I want to dedicate this Chapter to Shai_raaa who made my cover 💕 Ilove it.
Yippy Evangelynn'sYippy's Dream :
Omg! Si Mr.Angel! Sht! Anong ginagawa nya dito sa klase ko?!
Nagtilian ang mga Classmate kong babae. Alangan pati lalaki diba? Anlabo mo talaga Yippy!
Nakatitig lang ako sa kanya nang mapatingin sya sa pwesto ko! O-My-Yeye! Why oh why?!
Nakita ko nama'ng ngumiti sya't kinausap ang prof kong echusera! Oo! Echusera sya dahil naglalaway sya sa harap ni Pogi!
Nang matapos silang mag-usap tinanguan sya ni Ma'am tsaka ko napansi'ng unti unti na pala syang...
LUMALAPIT SYA SA PWESTO KO! Promise! Walang halong biro. Nang nasa harap ko na sya ay tumayo naman ako. Baka sabihin nito e basto ako.
Pero-- Bat inilalapit nya muka nya sakin?!
Ayan na! Malapit na...
Malapit na malapit na--
*Blag! Blag! Blag!*
• • •
AY PESTE! Istorbo! Sino ba to'ng hayop na ito't mabatukan nga! Andun na e. Hahalika--- Teka?! Anong oras na?
Pagtingin ko sa orasan its 7am na! Meaning 30 mins nalang e male-late---
."Hoy! Yeye! Ano bang balak mo?! Matulog habang buhay?! Huy! May pasok ka." Meron bang batas na nagsasabing pwedeng pumatay ng istorbong Bipolar na Bestfriend?!
"OO NA! Bwisit to!" Padabog naman ako'ng tumayo't naligo na.
Di ko parin lubos maisip bat pumasok sa panaginip ko yung lalaking dancer. Isang beses ko lang naman sya'ng nakita ah?
Tss. Pabayaan na nga lang. Nai-stress lang ang utak ko eh! Umagang-umaga! Jusko ka talaga Yeye.
[ ♡ ]
Pag labas ko e nakita ko naman si Hunter na nasa harap ng pinto ko. Simangot kung simangot e.
"Lukot nanaman muka mo Hunts. May dalaw ka?" Tanong ko rito.
Nakita ko nama'ng mas nairita sya. Lumapit sya sakin at...
"Leche ka talaga'ng babae ka!" Sabi nya tsaka nya pinitik ang noo ko. Aish. Tsk.
Nakain ba nito at napakainit ng ulo?
"Anyare?"
"Wrong side of the Bed." Sagot nya. Meaning masama talaga ang gising nya. At kapag ganito ito e isa lang ang makakapag pakalma sa kanya.
Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso nya tsaka sya nginitian.
"Ang Bestfriend ko ampanget pag nakasimangot. Smile naman Hunts." Sabi ko sabay nguso.
"He! Binobola mo nanaman ako! Tsk." Iritang sabi nya. Kita mo to! Nilalambing na e.
Ngumuso naman ako at pumunta sa harap nya. Ipinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko. "Sorry na kung nainis ka. Mejo napasarap lang kasi ang tulog ko. Wag kana magalit oh."
Iritang napakamot naman sya sa ulo, at may ibinulong na di ko marinig.
Pero maya maya ay ngumiti sya sakin at inakbayan ako.
"Apology accepted. Tara late na tayo e." Sabi nya kaya napangiti na rin ako't niyakap sya.
[ ♡ ]
Mahigpit pagkakakapit ko sa Abs-- Este katawan ni Hunter. Aba dapat lang! E kung malaglag ako?! Edi natege na? Huhu! Ayoko pa. Di pa nga ako nagkakaboyfriend e.
Nang ihinto nya ang motor tsaka ko lang napansi'ng nasa School na pala kami. Ang bilis pala ano?
Ngayon lang kasi ako sumabay kay Hunter dahil nga nag transfer na sya dito.
Nang makababa ako ay nagpaalam na ako sakanya, kailangan nya pa kasing pumunta sa Registrars.
Habang naglalakad ako sa Campus dahil meron pa akong 20 mins ay may napansin akong isang bukas na pinto.
Oo! May bukas na pinto nanaman ako'ng nilapita't sinilip. At ang nakita ko? Isang Piano. At dahil namimiss ko na ang tumugtog nito ay nagplay muna ako ng Song...
• • •
Someone's POV ~
Naglalakad ako sa Campus nang makarinig ako ng tunog ng Piano. And If Im not mistaken its A Thousand Miles. One of my fav song.
So I decided to open the door, And there I found a girl with an Angelic voice playing piano.
If Im right she is the new student.
Nakasilip lang ako nang mapansin ko si Adrianne na tahimik na naka-upo sa isang sulok. Yung tipong mahirap mapansin dahil sobrang dilim na part? Pwera nalang kung kilala mo sya't alam mong yun ang Favorite spot nya.
Tch. Akalain mo? Mukang nakuha pa ng babae ang atensyon nya. Because he never looked at someone that way.
Mukang maganda ito.
[ ♡ ]
Short Update for now.