"GANON pala ang ibig sabihin ng ligaw?" Napapatangong sabi ni Kalleah sa kaibigang si Gizelle. "Kaya pala lagi akong pinapa-alalahanan ni Sister na H'wag daw akong magpapaligaw kasi bata pa ako."
Katunayan ay ngayon niya lang talaga nalaman ang tunay na ibig sabihin ng 'Ligaw' Kapag pala may gusto ang isang lalaki sa babae, at inaya ng lalaki na ligawan nito ang babae— 'yun pala ang ibig sabihin 'non.
Pakiramdam ni Kalleah ay ang inosente niya. Katorse anyos na siya pero hindi pa niya nalalaman ang gano'ong bagay. Hindi naman niya masisisi ang sarili dahil lumaki siya sa bahay ampunan na kasama ang mga madre.
Katatapos lamang ng klase nila. Kasalukuyan siyang naglalakad kasabay ang kaibigan niyang si Gizelle— Pabalik sila ngayon sa ampunan. Kasabay din nila ang kanyang Nanny Carol.
Ngayong araw, pagtapos ng klase niya ay balak niyang ituloy ang paggawa niya ng report. Hindi kasi niya natapos kagabi dahil nagtagal pa si Kuya Kris niya sa kanila. Doon na rin ito kumain sa ampunan na kasabay niya.
"Kalleah, Magpalit ka kaagad ng damit mo.. Pawisan ka, Hindi ka pwedeng makita ni Sir Kris na ganiyan." Sabi ng kanyang Nanny Carol habang kumukuha ng damit niya. The
Tumango siya at sinunod ang utos nito.
"Nanny, Pupunta po ba si Kuya Kris ngayon?" Tanong niya rito.
"Siguro.." Sagot nito sa kanya, "Sabi niya kasi kahapon, tutulungan ka niya na gawin ang report mo."
Oo nga pala! Sabi sa kanya ni Kuya Kris niya ay tutulungan siya nitong gawin ang report niya. Katunayan ay tinulungan na siya kagabi ni Kuya Kris niya, ang kaso lang ay hindi nila natapos dahil mahaba pala ang topic niya.
Kumain na muna siya ng pananghalian at pagkatapos ay nagpahinga. Mamaya pa kasing hapon ang serving niya sa chapel, kasama sina Sister. Kahapon ay hindi na siya nakapag-serve kaya dapat ay maka-attend siya mamaya.
Nakahiga siya ngayon sa maliit na kama, "Nanny, gisingin mo na lang po ako kapag nandiyan na si Kuya Kris ah?"
Ipinikit niya ang kanyang mata— Sana ay dumating na agad ang Kuya Kris niya.
"BOSS.... We're on our place... Malapit na kami sa aming target."
Kausap ni Kristian ang isa sa mga tauhan niya. Kasalukuyan siyang nasa opisina, kakatapos lang kasi ng meeting niya kasama ng ibang managers. Ngayon niya lang naasikaso ang tungkol sa misyon ng mga tauhan niya.
"Go ahead. Shoot him in his head."
Narinig niya ang pagsagot ng kanyang tauhan mula sa kabilang linya. "Kasama niya ho ang anak niyang lalaki. Sinundo niya po kasi ito sa school. Idadamay na rin ho ba namin?"
"He's with his son?!" Napahawak siya sa kanyang sentido, Fuck! "Do not shoot his son." Gusto kasi niyang maranasan din nito kung paano mawalan ng ama.
"Call me back, Allan."
Kahit na ilang taon na ang nakalilipas ay hindi oa rin takaga siya tuluyang nakakamove-on sa pagkawala ng Papa niya. Kaya nga ito siya ngayon— Naghihiganti sa mga taong dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya.
Wala pang limang minuto nang muling tumunog ang cellphone niya. "Boss, Success. Natuluyan na po namin sa may liblib na lugar."
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love
General FictionWomanizer Series 7: Kristian Santos is a f*cking badass. Kaya ka niyang patayin in just a snapped of his fingers. He is a dangerous type of man. He is the man that you'll never dream of. Until he finally met; Kalleah- The moment he first saw her ay...