CHAPTER 6

8.7K 274 4
                                    

SYRZZEL ROSE'S POV

Bat kaya wala siya?

Naglalakad nako ngayon sa hallway papunta sa unang klase ko.

Hindi ko mapigilang isipin kung bakit di ko nabungaran si Reniuexo kanina sa dorm ko.

Ilang araw na rin kasi kaming nagkakasabay nun, papunta ng university at pag uwian naman.

Nakakainis.

Nasasanay na pala akong kasama ang lalaking yun, di ko man lang namamalayan.

"Syrzzel!"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Drake pala kasama niya si Kurt, huminto ako sa paglalakad habang sila ay papalapit naman sakin. Hinanap ng mata ko si Reniuexo. Pero di ko man lang maaninag ni anino niya.

"Hey, are you looking for him?"
Di ko namalayan na nasa harapan ko na pala silang dalawa.

"H-ha? Sino naman?" Nag mamaang-maangan kong sagot.

They both grinned at me.

"Alam mo naman kung sino ang ibig kong sabihin." Nakangising sabi ni Kurt

Nakakainis talaga ang isang to. Ang sarap kotongan eh.

"Hi---"

"He's not around. He got some things to do today."

Walangya. Di man lang ako pinatapos.

Ahhh. Busy person?

Okay.Whatever.

"O ano ba kailangan nyo?" Pagtataray ko sa kanila.

"Woah." Tinaas ni Drake ang mga kamay niya "easy there tiger... Just because Ren is not around ,you're throwing us your tantrums now?." Tumawa pa siya.

"Tse! Ano namang kinalaman ng lalaking yun sa moods ko? Sadyang ang init lang talaga ng panahon kaya mainit ang ulo ko."  Naiiritang tiningnan ko silang dalawa.

Tumawa pa silang lalu. Tiningnan ko sila ng masama.

"If you say so Luna." Nakangising sabi ni Kurt na bahagya pang nag bow.

Kainis talaga ng mga to! Parating napagkakamalan na Luna ang pangalan ko

"Stop calling me that! Tss. Diyan na nga kayo mali-late na ko sa klase ko."

Nilagpasan ko na silang dalawa at nakabusangot ang mukhang naglakad.

•••••

"Goodbye class."

Sinuot ko na ang bag ko at tumayo.

Damn.
Ang tagal talaga matapos mag discuss ng professor na yun. Late na masyado, Quarter to 9pm na.

Huminto ako sa pinto kung saan naghihintay si Bryle. Pag-uusapan pa pala namin yung bago naming project.

"Bryle, about dun sa project natin, pwedeng bukas na lang natin yun pag-usapan?"

"Bakit?"

"Gabi na kasi masyado." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

Di siya sumagot at parang nag-iisip.

"Ganito na lang, ihahatid kita at habang nasa byahe pag-usapan natin ang project."

"Ha? Sure ka? Eh si Diane?"

"Naihatid ko na siya kanina. Kaya sabay ka na lang sakin."

Sumang-ayon na lang rin ako. Baka may aso na naman sa daan, mahirap na.

Habang nasa byahe pinag-usapan na nga namin ang mga detalye sa gagawin naming project.

"Dito na lang Bryle."

Hininto niya sa harap ng gate ng dorm ang kotse niya. Nagmadali na akong bumaba kasi alam kong siya na naman ang mag o-offer na magbukas ng pinto para sakin. Nakakahiya na kaya. Naka libre na nga ako ng sakay, magpapa prinsesa style pa ba ako?

Bumaba rin siya sa kotse.

"Pwede bang hiramin ko na lang muna yung copy Zel para ma pa photocopy ko."

"Sure. Pero nasa kwarto ko yun eh, makakapaghintay ka ba sandali?"

"Of course. I'll wait here"

"Okay."

Nagmadali nakong pumasok sa loob at kinuha ang copy na nasa kwarto ko. Bumalik agad ako sa labas. Naabutan ko si Bryle na nakaupo sa hood ng kotse niya.

"Eto Bryle oh."

Lumapit siya sakin ng ilang dipa ang layo at kinuha ang papel sa kamay ko.

"Salamat." Nakangiting sabi niya.

"No pro---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may sumuntok sa kaliwang pisngi ni Bryle na ikinatumba niya.

"Bryle!!" Gulat na sigaw ko. Tsaka nagmamadaling nilapitan siya sa sahig.
Galit na nilingon ko ang taong sumuntok sa kanya.

My eyes went wide seeing the guy.

"Reniuexo?!" Gulat na nakatingin ako sa kanya.

Anong ginagawa ng lalaking to dito?

Napatingin ako pabalik kay Bryle na napadaing sa sakit,habang hawak-hawak ang pisngi niya. Binalingan ko siya ulit

"Why did you punch him??" Galit na tanong ko sa kanya.

"Why are you with him?!" Nagpipigil ng galit na balik niyang tanong sakin.

Naguguluhang nakatingin ako sa kanya.

"Hinatid niya lang ako ng uwi, ano bang masama dun?"

He clenched his jaw.

"I'm the only one who's allowed to do that." Mabangis niyang sabi.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"I told you you're mine."

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay at pinatayo. Naiwang nakaupo sa sahig si Bryle. Bumitaw ako sa hawak niya.

"And who gave you that idea that I'm yours? You know what, stop acting like you're my boyfriend, like you owned me, coz you don't! You can't just showed up and beat anyone who's near to me. Stop doing that. We're not together!" Galit na sabi ko sa kanya.

He clenched his jaw. Kumuyom rin ang mga kamay niya. For a moment natatakot ako sa kaya niyang gawin sakin, lalu na sa mga pinagsasabi ko.

But He stepped backward. He looked hurt and angry.

Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga sinabi ko. Lalapitan ko sana siya pero bigla na namang dumaing si Bryle kaya lumuhod ako para tulungan siyang tumayo.

Lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni Reniuexo pero laking gulat ko na wala na siya, naglalakad na pala siya palayo.

Ang likod niya na lang ang nakikita ko.

Habang palayo siya ng palayo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Parang gusto ko na lang maiyak bigla.

~~~~~~~
👸🏼A/N: ayooo! Don't forget to vote and comment loves! Thanks😊
xoxo💋

THE WOLF'S MATE 🥀 #wattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon