[PUZZLE 1]
Skylene's POV
"Ate Skye! Tulungan mo ko dito!" sigaw ni Janella, yung cute kong pamangkin. Favorite tita ako niyan! Haha!
"Yup Janella? Why?" tanong ko naman dito na tumabi sa kanya sa sofa.
"Sagutan mo yung slambook ko~" sabi nito sa akin habang hawak hawak ang bagong bili niyang pink na slambook, may kasama pang feather na pink rin na ballpen.
"Busy pa si Ate Skye, mamaya nalang okay?" ngumiti ako sa kanya at tumayo na sa sofa.
"Pero Ate Skye, sige na," tingin sa akin nito. Aish, ginagamit na naman niya yung puppy eyes niya na sobrang irresistable.
"Aish, Janella! Okay fine, sasagutan na nga ni Ate Skye," sabi ko sa kanya na kinukuha ang slambook sa lap niya.
"Ako ang magsusulat at magtatanong, sasagot ka lang~" sabi nito sa akin at nag-giggle. Ang cute talaga ni Janella~
"Dali, simulan na natin," sabi ko sa kanya habang nakaupo ng maayos sa sofa.
"Okay, start tayo Ate Skye sa basics," Janella, my 6-year-old said grabbing her feather ballpen. "Name, nickname, birthday?" tanong niya sa akin ng sunod-sunod na mukhang seryoso.
"Ma'am Skylene Santos ma'am!" sabi ko sa kanya na parang private, parang cadet, with matching salute pa yan. Napatawa naman si Janella.
"Nickname: Skye or Skylie ma'am!" sabi ko ulit dito.
"Birthday: April 17, 1992 ma'am!" tapos, sabay kaming natawa.
"Favorites naman tayo," sabi nito na binubuklat ang next page.
"Color, food, hobbies?" tanong nito ulit ng sunod-sunod.
"Color, hmmm... sky blue, white and red! Food, lagay mo all! Char, especially ice cream and sweets tska cotton candy~ Hobbies, writing, watching TV, listening to music and shopping with my cutest pamangkin Janella!" sabi ko dito, napangiti naman si Janella.
"Subject?" tanong nito. "HeKaSi and Math," sabi ko dito with a wink. Janella giggled.
Mahabang-mahaba pang usapan ang nangyari sa favorites. Sobrang haba.
"Dito naman tayo, What You Didn't Know About Me," sabi nito sa akin.
"Game!" sabi ko dito ng nakangiti.
"You can't live without?" tanong nito.
"You! Char!" sabi ko dito na tumatawa.
"You're most thankful for?"
"My family," nakangiti na ako sa kanya ng seryoso.
"If you were a millionaire, you'd?"
"Swim in a pool of money! Chos!" sabi ko ulit dito na nagbibiro.
"When you become president, you will?"
"Be like Marcos 'cause he's cool!" I said.
"Ate Skye, sino si Marcos?" Janella asked.
"Si Marcos, cool siya basta. Mahirap mag-explain, nagshi-shrink ang brain ni Ate Skye. Hayaan mo, pag tanda mo makilala mo rin siya sa HeKaSi class niyo, kk?" sabi ko dito at tumango naman ito ng nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/11245830-288-k712808.jpg)
BINABASA MO ANG
My Missing Piece
Romance"Lahat tayo, gusto mahanap yung taong kukumpleto sa ating puzzle na love. Ikaw na kaya yung missing piece ko?" - Skylene