Strangers 1

11 0 0
                                    


"Kung minamalas ka nga naman o.." napasapo na lang ako ng noo ng madatnan kong nasa labas na ng boarding house etong mga gamit ko. Tama, pinalayas na nga ako ng may-ari. Wala na kasi akong pam-bayad. Naubos ko na yung huling sweldo ko doon sa karenderiang pinagtatrabahuhan ko, ibinayad ko sa tuition ko para sa buong sem. Mahirap na, doon pa'ko makaproblema. Hindi kinaya ng ipon ko na magtira pa ng pang-renta, eh.


"Makakahanap pa naman siguro ako ng trabaho bukas, sabado naman eh.." sabi ko sa sarili ko para hindi ako mapanghinaan ng loob. Natanggal din kasi ako sa trabaho dahil magsasara na sila Aling Gina, lilipat na kasi sila ng bahay, malayo sa Maynila, kaya ayon napilitan.


Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko pati ang mga sapatos at libro ko. Buti naman at sinama pa ni Aling Gina ang maleta ko, may puso parin pala siya. Napabuntong hininga naman ako.


"Oy, Ash! Pinalayas ka na talaga ng tuluyan!" malakas na sabi ni Kuya Efren, isang lasinggerong tambay na naglalakad, marahil ay pauwi na. Tinawanan pa ako.


"Saya mo din. Upakan kita diyan eh!" sagot ko habang nakikita ko siyang palayo na saakin, tumatawa parin. Bwisit.


Hindi ko alam kung saan ako makikitulog kaya naisipan kong i-text ang Ate ko. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan kahit dalawang gabi lang.


Ate, pwedeng umuwi muna diyan sa'yo? Pinalayas na kasi ako. Dalawang gabi lang, pramis. Tutulong akong bantayan si Noah, para hindi ka mastress dahil palamunin ako ng dalawang gabi. *dagdagan niyo pa ng emoji na nagpapa-cute

Sent!


Kung nagtataka kayo bakit ako hiwalay sakanila, ganito kasi iyon.


Okay naman talaga buhay namin. Kaso, tinakbo ng walang hiya naming tatay ang pera ng pamilya namin. Nung namatay kasi si nanay, ilang linggo lang niya kaming inalagaan, tapos ayon iniwan kami. Gago. Si Ate naman, nag-asawa, nagka-anak, ayun nga si Noah. In short, masaya siya, mayaman din. Tapos ako? Ayokong umasa sakanya, kasi buhay na niya iyon, gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Nag-offer ang ate ko na bibigyan ako ng pang-aral ko hanggang mag 2nd year ako ng college, siyempre pumayag na ako. Para yung perang kikitain ko sa mga trabahong papasukin ko, eh mapupunta sa boarding house. Eh kaso ang mahal ng bayad sa University na pinapasukan ko, kahit pa scholar ako, hindi naman full. Medyo matalino lang kasi ako. Oo, medyo lang.


Kaya nung nag 3rd year ako, which is hindi na kasali sa babayaran ng ate ko, lahat ng kinita ko sa pagiging waitress sa mga karenderia ay naibayad ko lng din sa renta at sa tuition. Sakto naman na yung tira ng ipon ko eh kumasya lang para sa ikalawang sem, ibinayad ko na lahat. Ayon! Wala na akong pambayad sa renta, na ilang araw na akong sinisingil.


Napatigil naman ako sa paglalakad ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Iphone 5s yan, bili ng ate ko nung malaki ang grades na nakuha ko ng 1st year college ako.


Pumunta ka na agad dito, mag-ingat ka.


Isipin ko na lang na masaya siya na uuwi ako sakanya ngayon.


Naghanap ako ng jeep dahil may bente pesos pa naman akong natira, pamasahe ko na lang.

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon