Agosto 25,1997 File case: A17-A19
(Michael)
"Nakakatakot ang nangyari. Galing akong Pasig at nagpalit ng tirahan sa Manila. Pumunta ako sa matahimik na lugar, o parang isang subdivision. Wala akong kasama doon, so tumahimik nalang ako dun. Nagpapasalamat nga ako, eh.. Malapit yung universidad ko, kung saan ako nagaaral, University of Delos Reyes. Nakakainis yung mga Teachers dun, isipin mo, isang individual project sa loob ng tatlong araw!? Nakakainis. Pero nakaka pasang-awa naman ako, maganda naman ang grades ko. Pero never the less, may nakilala akong magandang babae, si Maria. Close kami ng naglipat ako ng tirahan, tapos magkatapat lang naman kami ng bahay. Siya yung partner in crime ko, ang kaibigan ko, parang gusto ko siya. Nag tutulungan kami pag may project kami, kaming dalawa yung mga nagpapatawa sa klase, ganon. Pero.. Napaka close namen. Isang araw, naisip ko, gusto ko siyang maging ano... Girlfriend. Kaming dalawa lang ang naglalakad sa gubat na madilim,na tahimik, wala lang, nag uusap. Mga 30 minuto na ang lumipas, nasa gitna na kami ng gubat. Eto na, ang moment of truth. Sinabi ko kay Maria,"Maria, nung nagkakilala tayo, nagugustuhan na kita. Matalino ka, nakakatawa, mabait, ganon. Maria, pwede ba ikaw ang magiging girlfriend ko?"
Pero.. Ito ang sinabi niya..
"Michael, ako rin, nagustuhan kita noon, pero, parang hindi pa ko handa para sa relationship na ito---"
Bigla nalang, parang may batang umiiyak sa gubat, parang ano, baby. Maingay na maingay ang iyak ng sanggol. Nakakairita naman. Ang ingay, pero bigla, nakita namin yung baby...
Ang magandang mata niya..
Ang cute na ngiti nya..
Pero.. hindi sya nakatingin saakin..Nakatingin siya kay Maria.
Binuhat ni Maria yung baby, pinapatahimik. Palabas kami sana ng bahay, pero nakalimutan namin yung daan! Anak ng .. Basta. Paikot ikot kami ng gubat ng bigla, si Maria pinapasaya yung baby, tapos...Bigla bumaliktad yung mundo ko.
Yung baby.. pumula yung mata niya, matulis na yung ngipin niya, mukha siyang... Isa siyang...
"TIYANAK!"
"Michael! Ano yung sinabi mo sa baby!? IBALIK MO YUN--"
Bigla nalang kinagat ng Tiyanak yung... Ulo ni Maria.. Napaiyak ako, wala akong nagawa sakanya, napanood ko lang ang dugo na tumutulo sa muka niya.. Yung tiyanak...
Nakatingin sakin.
Tumakbo ako ng napaka bilis kahit hindi ko alam kung saan ako papunta, at ayan tuloy, nadapa ako. Lumapit sakin yung tiyanak, palapit ng palapit.."
"Tapos? Anyare? Nasaan na siya?"
"Nandito siya."
"Saan?"
"Sa tiyan ko."
Ahaha gagi! Hello frens. English story na yung susunod, wag kayong mag nosebleed, ha? Ahaha! Salamat sa pagbabasa!
-Jib
BINABASA MO ANG
Ano Ang Nasa Dilim?
TerrorA story that unfolds a secret.. Nagsisimula sa Manananggal, Tiyanak, at iba pa. Special thanks to @ZeFantacia for my book cover :D