Chapter 1
"SAJINEZ KAJEL JIN, LAYA KA NA!"
Limang taong hinintay ni Kajel ang mga salitang iyon. Sa wakas, nakaamoy sya ng sariwang hangin. Hindi amoy rehas. Hindi amoy preso. Nakakabakla mang isipin pero halos mapaiyak sya ng ibalita sa kanyang makakalaya na sya matapos pagdusahan ang krimeng kinasangkutan. Tinapik –tapik nya ang polong suot. Ayos na to. Ilang minuto na din ang itinatayo nya sa harap ng salamin. 'Bakit ba sobrang ganda mong lalaki ha, Kajel?' Napangisi sya sa tanong ng konsensya nya. Ang nasa harap ngayon ng salamin ay isang bagong Kajel. Mahirap ng bumalik sa Muntinlupa at na doon abutan ng pagkatanda. Mas naging matatag na din sya at handing harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay.
Napalingon sya sa cellphone sa ibabaw ng kama. Kanina pa pala ito nagriring.
"Seb-" Pinutol agad sya ng kaibigan sa pagsasalita. Kunot ang noong pinakinggan ang pagsigaw sa kabilang linya.
"TANGINA KAJEL! Madaling araw ka pa dyan sa inyo ah! Wala ka bang balak lumabas?! Aba't sabihin mo ng maaga at ako na lang ang sasalo sa sweldo mo!!" Nanggagalaiting boses ni Sebastian ang bumungad sa kanya sa telepono. Dali-daling kinuha ni Kajel ang coat na nakahanger sa likod ng pintuan. Nawala sa isip nya ang oras. Kanina pa pala ito naghihintay sa may kanto.
"Pasensya ka na 'tol. Tinanghali ng gising. Pababa na ako. Relax, my man." Humahangos syang bumaba ng hagdanan. "Shit!" Nakalimutan nya ang kapares ng medyas sa kwarto. Patakbong bumalik sya sa taas. Hinalungkat ang cabinet, drawer, ilalim ng kama. "Putang-!" Hindi talaga nya makita. Inilapag nya ang cellphone sa lamesa at naririnig ang nagmumurang kaibigan. Pero wala na syang oras na murahin ito pabalik. Bahala na ngang walang isang medyas!
Nakalabas na sya at akmang ilalock na ang pintuan ng may biglang sumigaw sa likod nya.
"KUYAAA!!!!" Naramdaman nyang may yumakap sa binti nya. Tiyak na ilang segundo na lang iiwan na sya ni Sebastian 'pag hindi agad sya nakaalis. Itinuloy nya ang pagkandado at yumuko sa paslit na nakayakap pa din sa kanya. Bakas sa mukha na paiyak na ito.
"Sunny...bakit ang aga mong gumising?" Inayos nito ang buhok ng batang babae. Kusot-kusot pa ang mga mata marahil sa antok pa. Nakipagtitigan ito at ang kawawa nyang pinsan ang nakikita nya. Nakuha talaga ni Sunshine ang mga mata ng ama. At sa tuwing nakikita nya ang bata, parang gusto na nyang hukayin sa lupa si Lolen dahil sa pag-iwan sa anak. Pero malupit ang katarungan at kailangan pang buhay nito ang kabayaran. Pumalibot ang maliliit na braso ni Sunny sa leeg nito.
"Kuya Kajel, san ka po punta? Sa-sama na lang si Sunny..." Nagmamakaawang sabi ng paslit. Lagot na talaga sya kay Seb. Kaya maaga at tulog pa nyang binuhat si Sunny sa kapitbahay para makaalis agad sya pero ito na nga ba ang sinasabi nya eh.
"Sunny....makinig kay Kuya ha? Malayo ang pupuntahan ko. Saka...saka walang playground doon. Wala kang kalaro. Di ka pa mababantayan ni Kuya." Marahang pinaliwanag nya sa bata. Taimtim ang dasal nyang sasapat na ito para wag ng humabol pa sa kanya. 'Nasan na ba kasi si Tanya? Sinuswelduhan pero natatakasan naman ang bata?!' Naramdaman nyang lumuwag ang yakap nito sa kanya.
"Edi...edi di na lang maglalaro ako...Para...para di na galit ikaw."
"Sunny...magagalit si Kuya kapag nagpumilit ka pa. Saka magwowork si Kuya para may pambili ng fried chicken para kay Sunny. Favortite mo 'yon diba?" Sa wakas, nagliwanag ang mukha ng paslit. Kung pwede lang magningning ang mga mata nito, nasilaw na sya. Kaya naman walang hirap na nadala nya ito sa kapitbahay at patakbong umalis doon. Bahala na kay Sebastian kung nakaalis na ito.
---
Abala lahat sa gaganaping selebrasyon para sa silver wedding anniversary ng mag-asawang Montecillo. Invited ang media, businessmen, politiko at mga kilalang personalidad sa alta-syodad. Limang taon na ang nakakaraan ng magbitiw sa showbiz ang kanyang ina na si Luella Roma o Montecillo na ngayon. Nakita nya itong punong abala at sanay na sanay sa pakikihalubilo sa mga bisita. Lumipas man ang panahon, napakaganda pa din nito at naroon pa din ang mga solid fans ng ina. Isinabay sa selebrasyon ang tagumpay ng kanyang ama na si Alfronso Montecillo sa isang business merger. Lalong lalakas ang kumpanya nila dahil sa pag-acquire sa long-time leading pharmaceutical company na susuporta sa baguhang ospital nila. Napangiti sya ng mapait. Hinawakan nya ang baso ng alak at nahulog doon ang pag-iisip. Mas yayaman pa ang pamilya nila. Ngunit hindi nito mapapalitan ang lungkot at sakit na itinatago ng mag-asawa. At sya naman, tatanggapin at hahayaan na lamunin ng kunsensya at pagsisisi. Inisang lagok nya ang alak at gumuhit ito sa lalamunan nya. Tumulo pa ito sa bandang dibdib nya. Kung papansinin sya ng kanyang ama, sasabihin na naman nitong sana'y naghubad na lamang sya.

BINABASA MO ANG
Public Lies, Private Love
RomanceHold her tight hangga't kaya mo. Hanggang naniniwala pa sya sa kasinungalingan mo.