Maghihintay Ako

20 3 0
                                    

Mahal nasaan ka na?
Na traffic ka ba?
Wag kang mag alala
Hihintayin parin kita

Kahit sa bawat paglipas ng araw
Ay ang pagdurog ng puso ko
Hihintayin kita
Aasang hahagkan mo ako tuwina

Sa ngayon babalikan ko muna ang nakaraan
Ang nakaraang ako ang prioridad mo
Ang nakaraang nakalapat ang labi mo sa labi ko
Ang masaya ka at ako, TAYO

TAYO? Ramdam mo pa bang tayo?
O pinapaniwala ko nalang ang sarili ko?
Mahal maghihintay ako
Hanggat kaya ko

Kakapit ako sa mga salitang binitawan mo
Hindi ako bibitaw sayo
Hindi pa
Dahil kaya ko pa

Lalayo ako kapag iniwan na ako ng pagmamahal ko
Pero sa ngayon hindi pa
Dahil tanging saya palang ang nawawala
Mahal nangako ako
Haharap ako sa altar kasama mo

Kaya MAGHIHINTAY AKO
Aasa ako
Bilisan mo mahal ko,
Naiinip na 'ko.

Unexpected ThoughtsWhere stories live. Discover now