Stranger 4

18 0 0
                                    


"How's your first week of work?" tanong ni Ate. Magkasabay kasi kaming nagla-lunch ngayon. Marahil ay gusto niya akong kumustahin.

Ngumiti ako sakanya bago sumagot, "It's good. I'm having fun doing it. Yun nga lang, medyo nakakapagod. Kasi sa umaga papasok ako sa klase tapos sa gabi trabaho, pag-uwi ko sa bahay kailangan ko pang mag-aral. Malapit na kasi Prelims, kaya halos everyday kami may quiz."

"Ano pa lang ginagawa mo sa hapon? Wala ka namang pasok 'nun, ah?" Tanong niya ulit.

"Natutulog ako, Ate. Para may energy ako sa trabaho. In that way, hindi din ako inaantok agad pag-gabi, kaya nakakapag-aral pa 'ko. Kaso lang pag-gising ko sa umaga, sabog ako. Nasa halos 6-7 hours lang ang tulog ko, eh.." paliwanag ko sakanya. Tumango lamang siya bilang sagot.

"How about your new apartment? Have you paid your first 3 months advance?" dagdag pa niya. Napatingin naman ako sakany at napasimangot.

"Ate naman, first week ko pa sa trabaho. Wala pa akong sweldo, no! At saka, diba nakausap mo naman 'yong may-ari, pumayag naman siya diba? Ihahabol ko naman agad pag sumweldo na ako." Sagot ko sakanya.

Kasi dapat babayaran naming nung unang punta namin, kaso ayaw ko na si Ate ang babayad para sakin. Gusto ko ako lang. Kaya ayun, ang hiniling ko na lang kay Ate ay pakiusapan niya na ihahabol ko na lang, total wala naman akong ibang pinag-gagastusan since naibayad ko na 'yung huling inipon ko para sa buong sem.

"Kaya nga sabi ko sa'yo non diba na uunahan ko na ng bayad." Eto nanaman po tayo. Napatuwid naman ako ng upo.

"Sinabi ko narin naman sayo diba, Ate. Ako na lang ngayon. Ginagawa ko naman ang lahat eh, pwede pagkatiwalaan mo'ko ngayon?" Kasi naman, lagi na lang may himig nag pagdududa ang mga sinasabi niya. Ano bas a tingin niya? Hindi ko kayang bayaran 'yon? Kaya ko! May trabaho ako.

"Alright." Tapos ay bumalik na siya pag-kain.

Tahimik na lang kaming kumakain dahil sa naging sagutan namin kanina. Napabuntong hininga naman ako.

"Anjela?" Napatigil naman ako sa akmang paghigop ko ng sabaw ng may marinig akong magsalita.

"Theo!" Napapikit naman ako ng mariin ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Ate. Ano namang ginagawa niya dito? Ang daming restaurant, ba't dito pa?!

"Who you're with?" tapos ay sinilip niya ako.

"Oh, it's your sister." Dagdag niya ng makita niya ang mukha ko. Ngumiti lang ako ng tipid sakanya.

"Hi." Bati ko para hindi naman bastos. Pinagpatuloy ko naman 'yong pag-kain ko kasi nag-uusap pa sila sandali ni Ate.

"You told me last time, I can ask you for help whenever I want to roam around the city?" Sabi niya kay Ate. Edi wow! Tagal na niya dito, di pa ba niya nalilibot? Sus!

"Yes, I can recommend you my sister. She's been very independent all her life, obviously she's familiar with the city." Napatingin naman agad ako sa Ate ko ng banggitin niya ang salitang 'Sister'. Aba, magaling. Pinanlakihan ko naman ng mata ang Ate ko, sabay iling ng bahagya. Siyempre ayoko no! Hindi kami close niyan.

"Oh come on, Ash's a bit shy.." ngitian ako ng Ate ko na para bang sinasabi niya na sundin ko na lang siya. Napabuntong hininga naman ako at nalukot ang mukha.

"I think she doesn't want to come with me.." biglang singit naman nitong Theo. TALAGA! Ayaw ko talaga!

"Of course not, she's just shy. She'll come with you, ngayon na ba?" Grabe si Ate oh, hindi man lang ako pinagsasalita. Wala ba akong karapatang magreklamo? Wow!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon