"NAGTATAMPO sa 'yo si Mama."
Napahinga siya nang malalim habang nakahalukipkip na nakatingin sa Kuya niyang si Kristofer. "Hindi ako nakapunta kay Papa kasi may ginawa lang ako noong isang araw. Tinapos ko lang iyon, Kuya." Aniya kay Kristofer.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo at parang busy ka na masyado? Hindi ka na nakakapunta kahit twice a week man lang sa bahay. Miss ka na ni Mama tapos, hindi mo rin binibisita si Papa sa sementeryo." Sabi ni Kristofer sa kanya.
"Pupuntahan ko na lang si Papa maybe next week? May inaasikaso lang talaga ako." Sagot niya, "Nasa'an ba si Mama?" Tanong niya sa Kuya niya.
Katunayan ay miss na miss na rin niya ang Mama niya, ang kaso lang ay nawalan siya ng pagkakataong mabisita ito. Marami kasi siyang inasikaso nitong mga nagdaang araw, tinapos lang niya ang mga iyon.
"Nasa Kusina, nagluluto." Sagot sa kanya nito.
Napatango na lamang siya at saka dumiretso sa kusina. Naroon kasi siya sa bahay nila para bisitahin ang Mama niya pati na rin ang Kuya niya.
Napangiti siya nang makita niya ang Mama niya na nagluluto habang pakanta-kanta.
"Mama..."
Agad na napalingon ang Mama niya na si Kara sa kanya, napanguso ito na tila nagtatampo. Napatawa na lamang siya nang hindi siya pansinin ng Mama niya.
"Mama.. Miss na miss na kita." Aniya sabay yakap kay Kara.
"Namimiss mo ako, pero hindi ka man lang bumibisita dito?" Nakangusong sabi ng Mama niya sa kanya, "May iba ka bang inaasikaso sa bagong bahay mo?"
"Wala, Ma." Sabi niya habang yakap-yakap ang Mama n'ya. "Next week, pupunta ulit ako dito, tapos bisitahin natin si Papa.."
"Talaga?" Napangiti na si Kara, "Sige, basta pumunta ka dito, ah?"
"Oo naman, Ma." Sagot naman niya at hinalikan sa pisngi ang Mama niya.
Ganiyan naman kasi sila palagi. Sa tuwing magkasama sila ay lagi silang naglalambingan, pareho sila ng Kuya niya na Mama's Boy. "Kumain na tayo, Gutom na kayo ni Kristofer, panigurado." Ani Kara.
Habang kumakain sila ay panay ang kwentuhan nilang tatlo. Namiss n'ya ang senaryong iyon! Aminin man niya o hindi ay gustong-gusto niya ang tagpong iyon. Paano pa kaya siguro kung naroon din ang Papa nila? Tiyak siya na mas masaya iyon... Ang kaso ay matagal na silang iniwanan ng Papa nila. Bata pa lamang silang dalawa ni Kristofer ay namatay na ang Papa nila na si Travis.
Noong mga panahong iyon ay hindi niya alam kung bakit namatay ang Papa niya pero ngayon na malaki na siya at may isip na siya ay nalaman na niya ang katotohanan. Pinatay ng babaeng nagngangalang George ang Papa niya. Hindi lang naman si George ang kumitil sa buhay ng Papa niya kung hindi pati na rin ang mga tauhan ni George.
Kaya nga nang makatapos siya sa kolehiyo ay nagplano siya kung paano niya nga ba mapaghihigantihan ang Papa niya. Gusto niyang pagbayarin ang lahat ng mga sala sa pagkamatay ng Papa niya.
Matapos kumain ay tumambay na muna siya saglit sa bahay nila at pagkatapos ay nagpaalam na rin sa Kuya niya at pati na rin sa Mama niya.
"KALLEAH! Halika muna rito na bata ka! H'wag ka magpapawis! Kapag nakita ka ni Sir Kris na ganiyan ay mapapagalitan ako.."
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love
General FictionWomanizer Series 7: Kristian Santos is a f*cking badass. Kaya ka niyang patayin in just a snapped of his fingers. He is a dangerous type of man. He is the man that you'll never dream of. Until he finally met; Kalleah- The moment he first saw her ay...