-2-

10 0 0
                                    

Chapter 2

-

-

(Zelle's POV)

Nandito ako ngayon sa gym namin. Nanunuod ako ng practice.

Nino?

sino pa bang panunuurin ko kundi si Stevy may labs?

Galing - galing nga niya eh. Nasabi ko na bang siya ang captain ng basketball team namin. Kung nasabi ko na, eh, sasabihin ko na lang ulit.

"Zyla Christzelle Lopez!"

-_- Bakit ba ang hilig ng babaeng to na ipagsigawan ang pangalan ko? Nakakahiya kaya. 

"Bakit ba? Kitang nanonood ako eh." pagmamaktol ko. Makuha ka sa maktol kaibigan.

"Uuwi na po tayo. May practice pa tayo babae. 'Lika na. Bilis." hinila-hila ako ng maganda kung kaibigan. Sino pa ba ang pina ka nega sa amin? Si Chelle lang naman, wala ng iba pa.

"Eeh.. mamaya na kasi. Nandyian crush ko eh. Sige na naman please. 30 minutes na lang. Promise." Nagpuppy eyes pa ako sa kanya. Sana effective. Hihi.

"Kyyyaaaaaaaaaaa"

Sabay kaming napatalon sa gulat ni Chelle nang may sumigaw sa tabi namin. Muntik na akong atakihin sa puso walanghiyang babae to. Dinaig pa ang serena ng bumbero. Wagas kung maka sigaw eh. -_-

"Pwede ba Natalya, hinaan mo nga yang boses mo. Wala ka bang hiya dyan sa katawan? Pinagtitinginan tayo ng mga tao dahil sa'yo eh."   at ayan na naman po si Chelle, nagsimula ng magsermon.

Pero ayaw pa rin paawat yung isa. Kinikilig pa rin. Alam ko na ang dahilan niyan. Kung ako patay na patay kay Stevy my labs, siya naman, adik kay Kevin Perez, kabarkada at ka  team ni Steven. Kaya magkasundong magkasundo kami nito ni Nathie eh. Hindi kami takot kay dracula, este kay Chelle pala. Masungit lang yan sa labas, pero pag nakaclose mo na yan, ayyy... Super sweet at understanding yan. Kaya lab na lab namin yan eh.

"Mamaya na tayo umuwi Chelle. Nandito rin si Mikey baby eh.. Oh my abs."

Hinila pa talaga niya si Chelle paupo. Wala ng nagawa ang bruha, nanalo na kami. Haha.Nakasimangot na humalukipkip lang siya habang kami naman ni Nathie ay nangalumbaba sa pagtingin - tingin sa crush namin. Sakto rin na break muna nila. Uyy ha, bago kayo mag - isip ng masama, hindi lang kami ang patay na patay sa mga nagwagwapuhang mga nilalang na ito. Marami kaya kami. Patunay niyan ang ibang mga babae na nandito rin.

Hindi naman kami masasabihan ng malandi. Aba, hindi kami nagpapacute sa kanila gaya ng ginagawa ng iba dyan. Dinadalhan pa nila ng drinks at snacks yung mga players. As usual, si Stevey my labs ay wala pa ring ka rea-reaksyon yung mukha. Seryoso pa rin.

Medyo naiirita na rin kami sa mga babae na nagtitilian. I mean, okay lang naman kiligin pag nakita mo si crush, kaya lang, masyado ng OA eh.. Mag act daw ba na himatayin? Tss.

"Tara. Tapos na 30 minutes nyo. Uwi na tayo. Kailangan din natin mag practice. May gig tayo mamaya."  Ayan na naman si Chelle. Pero tama siya, kailangan na nga namin umuwi. Friday kasi ngayon at may gig kami sa isang restaurant cum bar. Tumutugtog kami doon every Friday at Saturday.

"Tara lets. Uwi na tayo at ng makarami."  masiglang sabi ni Nathie. Nauna pa itong tumayo.

"Hoy babae. Ano yang makarami na yan?"  - Chelle

"Makarami ng practice. Bakit? Ano ba iniisip mo?" Nakangising tanong ni Nathie kay Chelle. Magatungan nga. 

"Hala. Chelle. Wag green minded. Bad yan." panunukso ko rin.

More than Pretenses (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon