A/N: Hihi! Salamat naman at napost ko na ang first chapter nito. Anyway, may konti lang akong mga paalala.
NOTE: Lahat po ng characters, settings, and conflict na magaganap sa story na to ay pawang mga fictional lang. Hehe! At kung meron man po akong nagayang mga pangalan o scenes sa ibang story, sinasabi ko po hindi ko po yun sinasadya. Baka po nagkapareho lang kami ng idea ng author.
I hope you'll enjoy this! Thanks!:)
_____________________________________________________________________________
Haaay! Sarap talaga ng buhay kapag sem. Break. Laro-laro lang sa tablet habang kumakain. Hihihi! Kanina pa ako dumadaldal here pero di pa rin me nagiintroduce.
K! Magpapakilala na me... HI! I’m Courtney Avalyn Fortez. 16 years old. First year college. Yun nalang muna siguro sa ngayon nakakatamad eh...
“Anak...”???
Ay tao! Si papa lang pala...
“Bakit po?”-me na naglalaro pa rin sa tablet.
“*sigh* anak...”-papa
Ang lalim naman ng buntong hininga na yun. Bakit kaya? Ano ba to si papa pasuspense pa kasi eh.
“Bakit po anong problema?”- me pero nakatutok pa rin ang mata ko sa tablet.
“Ang kapatid mo....”-papa
“Ano po? Bagsak yung grades?”-ako
“Hindi. Buntis. Isang buwan na.”-papa
Nabitawan ko ang tablet na hawak ko sa sobrang pagkabigala. Ayaw pa rin mag-process sa utak ko ang sinabi ni papa. Kapatid ko? Buntis? Eh third year high school pa lang yun eh! Utang na loob!
“Nasan po sya?”-cold kong tanong kay papa.
Ayaw kong magpakita ng kahit anong emosyon. Putek! Dali-dali akong pumunta sa kwarto nya kahit di pa sumasagot si papa. Alam ko naman na nandun sya eh. Bopols ko lang kasi nagtanong pa ako.
Pagpasok ko nakita ko ang kapatid kong si Deziree Mae Fortez. Nakatingin sa bintana at nakatulala.
“Dez”-tawag ko.
Hindi sya sumasagot. Masyado yatang malalim ang iniisip.
“Deziree”-tawag ko ulit.
Ayaw ko syang lapitan dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
Wala pa rin.
“DEZIREE MAE FORTEZ!”-sigaw ko.
Napalingon sya sa akin.
“A-ate?”-nauutal-utal nyang sabi.
“Anong nangyari?”-cold ko pa rin na tanong. Ice mode ako ngayon dahil baka masaktan ko pa sya.
“Ate *sob* *sob*”-bigla syang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ko sya niyakap pabalik.
“A-ate, s-sorry, *sob* *sob* so-sorry”-iyak nya habang yakap pa rin ako.
“Dez bitaw at baka kung ano ang magawa ko”-sabi ko. Bumitaw sya at pinunasan ang luha nya.
“Sorry ate. Sorry talaga. Di ko sinasadya! Ang bobo ko kasi! Ang bobo bobo ko!”-sabi nya at pinalo palo ang ulo nya.
“Tigilan mo yan”-cold ko pa ring sabi at hinawakan ang kamay nya para pigilan sya.
Pinaupo ko sya sa kama.
“Ate sorry. Sorry. Hindi akpo nagiisip. Sorry talaga.”-sya yan at humagulgol sa iyak.
“Kung nagso-sorry ka dahil nabalewala lahat ng sakripisyo ko. Na sa tuwing papaluin ka ako ang sasalo, sa tuwing nasa galaan ka ako ang nagdadahilan, hayaan mo na. May magagawa pa ba tayo? Wala na. Wala ng magagawa ang sorry mo. Nandyan na yan eh. Alangan namang ipa-abort mo yan eh di nadoble ang kasalanan mo.”-sabi ko.
“Ate, m-may isa pang da-dahilan kung b-bakit ako nagso-sorry”-sabi nya at parang takot na takot.
“Ano yun?”-tanong ko. Parang may iba akong nararamdaman.
“Ate yung a------------ ”- Deziree.
Biglang naputol ang sasabihin nya dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si mama.
“Mga anak, Ava, Dez, pumunta kayo sa garden.”-sabi ni mama.