Chapter 4 - Saved by whom?

449 25 7
                                    

note:
sorry po sa late update. asahan niyo pong kapag nagkafree time ako, mag-uupdate na po talaga ako. i-uupdate ko nalang po sa status ko kung may kailan ang update. promise. short update lang po ito. next time na yung mahaba. thank you @solitaric for the prev cover. thanks again!! :-D

--

GREY'S POV


"Sa akin mo na siya ipaubaya, kuya. Ako na ang bahala sa kanya. Ako na ang liligpit sa kanya. Huwag na huwag mo siyang gagalawin kundi ako ang makakalaban mo. Kakalimutan kong kadugo kita 'pag nangyari iyon. Tapos ang usapan!"

Nagising ako sa boses ng babae sa labas ng kwarto kung nasaan ako. T-teka, nasaan nga ba ako? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi ko pa ito nararating. Papaano ako napunta rito? Wala akong maalala tungkol sa nangyari sa akin kagabi. Pero ang tangi ko lang na naaalala ay mayroong pumukpok sa ulo ko at doon na ako nawalan ng malay. Napailing ako, mamaya siguro maaalala ko rin ang lahat ng nangyari kagabi.


Nilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto, puro kulay itim ang mga gamit dito. Halos lahat ng mga gamit dito ay itim. Wala kang ibang makikita na ibang kulay dito bukod sa picture frame na nasa tabi ko. T-teka...picture frame? Dali-dali kong kinuha yung picture frame at tinignan ang nasa litrato. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. S-si Death ito ah? At may kasama siyang lalaki at babae. Hindi ko mamukhaan ang mukha nung dalawang kasama ni Death kasi sa sobrang luma na nung litrato, lumabo at kumupas na yung litrato. Pero bakit yung litrato ni Death, hindi parin lumalabo ni kumukupas?


Sa pangalawang picture frame ay ang litrato ng isang pamilya. At tama nga ako, andun parin si Death. Kasama niya ang mga magulang niya at kasama niya parin yung dalawang bata kanina sa pang-unang picture frame. Muli, hindi ko parin makita kung sino yung dalawang batang kasama ni Death dito. Pero yung mukha ng mga magulang ni Death, malinaw na malinaw. Kilala ko ang mga magulang ni Death. Kilalang kilala.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang bumukas na pala yung pinto. S-si Death nga.

"Gising ka na pala," aniya, "May masakit pa ba sayo?" lumapit siya sakin at inihiga ako nang maayos, "Huwag ka munang gagalaw, kukunin ko muna ang pagkain mo. Hintayin mo ako." pagkasabi niya nun, nginitian niya ako nang matamis.

S-si Death ba talaga 'to?

Pagkatapos ng ilang minuto, hindi parin siya bumabalik. Sa labas ng kwartong ito ay nakakapanindig ng balahibo, sobrang dilim sa labas. Kanina ko pa nararamdamang parang may nagmamasid sa akin. Aaminin ko, kinikilabutan ako pero hindi ito ang tamang panahon para magpakaduwag. Maya-maya ay bumalik na siya nang may dalang pagkain at inumin.

"May masakit pa ba sayo?" nakatitig lang ako sa kanya, hindi ako makapaniwalang magiging ganito si Death sakin ngayon. Nakakapanibago.

"Alam mo, kanina pa ako nagtatanong sayo kung may masakit pa sayo pero wala akong natanggap na sagot kahit isa," tumawa siya nang mahina at inilapag ang pagkain sa lamesa sa gilid ng kamang ito.

"D-death..." mahinang sambit ko sa kanya, pagkarinig niya ng salitang iyon, napatigil siya sa ginagawa niya, tumingin siya sa akin na parang naguguluhan.

"Death? Bakit, mamatay ka na ba?" inilapit niya ang mukha niya sakin at tila ba nag-aalala siya sakin nang husto

Huh? A-ang gulo niya. Di ba, siya si Death?

"Death, ikaw 'yan hindi ba?" tumingin siya sakin na para bang gulong-gulo


"Ah, tao pala ang tinutukoy mo. Hindi ako si Death, ako si Airess."


P-pero s-siya si Death.. Nagpapanggap lang siyang ibang tao, di ba? Napailing ako. Walang balat si Death sa pisngi, ang babaeng ito ay meron. Mahaba ang buhok ni Death pero ang buhok ng babaeng ito ay hindi. Pero kasi.....aish! Di ko alam!

"A-ah, Grey." pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin nang napakalapad bago magsalita, "Alam ko."


"Maghahanda lang ako ng makakain natin ngayong gabi. Magpahinga ka nalang jan, tatawagin nalang kita kapag nakahanda na ang pagkain." pahabol niyang sabi sakin bago siya lumabas.


Naguguluhan ako. Sino ba talaga itong nagligtas sa akin?

XAVIER'S POV


Naglakad ako pauwi ng bahay galing sa pinuntahan ko na walang nakakaalam kundi siya at ako lang. Alas tres na ng madaling araw at di ko namalayan ang oras nung pumunta ako dun, nakatingin lang ako sa kanya habang nakikipag-usap siya sa kanya. Ang galing talaga niyang umarte. Wala akong masabi.

Bigla namang tumunog ang telepono ko, nagulat ako kasi sobrang dilim sa eskinitang ito at napakatahimik pa tapos sasabayan ng napakalakas na tunog ng telepono. Nagising naman ang diwa ko nang dahil doon. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Napangisi ako.


From: +639123456789

Xavier, nagawa ko na ang gusto mo. Nakuha ko na siya! Pwede mo na siyang puntahan dito bukas. Nagawa ko na ang gusto mo, ah? Pwede na ba tayong magdate bukas? :-D


Mas lalong lumapad ang ngisi sa aking labi. Kapag talaga bata, madaling makuha ang loob. Madaling utuin.

--


note:
super sorry sa late update! babawi ako sa next ud, hahabaan ko. ohorat?
xavier on the mm section.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Name is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon