Chapter 1

381 9 1
                                    

"Achoo!"
Kadiri, lahat ng kaklase ko puro mga salaula at kailangan ko ng umalis sa planetang to bago pa nila aksidenteng mapasabog ang mundo.
Maniwala ka sa'kin, hindi malayong mangyari yun. Siguradong magagwan nila ng paraan yun.
Napabuntong-hininga, at napadukdok na lang ako sa mesa ko. Nandito ako ngayon sa klase ko sa English Literature at pinapagsulat kami ng tig-sampung pahinang sanaysay tungkol sa kung bakit nagpakamatay si Romeo at Juliet, at ano ang sinisimbolo noon. Manhid at nangangalay na ang kamay ko at malamang ay kung kakagatin ko 'to, hindi ko mararamdaman ang sakit. Tapos ko na ang sanaysay ko at may natitira pa akong dalawampung minuto.
May kung anong tumama sa ulo ko at tumalbog pa ito pababa sa sahig. Napasimangot tuloy ako, at hinanap kung sino yung bobong namato ng lukot na papel. Huminto ang mga mata ko kay Dylan na nasa may likuran ng klase, at ngiting-ngiti pa ang loko.
Dylan Thompson. Oo, tama, pinangalan nga siya sa isang sikat na football player, nagkataon rin na parehas silang quarterbacks. Masakit man aminin, maitsura siya. Brown ang mata niya at mejo kulay buhangin ang buhok niya. Oo maitsura siya kahit pa nakakabwisit siya- parang yung gum na natapakan mo na hindi na maalis sa ilalim ng paborito mong sapatos.
Tinuro ni Dylan ang papel sa sahig at iminuestra gamit ang labi niya ang katagang 'basahin mo'. Pinulot ko naman ang papel at binuksan 'to mula sa pagkakalukot.
"Oy nerd, bakit nagpakamatay si Romeo at Juliet at ano ibig sabihin nun?"
Bobo talaga. Napabuntong-hininga nanaman ako at kinuha ko ang lapis ko para sumagot. Matapos nun ay pinagulong ko pabalik sa kanya ang papel, nakatingin ako sa kanya habang binabasa niya ang sulat at nakita kong nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita niya ang napakagandang pagkakaguhit ko ng kamay na may nakataas na middle finger.
Ako na marahil ang susunod na Picasso.
Napabalik ang tingin niya sakin at nakita niya akong nakatingin pa rin sa kanya habang nagpipigil na ngumiti. Binato niyang muli ang papel sakin at tinamaan nanaman ako sa ulo, dahilan para sumama na naman ang tingin ko sa kanya. Binuksan ko ang papel at may panibagong sulat doon.
"Tumigil ka sa kakatitig nerd, kung gusto mo makipag-sex sakin sabihin mo lang, tantanan mo pagpapantasya mo jan."
Naramdaman kong namula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan at hindi ko napigilang lukutin ulit ang papel. Tuwing nagagalit ako o nahihiya namumula ako, sobrang pula na mukha akong kamatis. Napakabastos. Akala niya pinagpapantasiyahan ko siya? Bwisit. Bwisit siya. Kinasusuklaman ko siya ng malupit.
Bakit nga ba?
Ganto kasi yan, una sa lahat, sarili lang niya iniisip niya at kahit anong nilalang ata na may landi sa katawan ay naikama na niya para lang sa pansariling paglilibang. Iniisip rin niya na makukuha niya lahat ng gusto niya, at tama naman siya don. Lahat ata ng babae sa paaralan na to ay baliw na baliw sa kanya at dahil yun sa pagiging "bad boy" niya. Yun nga ata talaga ang gusto ng mga babae. Maliban sa akin siyempre. Kung kaya ko lang, ipapalapa ko sa mga liyon yang angas niya.
At para sa lakas ng loob niyang sabihin sakin na pinagpapantasiyahan ko siya? Gusto ko siyang pugutan ng ulo. Hindi talaga ako ganto kabayolente, talagang kinasusuklaman ko lang ng sagad sa buto ang Dylan na yan.
Oo nerd nga ako, pero ako ang tipo ng nerd na hindi mo babanggain. Alam na nila na hindi ako ang dapat nilang kuhanan ng assignment dahil ako ang huhukay ng libingan nila, ako pa mismo ang tutulak sa kanila para ilibing sila ng buhay.
O sige, siguro nga mejo bayolente ako.
