My Missing Piece

96 3 2
                                    

Author's Note:

Dinedicate ko to kay Ate FancyMixer, former heyitsmeyourfriend kasi ang tagal na naming hindi naguusap dito sa Wattpad. XD Hi ateeee~~~

This would be my first long story na sana matapos ko. Haha. This is inspired by my vacation in Baguio kasi ang saya dun sa Baguio, tapos ang lamig. Haha. <3 O'sha, madaldal na ko so so much, kaya ito, sana basahin niyo at sana matuwa kayo. Sana comment-an niyo narin at i-vote! Comment down lang kayo or message me on my wall kung gusto ng dedication. :3

--

[MY MISSING PIECE]

Bakit kaya ganun ang love?

Bakit ang gulo ng love?

Kahit nga family love lang magulo na, paano pa kapag ibang level na ng love?

Sobrang hirap i-explain ng love. Sabi ng mga cheesy na tao, hindi naman daw kasi nae-explain ang love, nararamdaman daw ito.

Pero, para nga sayo, what is love?

Magulong usapan ang love, ayoko makisawsaw dyan. Masasaktan ka lang sa love. Aaminin ko, takot na ko masaktan.

Pero tinatapangan ko parin syempre, you cannot live a good life without love.

Simple lang naman ako, para sa akin ang love parang puzzle.

Para mabuo ang puzzle, kailan mahanap mo muna ang missing puzzle piece mo na kukumpleto sayo.

Syempre, lahat naman tayo, hinahanap ang soulmate natin, ang makakapagsabi sa atin ng katagang, "You complete me."

Pero parang sa fairytale lang yata nangyayari yun eh. Mahirap kasi hanapin si The One. Ang tagal naman dumating, baka na-traffic, sabi ng iba.

Pero ano nga ba ang love? Diba isang puzzle yun?

Puzzle kasi nga kapag hindi kasya ang piece para sa isang piece, hindi mabubuo. Parang love, kapag hindi ka para talaga sa isang tao, hindi mo makukumpleto ang buhay niya, kasi nga, hindi kayo para sa isa't isa. Kahit ipagpilitan mo pang ilagay ang piece sa maling piece, talagang hindi mag-ma-match.

Puzzle kasi kapag dumating na ang tamang piece at idinikit sa isang piece at kumasya, ayun, pasok. Swerte mo, nahanap mo na si the one. Nahanap mo na ang kukumpleto sayo.

Pero sa ngayon, kailan ko muna hanapin yung tamang piece para sa akin.

Hindi ko siya literal na hahanapin, hihintayin ko nalang pala siya.

Right moments happen in the right time naman diba?

So kapag tama na ang oras, siguro dun palang siya dadating.

Siguro dun ko palang makakapiling ang kukumpleto ng buhay ko.

Siguro dun ko palang mahahanap ang missing piece ko.

--

Intense ba? Ma-drama much, pero hindi naman to madrama... yata. XD Kaya nga Romance and Humor, pero syempre hindi mabubuo ang isang story kapag walang drama. XD

O sige, comment kayo at i-vote kung ano sa tingin niyo. XD

My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon