[KyoNix Series 1]Kyomi Valenzuela, isang simpleng commoner sa isang school, Westlon high. Nameet niya ang weird guy Pero Gwapo na si Phoenix Mendoza. Pero Hindi Lang yun, Hindi niya Lang kaschoolmate, kaclassmate, kaseatmate si Phoenix Kundi kapit-bahay niya rin! Pinaglapit ba sila ng tadhana? Pwede... Kasi ang Hindi niya Alam na ang weird guy na Parati umaaligid sa kanya Ay ang kanyang SECRET BODYGAURD! Pero, sa paglipas ng panahon naging matalik na magkaibigan sila, Pero mayroon siyang iniiwasan, ang mainlove sa kanya! Paano ang pagkakaibigan Nila? Pero Kung paano Kung sa huli Ay may rebelasyon na mangayayri at pilit na maghihiwalay sa kanila?
ABANGAN!
-
Note: No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording or photocopying form without any permission from the author. NO SOFTCOPIES!
--
Bodygaurd In Disguise [1]
Weird!-->Kyomi at the multimedia!
Kyomi's POV
Naglalakad ako papunta sa Westlon high, ang bagong school na papasukan ko ngayon. Nilalakad ko Lang talaga ang school dahil malapit Lang naman ang bahay namin dito. Dito Kasi pinasok ni Tito Alex. Si Tito Alex at si Tita Charice, sila ang kumupkop saakin ng mamatay ang magulang ko dahil sa car accident , siguro 12 years ago..Four years old palang ako nun Pero ngayon tila fresh pa rin ang nangyari. Kaya nang namatay si mama at papa sila ang kumupkop saakin. Kaya ang laki ng utang na loob ko Kay Tito Alex at Tita Charice.
Ako nga pala si Kyomi Valenzuela , 16 years old at Fourth year highschool na. Nilipat ako ni Tito Alex dahil sa dati Kong school, Hindi Maganda ang turo at maraming basagulero dun na mga estudyante. At Baka daw mahawa ako o Kaya may mangyari saakin, nilapat na Lang ako sa Westlon high. Actually, Malayo pa Lang ako tanaw ko na ang Westlon high. Ang laki na nga ang Ganda pa. Hindi na rin siya katulad ng dati Kong school na malaki rin naman Kaso Hindi malinis sa loob.
Bigla naman nag-ring ang phone ko. Sorry sa abala..
"Hello, Tito Alex?"
[Kyomi, napatawag lang ako, kamusta ka na?]
"Okay Lang naman po, Papunta pa Lang po ako ng school."
[Ah ganun ba? O sige mag-Ingat ka ah!]
"Opo, Salamat."
Call ended. Diba? Ganyan kabait si Tito Alex. Wala silang anak ni Tita Charice Kaya ako na ang tinuring nilang tunay nilang Anak, kahit sabihin pa rin Nila na pamngakin Nila ako. Kaya kahit nanngugulila ako sa magulang, Ay naiisip ko sila Kaya Medyo Hindi ko na feel ang pagiging mag-isa.
Nasa states Kasi sila Tito Alex at Tita Charice. May business meeting sila dun, nung una ayaw Lang Nila umalis Pero ako na Mismo ang nagpumilit sa kanila. Ayoko maging pabigat sa kanila o maging hadlang sa lahat ng ginagawa Nila. Hindi naman Nila worth it dahil naging mabuting Tao sila saakin.
"Ay!" Narinig ko ang pagsigaw ng isnag matanda na Hindi kalayuan saakin. Dahil sa gulat Ay nabitawan niya ang mga dala niyang mga gulay. Nagkalat Ito sa sahig, mabilis naman akong lumapit sa matanda. Tinulungan ko siyang maibalik ang lahat ng mga gulay sa kanyang hawak hawak na bag. "Ayos Lang po ba kayo?"Tanong ko pagkatapos maibalik lahat ng gulay.
![](https://img.wattpad.com/cover/92428314-288-k165203.jpg)
YOU ARE READING
Bodygaurd In Disguise
Teen Fiction[KyoNix Series 1] Kyomi Valenzuela, isang simpleng commoner sa isang school, Westlon high. Nameet niya ang weird guy Pero Gwapo na si Phoenix Mendoza. Pero Hindi Lang yun, Hindi niya Lang kaschoolmate, kaclassmate, kaseatmate si Phoenix Kundi kapit...