Chapter 1: Unknown beginning

7 0 0
                                    


Chapter 1:
Unknown Beginning

         

**Any parts of this story should not be published, distributed, etc... without the author's consent.

Plagiarism is a crime.
God is watching**


            Humahangos akong bumaba ng hagdan. Dalawa, tatlong hakbang ang ginawa ko para makababa agad ako sa kusina kung saan nandon si mama.

"Bye, mom." Hinalikan ko siya sa pisngi at nagtatakbo na palabas ng bahay. Holy shit. Malelate na ako.

"Nagtoothbrush ka ba? Ang asim pa ng hininga mo!" Mahinahon na sabe ni mama habang patuloy sa paghuhugas ng mga plato. Marahil tapos ng mag-almusal si mama kasama sila papa at kuya.

Hay nako. Maaga naman ako natulog kagabe aah. Bakit nalate pa rin ako ng gising. Aish!

Kumuha lang ako ng ilang wheat bread at umalis na ng tuluyan.

2 street away lang naman ang school kaya mabilis akong nakarating sa entrance nito.

*hop**

Tinalon ko ang ID scanner.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga ng guard. Haha. Hindi na yun magagalit. Sanay na yon saken.

Wala na din naman akong time na hanapin pa ang ID ko. Hindi ko din naman sigurado kung nailagay ko ba yun sa bag ko o kung saan.

I cant waste time now.

Kapag nalate ako, sigurado bagsak ang abot ko nito.

Nasa building na ako ng classroom kung saan ko itetake ang first prelim exam.

"Ta-daa" nagtaka ako ng makitang bakante ang classroom. Oh? Nasan sila? Tapos na ba ang exam?

Sinilip ko ang orasan sa dulo ng hallway.

Five minutes before eight. Five minutes before start. Nabago kaya ang oras ng exam?

Napasandal ako sa pader sa may harap ng classroom at natuptop ang mga daliri ko. Wtf. All the hardship was gone. Tapos na ang exam sa major subject ko at hindi ko manlang naabutan yo--

"So what are you doing there? Isasara ko na ang pinto ng classroom ng eksaktong 8." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa kabilang classroom. Ang nakakakilabot na boses na yun na dahilan kung bakit ang ilan sa amin ay nagdrop at pinili na lang na magshift sa ibang course.

Pagkapasok na pagkapasok ng classroom naramdaman ko agad ang tension sa paligid.

Ang mga classmates ko na mukhang puyat sa review. Sino ba naman ang hindi mapupuyat sa haba ng reviewer namin sa cost accounting.

15 na lang kame sa klase kaya kahit wala exam ay may pagitan na dalawang chair ang bawat upuan namen.

Bawal magusap.

Bawal magtinginan.

Dapat sa prof ka lang nakatingin.

Sa pinakaunahan ako nakaupo. Sa harap mismo ng prof.

Shut**

Isinara na ni Prof Luna ang sliding door ng classroom.

---

Nagising ako mula sa ingay ng grupo na nagkwentuhan sa di kalayuan.

Iniangat ko ang aking ulo mula sa makapal na aklat na aking pinag-unanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Achilleus' Era: Finding The Missing Achilleus Of CerdoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon