-3-

5 0 0
                                    

Chapter 3

-

-

-

-

(Zelle’s POV)

Wala ako sa mood ngayon. Ano ba yan. Ansarap pa sana matulog lalo na’t umuulan. Kararating ko lang sa school at sa totoo lang, balak ko sanang huwag na lang pumasok. Late na nga ako bumangon kanina eh. Kapag ganito ang panahon ay tiyak na mas gugustuhin mo na lang matulog kaysa pumasok sa eskwelahan.

*yawn yawn*

Walang salitang pumasok ako sa classroom naming. Tsk Tsk. Napailing na lang ako. Mukhang hindi lang ako ang may ayaw pumasok ah. Mabuti na lang at di ako nag – iisa.

Nangalumbaba lang ako sa armchair ko  habang nakaheadset at nakikinig ng music. Ang boring. -_-

Meron pang ten minutes bago ang time. Sana naman tamarin rin ang prof namin na pumasok.

*poke poke*

“Anubah. Wag ka makulit. Kitang inaantok pa yung tao eh.”

*poke poke*

“Psst. May sakit ka ba?”

Napakunot nuo ako .

Tama bang naririnig ko o nag – iimagine lang ako?

Totoo bang kinakausap ako ngayon ni Stevy may labs. Ayiii.. Sabi na eh. Namimiss rin ako nito. Sus! Ang hilig lang talaga mag deny.

“Wala akong sakit.”

“Talaga? Bakit di ka yata nag – iingay ngayon?”

“Emo ako ngayon?”

“Tss. Emo. May sakit ka no? Di ka naman basta – basta tumatahimik eh.”

Ang kulit din ng lahi ng isang ‘to eh. Hay naku, kung kaylan wala ako sa mood saka naman lumabas ang talkative side niya.

“Wala nga eh.”

“Tss. Meron nuh?”

Ang kulit! Seryoso. Sinapian ba ‘tong lalaking ‘to? Bakit nakikipag – usap na ‘to ngayon? Hala! Oh my golly gewgaw!

“Seryoso Steve? Mamatay ka na ba? May malubha ka bang sakit? Bakit kinakausap mo na ako ngayon ha?”

Tiningnan ko siya nang matagal.

“Tss. Wala akong sakit. Baka ikaw meron. You’re not your usual self today.”

“Tsk. Sinabing wala nga akong sakit eh. Kulit mo din ‘no?”

Bumalik na lang ako sa pangangalumbaba saka nakinig ulit ng music.

Pero bigla na lang ako hinigit paharap ni Stev. Nakaupo kasi siya sa may kanan ko. Tapos sinalat niya ang noo ko. Problema ng lalaking ‘to?

“Tss. Wala ka namang lagnat. Hindi ka rin sinisipon o inuubo. Ah alam ko na.”

Umakto pa talaga itong parang may iniisip. Napakunot nuo na lang akong nakatingin sa kanya.

“May dalaw ka ngayon.”

“Anong dalaw?”

“Tss. Wag ka nang mahiya. Normal lang naman sa mga girls yun. Wag ka mag – alala. Di ko ipagkakalat sa iba. *wink* “

Ako: Laglag panga 0_0

“So Steven dear, siya na ba ang ipinalit mo sa akin? So naka move on ka na pala. Good for you.”

Sabay kami ni Steve na napabaling sa harap. Pag minamalas ka nga naman. -_-  Si Janice Chua lang naman ang lumapit sa amin kasama ang dalawa niyang alipores na di ko alam ang mga pangala. Hindi din naman ako intreresado sa kanila, so ba’t ko pa aalamin? Nayayabangan talaga ako sa kanila. Palibhasa magaganda at campus figure. Sikat rin sila dahil kasama sila sa mga cheerleaders.

More than Pretenses (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon