Epilogue

1 0 0
                                    

Epilogue

Mabilis kong tinungo ang palasyo kung saan nandon si Ama.

May nangyari kayang masama?

Bakit ganito ang aking pakiramdam.

Nasa entrance pa lang ako ng palasyo ng makita ko ang ilang mga kawal na nakahandusay.

Patay na ang mga ito.

Lumakas ang kabog sa aking dibdib at nagmamadaling hinanap si ama.

"Patayin silang lahat. WALANG ITITIRANG BUHAY." Narinig kong sigaw ng isang lalaki.

Papalapit ang kanyang mga yabag sa aking direksyon kaya panandalian muna akong nagtago.

Sa sobrang kaba ay halos habulin ko na ang aking hininga.

"Anong ginagawa mo dito anak?" Napapitlag ako ng marinig ko si ama. Kasalukuyan siyang gumagamit ng telepathy para makapag-usap kami.

"Anak, umalis ka na d-dito. Iligtas mo ang sarili mo. I-iligtas mo ang bayan." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong sugatan si ama.

Alam kong anong mang oras ay mawawala na ang aming komunikasyon. Hirap magsalita si ama at ramdam ko na nahihirapan din siyang isustain ang kanyang kapangyarihan.

Napapikit ako ng mariin at hinanap sa vision ko si ama.

Nakahandusay siya sa gitna ng lobby ng kastilyo. Duguan at puno ng galos.

Nawala ako sa focus dahil sa matinding ingay na narinig ko. Senyales ito ng pagkaputol ng telepathy ni ama pero bago tuluyang maputol yon ay narinig ko pa siya na muling nagslita..

Umagos ang mga luha sa aking mata. Nakakuyom ang kamao at lito ang isipan.

"Achilleus ng Cerdonia." Ang huling sinabi ni ama.

Halos nasa labas na ako ng kastilyo ng may kung sinong humawak sa batok ko. Malamig ang kanyang kamay na tila ba nanghihigop ng enerhiya.

Kapagkadaka, bumagsak ako sa lupa. Nawalan ng malay.

Achilleus' Era: Finding The Missing Achilleus Of CerdoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon