Ilang bayan nalamang at mararating na niya ang bayan ng San Martin . Napatingin siya sa bintana at mga nakahelirang puno lamang ang tanging makikita at kadalasan sa mga ito ay matataas at parang isang masukal na kagubatan . Sa wakas mararating na niya ang bayan kung saan siya ipinanganak . Subalit hindi siya roon lumaki . Nagmulat na siya sa kaisipan na tanging makikita ay mausok na sasakyan at mga nagkokopetensya sa taas na mga gusali . Nang mamatay ang kaniyang ina dalawang araw na ang nakalipas -- dahil sa ilag ito sa mga tao sa syudad ay wala itong masyadong kakilala . Nailibing lamang ito dahil sa tulong ng nag iisang kaibigan nang kanyang ina . Agad namang itong inilibing dahil walang hihintayin . Kahit anong himagsik niya sa pagkamatay ng ina ay wala siyang magawa . Wala siyang nabalitaang nagksakit ito o sadyang inililihim lamang sa kanya . May ibinilin itong sulat na nagsasabing may lola pa siya na naninirahan sa bayan ng San Martin . Ayaw niyang iwan ang trabaho ngunit parang may nagsasabi sa kanya na dapat siyang pumunta .Napahawak siya sa kwintas na tanging pamana ng ina . Hindi ito ordinaryo at ngayon lamang siya nakakita nuon. May pula itong pendat na tatsulok ngunit parang may nakasulat sa gitna na hindi niya mabasa . Isa siguro ito sa mga bagay ng mga sinaunang tao .
Mangingilan lamang ang pasahero sa loob ng bus . Natitiyak niyang mga taga roon ito dahil sa mga kasuotan nito na pawang nababasa at nakikita niya sa mga sinaunang palabas . Ang katapat niyang upoan ay panay ang sulyap sa kanya . Marahil ay halata ito sa kasuotan niya na hindi siya tag ruon. Pumasok sa isang iskinita ang bus at lubak-lubak ang daraanan roon . Huminto ito sa marahil ay bus stop . Bumaba na ang mga pasahero at naiwan siyang mag.isa . Nasa san martin na ba ako ?
"kuya san martin na po ba ito ? " tanong niya sa tsuper .
"naku iha pag pasenyahan mo na at hindi na ako pwedeng dumeretso roon dahil mag.hahapon na . Sumakay ka nalang sa mga nakahelirang traysikol diyan sa tindahan. " labag man sa kalooban ay wala siyang magawa . Bumaba siya at pumunta sa mga nakahelirang traysikol .
" kuya sa san martin ho ako patungo . " Lahat ng taong naroroon ay napatingin sa kanya . Parang may takot ito sa mga mata .
" Naku iha .. maggagabi na at wala nang maghahatid sayo roon . " anang tsuper.
Nagugulahan siya sa mga ikinikilos nito at sa mga taong panay sulyap sa kaniya .
"ho ? eh mag babayad ho ako kahit magkano . Malayo pa ba a ang san martin rito ? "
" mga limangput kilometro pa ang layo non atsaka hindi na nmin ruta iyon . "
" bakit ho ? " naiinis na aniya . Pagod na sya't gutom ay wala pang maghahatid sa kaniya roon .
" Napabalitaang may ------" hindi na nito tinapos ang sinabi ng may humintong kabayo sa harapan nila . Napakatiim ng mga titig nito sa kaniya mula ulo hanggang paa . May problema ba sa itsura niya . ? Naguguluhang napatingin siya sa tsuper na ngayon ay rumagasa na ng takbo papalayo .

BINABASA MO ANG
PANAGINIP
غموض / إثارةMinsan sa buhay natin may mga bagay-bagay na hindi karaniwan . Mga bagay na walang sayantipikong eksplenasyon . Mga bagay na dapat bang paniwalaan o mga kathang isip lamang . Isa na sa mga halimbawa ang kwento ni mauriana .