Date Posted: Jan 3, 2013 :)
***
"Mahal kita. 'Yan ang wag na wag mong kakalimutan." pagkatapos sabihin ni Daddy ang mga katagang 'yon kay Mommy ay hinagkan niya ito. Pagkatapos nun ay narinig na naming nagpalakpakan ang ilan naming mga bisita. Inalalayan ni Daddy si Mommy habang papunta sa lamesa kung nasaan kami. Nagrequest kasi ang mga bisita na magbigay si Dad ng message kay Mom. Mahiyain kasi, kaya masaya ang mga tao na pinaunlakan niya ang hiling ng mga ito. Kaunting salu-salo lang naman ito. Ayaw kasi ni Mommy na magpaparty pa. Masaya na kasi iya sa simple lang.
Nasa iisang lamesa lang kami. Kasama sina Lolo at Lola sa side ni Mommy. Nandito din si Tita Maricris - bunso at nagiisang kapatid ni Daddy. Kasama nito ang asawang si Tito George at ang 15- anyos na anak nilang babae na si Zey. Nakaupo kami ng paikot dito sa lamesa upang kumain.
Nag-iisang anak lang si Mommy. Minsan nga ay nagbibiruan pa sila na kaya daw iisa lang si Mommy at di na nasundan pa ay dahil ayaw daw ni Lolo na paunlakan si Lola. "Talaga lang ha!" ani ni Lola sa tuwing magbibiro si Lolo ng ganun.
Ang Lolo at Lola kasi sa side ni Dad ay di nakauwi. Naninirahan na kasi sila sa Canada. Humingi naman sila ng paumanhin na di sila makakarating sa birthday celebration ni Mommy.
Nagkwentuhan pa kami ng matagal. Palabiro kasi talaga ang Lolo ko kaya natatawa kami pag humihirit na lang siya bigla.
"Eh ikaw ba Christian? Kailan mo kami mabibigyan ng apo?" pabirong tanong sa akin ni Lolo.
Lahat sila ay nanahimik. Hinihintay marahil ang sagot ko. Mula sa pagtawa ay napawi yun nang marinig ko ang tanong ni Lolo.
"Lo, alam niyo naman na busy ako sa pagpapatakbo ng negosyo. Wala akong panahon sa ganyan." inis na saad ko. Di lang talaga ako komportable pag-usapan ang ganoong bagay.
Nanatili silang tahimik. Marahil ay naramdaman nilang di ako kumportable sa ganung usapan.
"Excuse me po. Kailangan ko pa palang bumalik sa opisina." tumayo ako pagkatapos kong magpaalam. Narinig ko pa na pinagsabihan ni Mommy si Lolo pero di ko na lang pinansin.
Madalas naman 'tong nangyayari. Isang taon na lang daw ay lalampas na ako sa kalendaryo ngunit hanggang ngayon ay di pa rin ako nakapag-papakilala ng nobya ko. Minsan ay napagkakamalan na akong bading pero di ko na lang pinapansin. Di naman mahalaga ang sasabihin nila.
Tuloy tuloy lang ako sa paglabas. Papalabas na sana ako ng gate nang marinig ko ang sigaw ni Mommy. "Anak!" malumanay na pagtawag niya sa akin. Hinarap ko ito. "Ma, Ok lang po ako. May kailangan lang talaga ako balikan sa opisina. Happy Birthday po ulit. I love you." Hinagkan ko siya sa kanang pisngi. Nagpaalam na kami sa isa't isa at sinabihan niya akong magingat sa pagmamaneho. Bumalik na rin siya sa loob ng bahay. Bago ako sumakay ng sasakyan ko ay isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan ko.
***
Habang binabagtas ko ang kahabaan ng EDSA ay naisipan kong buksan ang radyo. At kapag suswertihin ka nga naman. Pangako pa ng Kindred Garden ang maririnig ko. Sa dami ng kanta at panahon. Ngayon pa. Minsan di ko maintindihan ang tadhana e. Parang gusto akong paglaruan.
Hinayaan ko na lamang at patuloy ko na lang itong pinakinggan.
"Maghihintay na lamang ba
Ang puso kong nangangamba
Sa'yong mga pangako... oh."
Di ko namalayan na hawak ko na ngayon ang pitaka ko. Mabuti na lamang at nakatigil ang sasakyan. Hawak ko ngayon ang isang papel.
BINABASA MO ANG
Isang Pangako
RomanceMinsan na akong kumapit sa isang pangako. Isang pangakong alam kong walang kasiguraduhan. Isang pangakong magdudulot sa akin ng malaking pagbabago. Puro pagbabaka sakali. Pero hanggang kailan ko kailangan maniwala? Hanggang kailan ko kakayanin ang k...