--
GREY'S POV
"...isang maling galaw ninyo ay mamatay na kayo." Pahabol niyang salita sa akin.
Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Daphne. Hindi ko alam na papakawalan rin niya ako katulad ng ginawa niya kay Daphne. Pinalagpas niya ang pagpapahirap sakin. Pero muntikan na ako dun ah. Pero hindi dapat ako mapanatag. Dahil alam kong may plano siya kaya niya ginagawa ang lahat ng ito.
"DAPHNE! Asan ka na!?"Kung saan-saang parte na ng school ako nakarating, pero wala parin.. Hindi ko parin siya mahanap. Nasaan ka na ba, Daphne?
"T-tulong..." pabalik na sana ako sa pinanggalingan ko kanina ngunit nakarinig ako ng mahinang salita galing sa isang babae. Boses niya yun. Hindi ako nagkakamali. Sinundan ko ang boses na iyon at nagulat ako kung saan ako nadala ng mga paa ko. Nagulat ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Bakit dito pa sa kwartong ito?
Hindi ko inaasahang dito ako mapapadpad.. Sa kwarto kung saan isang kakila-kilabot na karanasan ang naranasan ko.. Isang pangyayaring hindi ko malimot-limutan... sa kwarto kung saan naroroon ang nag-iisang kwartong hindi pinapasukan ng lahat ng tao dito... ang abandonadong nursery room. Bakit?
...bakit dito pa?
Isang bangungot para sa akin ang kwartong ito. Isang bangungot na kailangan nang kalimutan ng panahon.
DAPHNE'S POV
Nakakainis! Nakakabwiset talaga! Napaka-walangkwenta ko. Napaka-walanghiya! Sana pala hindi ko nalang ginawa 'iyon'.Tsk, naalala ko na naman tuloy yung pangyayaring 'iyon'. Pilit ko na ngang kinakalimutan yung bagay na 'iyon' pero pilit parin itong nabalik sa akin. Tsk. Nakakainis. Muntikan ko nang makalimutang tatakas nga pala ako sa impyernong 'to. Napakabobo ko talaga. Hindi kasi ako nag-iingat eh. Buti nalang talaga may dala akong asin at pinahid ko agad iyon sa sugat kong ginawa ng bruhang iyon.
Nakakainis talaga! Yung mga sinabi ko sa kanya kanina ay puro kasinungalingan lang. Yung paghingi ko ng tawad sa kanya? Huh, puro kasinungalingan lang yun. Hindi ko ibababa ang sarili kong pride para lang sa kanya. Masyado pang maaga para magmakaawa sa kanya. Tsaka alam kong balang araw, siya na ang magmakaawa sa akin. Pinakawalan pa niya talaga ako ha? Napakatanga mo talaga, Death.
Nagpahinga muna ako ng saglit dito sa pinagtataguan ko kung saan di ako makikita ni Death. Pinapahilom ko muna yung sugat ko. Mahirap kayang maglakad nang may sakit na iniinda sa katawan! Maya-maya, tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso na papalabas ng school.
Magmamakaawa ka rin sakin balang araw, Death.
***
"A-anak bakit ganyan ang itsura mo?!" Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin, bumungad sakin sila mama na halatang nag-aalala na. Paano ba naman kasi, Alas diyes na ng gabi na ako nakarating sa bahay. Nag-alala na silang panigurado sakin dahil sa itsura ko. Gulo-gulo ang buhok ko, ang blouse ko'y punit-punit na, tinatakpan na lama ng blazer ko ang nakikitang laman sa balikat ko, at ang palda ko naman ay may bakas ng dugo. Mayroon pa akong kaunting kadungisan buhat nga ng nangyari kanina. Walang hiya ka talaga, Death.
"W-wala po ito, ma. Pumasok na po tayo sa loob." Sabi ko at ngumiti kila mama. Pumasok na kami sa loob at nakita kong napakagulo ng salas. Anong nangyari?
"Mama, bakit po ang gulo ng bahay?" Tanong ko kay mama. "Hinalughog ng mga pulis ang bahay natin kanina. Pinagbibintangan nila ikaw na ikaw daw ang pumatay sa kaeskwela mo. Naghanap sila ng ebidensya. Anak, sabihin mo sakin, totoo ba iyon?" Sabi ni mama sabay hawak sa braso ko. "ARAY!" Nahawakan ni mama yung parteng nilagyan ko ng asin. Ano ba'to, pakiramdam ko'y nalasahan ko ang blazer ko nang dumapo ito sa balat ko.