman ka-sparing ni Pacman.

"Tim" tinawag niya ang kasama ko. Ano kaya niya to? Papa, Tito or ano?

Humarap naman si Tim at tumayo.

"Dad" niyakap niya ang ang lalaki. Papa niya pala. Kitang kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan na nagkita sila.

"And who is this beautiful young lady?" tiningnan niya ako gwapo din ang dad nitong si Tim ah namana niya ang mga mata nito.

"Ah dad her name is Pie, Pie my dad" tapos iniabot naman ng kanyang dad ang kamay nito.

Syempre as a sign of respect kinamayan ko siya. Nakakahiya naman.

"Nice to meet you Sir" tumawa naman ito ng malakas as in malakas wala naman palang problema kung medyo maingay siya kasi kanya naman pala itong restaurant na to.

"Just call me uncle, oh sya sit down magpapadala ako dito ng mga pagkain" tapos umalis na siya

"Astig ng dad mo" napangiti ako kay Tim

"Yha he is the best dad" ngumiti naman siya 'shet and gwapo niya ngumiti lalaking lalaki na siya kung titingnan'

Napapaisip na naman ako ng mga bagay bagay na alam kung hindi na naman maganda ang patutunguhan

'Erase erase erase babae siya kahit ganyan ang kanyang itsura'

Hindi ko napansin dahil sa kaiisip ko may naglalagay na pala ng mga cakes sa mesa namin 'wow parang masasarap ang mga ito' favorite ko panaman ang mga cakes lalo na ang strawberry cake or kaya naman ang vanilla cake or kahit ang dark chocolate cakes. Wala naman akong inaayawan basta ba pagkain ang pinaguusapan.

----

A/N

short update muna tayo guys super busy na kaya ang buhay ko ngayon college life is a busy life.. promise mag uupdate ako ulet soon

Hope you like it and comment kung ano ang gusto niyong mangyari sa jam nilang ito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRET LOVE (Under Reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon