Kadiliman at tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran . Napakatahimik ng lugar at mga kuliglig lamang ang maririnig . Aakalain mong parang desyerto dahil iilan lamang ang naninirahan sa probinsya ng San Martin .Maaga pa lamang ay nagtakbuhan na ang mga tao papasok sa bahay at isinara lahat ng mga bintana , patay ang lampara at nagsitulogan na ang mga ito .
Nabugtong hininga na lamang si mauriana sa nasaksihan . Nakakabingi ang sobrang katahimikan ng bayan .
Bukas magiging mayos rin ang lahat .Nagising si mauriana dahil sa ingay na nagmumula sa kusina . Akmang babangon ,ng maramdaman niyang mabigat ang kanyang pangangatawan . Kahit anong pilit niyang gumalaw maski ibuka lamang ang bibig ay hindi niya magawa . Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya . Dahang-dahang bumukas ang kawayang pintoan ng kanyang silid . Kinakabahan siya at sinisigaw sa isip ang salitang tulong . Nakatingin lamang siya sa isang bulto na pumasok sa loob at dahang-dahang lumakad papasok . Nararamdaman niyang napakalakas ng tibok ng kanyang puso at namamawis na siya . Mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam . Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita niyang may kumislap na isang bagay na hawak-hawak ng bulto . Palapit ito ng palapit sa kaniya . Umusal siya ng panalangin na sanay may tumulong sa kaniya . Dumukwang ang bulto sa kanya , nakikita niya ang mga mapupula nitong matang parang galit kung tumitig sa kanya . Dahan- dahan nitong itinaas ang kumikislap na bagay sa kanya . at isasak sa puso niya ....hindi !!!! ......
Napabalikwas si mauriana at para siyang kapos sa hininga . panaginip . Nagpakawala siya ng mahabang hininga . Mabuti nalang at panaginip . Akala niya totoo. Pawis na pawis siya at nauuhaw . Lumakas ang ihip ng hangin at napatingin siya sa pintoan na nakabukas . Nanginginig siya sa takot . Naalala niyang isinirado niya ang pintoan bago natulog . Naalala niya ang kanyang panaginip . Panaginip nga ba o totoo ang nangyari ? ....
BINABASA MO ANG
PANAGINIP
Детективи / ТрилерMinsan sa buhay natin may mga bagay-bagay na hindi karaniwan . Mga bagay na walang sayantipikong eksplenasyon . Mga bagay na dapat bang paniwalaan o mga kathang isip lamang . Isa na sa mga halimbawa ang kwento ni mauriana .