Role Play World. Kung kpop fan ka, paniguradong alam mo ito.
Sa RPW, marami kang makikilang mga bagong kaibigan. At syempre mga kalandian.
Kalandian, pampalipas oras, isa yan sa mga rason ni Seth nung pumasok sya sa RPW. Nung una wala syang idea sa RP World. Nalaman nya lang yun dahil sa mga kaibigan nyang kpop fan din tulad nya.
Kai Jongin Mahalay.
Yun ang RP Account nya. Bias nya si Kai ng EXO.
Landi dito. Landi doon. Halos araw-araw papalit palit sya ng ka RS. Ayos lang yun sa kanya kasi katuwaan lang naman yun. Pero di nya akalain na ang simpleng katuwaan na yun ay seseryosohin ng mga babaeng nakalandian nya. Halos lahat sila pinaiyak ni Kai Jongin Mahalay. Yung iba pa nga nag-aaway ng dahil sa kanya.
"RPW ito. Hindi dapat sineseryoso ang mga bagay-bagay dahil sa huli masasaktan ka lang" yan ang paborito nyang linya.
--
Minsan naisip nya na rin na umalis sa RPW dahil sa marami na syang nasasaktan. Pero hindi nya yun magawa. Hindi nya alam kung bakit.
Isang araw sa gitna ng pakikipaglandian nya.
Krystal Bonita posted on your timeline.
"Hi Kai! :) "
Krystal Bonita. Lagi nyang nakikita ang pangalan nito sa news feed nya, pero kahit minsan ay hindi nya pa ito nakakausap. Boring na rin sya nung mga panahon na yun kaya hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa na kausapin si Bonita.
Sa isang simpleng wall post, mas lalo nilang nakilala ang isa't isa.
Days
Weeks
Months.
Kulitan, bangayan. Ganyan sila parati.
Unti-unti nagbago si Mahalay. Kung dati ay panay ang landi nito sa mga Girl RP's. Ngayon, snob na sya sa mga ito dahil ang gusto nya lang kausap ay si Krystal Bonita.
Bonita was different from the other girls he met online. May sense kausap. Hindi maarte at simple lang.
---------
"oh? tulala ka dyan ah. Problema mo?" sabi ng kaibigan nyang si Ianh.
"w-wala."
"leche . kilala kita. yang mga paganyang ganyang kilos mo? alam kong may problema ka."
"ano kasi.."
"lovelife ba yan?"
"tss. baka may lovelife?"
"eh ano kasi.. alam mo naman diba, yung rpw?"
"ah. oo. di na nga ako active dun eh. boring. oh anong meron?"
"may nakilala kasi ako dun. RP sya ni Krystal and then naging close kami. tapos.. ewan ko ba? parang mali eh."
"oh anong mali? teka nga. wag mo sabihing nagkakagusto kana sa op nun?"
"parang.."
"eh kung batukan kita dyan? oy. pagdating sa pag-ibig, hindi nag eexist ang salitang yan. it's either yes or no! ewan ko sayo! kalalake mong tao eh. parang di mo pa pinagdaanan yan."
"Mali nga kase. Maling mali."
"Why?"
"She's 5 years younger than me."
"SERIOUSLY????? D___________O"
-------
Nagtry parin si Seth na dumistansya kay Bonita. Pero kahit anong pilit nya, hindi nya magawa. Para kasing naging daily habit na nya ang pag oonline sa rp account nya para makipag usap kay bonita.