Pero, kapag lang naman binubwisit nila ako. Kung hindi naman, napakasweet kong tao, parang pulot lang. O sige na, hindi totoo yun. 24/7 ang bitch face ko.
Siguro hindi mo pa ako kilala kaya magpapakilala ako.
Hello! Mabuhay! Ako si Maya Densil. Kahit nerd ako ayoko ng Math, nakakapikon lang, alam ko kung pano siya pero alam ko rin na aksaya lang siya ng oras. Nakasalamin ako na halos kalahati ng mukha ko ang natatakpan. Mahilig ako magbasa at kumain dahil pagkain ang pinakamagandang bagay na binigay sa atin ni Diyos, maliban sa mga gwapong artista siyempre, biyaya din yun. Ayokong nagsusuot ng mga dress at bright red na lipstick. 5'6 ako at may brown na buhok. Teen wolf ang paborito kong tv show. Maganda ang taste ko nuh, tsaka, yung mga boys dun, langit!
Kahit kailan ay hindi pa ako na-bully kahit pa isa akong nerd. Hindi ko alam kung counted to pero gusto kong sapakin ang Dylan na yon dahil pinagkalat niyang may nangyari samin. Buti na lang at walang naniwala sa kanya dahil alam nilang nerd ako't hindi ko gagawin ang bagay na yon.
Matapos kunin ng teacher ang aming mga sanaysay ay tumayo na ako't naglakad palabas ng silid nang biglang sumigaw si Dylan "Oy, nerd!" napabuntong-hininga ako, dahil alam kong ako ang tinatawag niya, at tumalikod pabalik. Siguradong pagsisisihan ko to. Minsan lang ako kinausap nitong kumag na to at yun ay nung sinubukan niya akong landiin dahil gusto niya akong maikama.
Kung nagtataka ka kung bakit niya ginagawa to, yun ay dail isa itong laro sa kanya. May kung ano siyang misyon na ikama lahat ng babaeng kaya niyang iuwi. Pasensya siya hindi ako titiklop. Hinding hindi niya ko makukuha. Pagputi ng uwak ang hinihintay niya bago ko maging katulad ng mga babae niya.
Magkakagusto lang siya sa akin kung ang hanap niya ay ang isang wirdong babaeng sinasayang ang buhay niya sa pagtutunganga , pagkain at panunuod ng mga series. Netflix and chill!
"Ano?" singhal ko sa kanya, nagmamadali akong umuwi para matapos ko na ang assignment ko sa Trig para bukas. "So, you want your dreams to come true?" tanong niya sabay kindat kaya't napasimangot nanaman ako. "Ano?" nalilitong tanong ko. "Alam mo na, get down and dirty? Kasama kong uuwi si Vanessa ngayon pero pwede naman kita isingit para bukas." Sabi niya nang may ngiting nakakaloko. Aba loko to ah. Gusto kong burahin yang ngiti niya sa sexy niyang mukha. Teka, inisip ko ba yun?
"I mean, hindi ikaw ang tipo ko, pero, magagawan na natin ng paraan yan." Sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Naramdaman ko ang pag-pula ng mukha ko at tinignan ko ang suot kong berdeng wool jersey, bootleg jeans at brown na tsinelas.
Hay, sorry ha, hindi ako nagsusuot ng butt shorts at crop tops, okay?
"No!" Sigaw ko. Gusto ko siyang sapakin, pramis! Sumandal siya sa may pinto nang nakangisi pa rin. "Pervert!" Sigaw ko pa.
"Oh come on, ang posibleng dahilan lang ng pagtanggi mo ay kung tibo ko."
Wala nang pagdadalawang-isip, hinayaan ko nang lumipad ang palad ko diretso sa mukha ng asungot na to.

---

Hello sa inyo. Siguradong majority sa inyo ay hindi ako kilala. I don't write Filipino stories. This one isn't even mine. I was only given the privilege na gawan to ng Filipino adaptation. I'm not used to writing it Tagalog kaya I apologize if some things don't make sense. It was hard to translate. But, I do hope na na-enjoy niyo to.

At dahil may QOTD ang original, maglalagay din ako hahaha.

QOTD: "It is my business to know what other people don't know. – SH

Keep safe! - AM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerd [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon