BLOCKMAIL (ONESHOT)

255 5 3
                                    

"Uy Angel, bakit di mo man lang  pinapansin yung pagpapacute ni Brylle ah? " tanong ni Line na bestfriend ko

"Ah? Nagpapacute ba sya sa'kin?" maang na tanong ko

"Oo kaya, sige ka maagawan ka pa ng iba dyan. Balita ko nga nagiging close na daw sila nung transfer eh! Hala ka, LAGOOOOT!" pananakot nya sa'kin

"Tse, anu-anong pinagsasasabi mo dyan? Umalis ka na nga lang dito at iwan mo ako, nananahimik ako dito eh, ginugulo mo ako." utos ko sa kanya

"Sige na nga po BOSS. Bye bye"

"BYE"

"I'm warning you"

"Tse, chupiii" 

Oo nga noh! Paano kung maagaw sya sakin? Paano kung magsawa na si Brylle at makakita ng bago? BESTFRIEND ko sya, kaya di ko sinasabi sa kanya na mahal ko din sya kahit alam kong mahal din nya ako. Almost 1 year ko na rin tinatago sa kanya ang tunay kong nararamdaman at  almost 5 months na rin mula ng malaman kong mahal nya ako at maging sweet sya sakin. Hayyy! Paano ko ba masasabi na mahal ko rin sya bago pa mahuli ang lahat *sabay buntong- hininga*. Nagmuni- muni muna ako dito sa paligid. By the way, nasa may bench ako sa ilalim ng puno dito sa school. Ito ang favorite spot, ang lagi kong pinagtatambayan kapag ganitong oras tuwing dismissal kapag hapon. 

"Hello my dearest Angel"

"Ayyy butiki, *lumingon sa likuran* Loko ka Brylle ikaw lang pala yan. Ginulat mo naman ako eh"

"Alam ko naman na magugulat ka eh"

“Ewan ko sayo, lumayas ka na nga lang dito” utos ko

Umalis rin agad siya. Bwisit naman sya di man lang tumutol, sabi nya mahal nya ako pero bakit pumayag sya na iwan ako ditto ng mag-isa. How sad nemen. L

“MAHAL KITA ANGEEEEEEEEEEEL”

“AY MAHAL DIN KITAAAA BRY ………”

“Anong sabi mo?” gulat pero masayang tanong ni Brylle

“Ah? Ano kasi eh…… Ikaw kayang sigawan tas ang lapit pa sa tenga ang bibig, ang lakas nun diba? Di ka ba magugulat? Palusot ko

“Ah, nagulat ka lang pala! Akala ko pa naman…” malungkot na sabi nya

Kung alam mo lang Brylle…. Totoo yun!

“Sige, pupuntahan ko lang yung transfer, niyayaya nya akong kumain sa labas eh, nag-aalinlangan ako kanina pero ngayon alam ko na ang gagawin ko. SASAMA AKO SA KANYANG MAKIPAGDATE! Byeeeee ”

“Teka lang”

Hindi sya lumingon.

“MAHAL DIN KITA BRYLLE” sigaw ko

Napalingon sya bigla sa akin.

“Totoo ba yun?” tanong nya

Tumango lang ako

“Pakiulit nga” hiling nya

“Ayoko nga” pang-aasar ko

“Please?” pagmamakaawa nya

“Ayaw” pagpapakipot ko

“Sige ka makikipagdate ako!” pagdedare nya sakin

“Edi makipagdate ka” pagtatapang ko naman

“Sige, sabi mo eh”

Paalis na sya ng….

“Joke lang”

“Sabi ko na eh, di mo rin ako matitiis eh. Sabihin mo na nga”

“MAHAL NA MAHAL KITA BRYLLE”

Nakita kong yung malapad na ngiti na nagform sa mga labi nya. At dahil sa sobrang tuwa, napayakap sya sa’kin.

Reaction ko -------------------------à  O_O

“MAHAL NA MAHAL DIN KITA ANGEL” bulong nya sa’kin habang yakap- yakap ako.

-THE END-

Thankyou po for reading. Sana po nagustuhan nyo.

Sensya na po sa typo-error, first time lang po kasi eh.

I LOVE YOU ALL :* 

BLOCKMAIL (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon