[PUZZLE 2]
Skylene's POV
"Lalala~" kumakanta ako habang nagluluto ng breakfast for my family~ Syempre, as usual na breakfast, garlic rice, eggs, bacon and some of my special cupcakes! Este, binabake ko pala yun. Che.
"Ms. Ski! Bakit kayo pu ang naglulutu ih aku pu dapat diyan!" ganyan talaga magpronounce yung maid namin, si Yaya Phina. Ewan ko dyan kung ano nakain pero sa Manila naman talaga nakatira yan, siguro nakasanayan ang ganyan pronounciation? Ewan, lol. Haha.
"It's okay Yaya! Alam mo namang sanay ako magluto ng breakfast nila diba? Magtimpla ka nalang ng coffee nila Mom, Dad and Ate. At syempre yung Milo ni Janella at Tea ko," enixplain ko sa kanya.
"Yis Ms. Ski," sabi nito sa akin. Katawa talaga si Yaya Phina.
Nagluto ako ng pancakes rin, para kay Janella at para sakin. Buti nalang nakahanap ako ng maple syrup sa ref. Yay parang McDonalds breakfast na ito! Lol.
Nung matapos ko nang lutuin at lahat at hinahanda na ni Yaya Phina ang table, umupo muna ako sa sofa sa living room. Naiwan pala yung slambook dine ni Janella.
Binuksan ko at binasa ang sariling entry niya sa sariling slambook niya. Ka-cute ng pamangkin kong ito.
"Janella Santos, Janie, Nella and Jea, December 12, 2007," binasa ko ng malakas. Nakasulat sa basic info, like name, nickname and birthday.
"Light pink, Ate Skye's cupcakes and pancakes, coloring and reading," binasa ko ulit ng malakas. Nakasulat naman iyon sa favorites, which includes color, food and hobbies.
"Science," yung naman ang favorite subject niya.
Naka-skip yung iba, siguro tinamad siya (lol) at ang last question lang ang may sagot.
"For you, what is love?" hmmm, well this is interesting. Tignan nga natin kung ano ang love sa perspective ng isang 6-year-old.
"Love is when you tell a guy that you like his shirt that he wears and he wears it everday for you," napaka-cute talaga ng batang ire! Gahd, so cute explanation.
"And also, love is what makes you smile when you're sad and tired of life," Janella pls. Ang bata bata mo pa 'bat alam mo ang mga bagay na ito! You're so cute!
Napangiti nalang ako sa mga sagot ni Janella at parang baliw na nakatingin sa kawalan habang nakangiti mag-isa na parang tanga.
"Huy! Skye! Nababaliw ka na ba? O'sha, alis na ko ha? You know, gala again. Toodles!" biglang daan sa harap ng aking ate na magaling, si Trish.
Ate Trish pls. Laging wala sa bahay yan, laging gumagala. Katanda na eh. Buti nalang mayaman kami lol.
"Ms. Ski! Baka malate pu kayu sa trabahu niyu!" Aish! Oo nga! Buti nalang pinaalala ni Yaya Phia. Saturday ngayon means no classes but open ang cafe ko.
Yes, I own a coffee shop. I'm so great right?
Tumakbo na ko papunta sa bathroom ng room ko and took a bath quickly. Kahiya naman, ako owner ako late. Tsk.
Syempre after ko maligo, nag-hanap na ako ng damit at nag-make up ng konti. Eyeliner, blush-on and lip balm lang and I'm ready to go!
Pero syempre before I go, hindi mawawala ang #ootd ko. Haha~
OOTD = Blue cropped pullovers, leather skater skirt and Skecher's sneaker wedge. Wala eh, trip ko fashion ngayon eh.
"And I'm ready to go," I said at my reflection on the mirror while patting my head at kinuha ang blue na satchel (naks lakas maka-satchel) sa bed ko.
BINABASA MO ANG
My Missing Piece
Romance"Lahat tayo, gusto mahanap yung taong kukumpleto sa ating puzzle na love. Ikaw na kaya yung missing piece ko?" - Skylene