Paglaya

6 1 0
                                    

Sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Kasabay ng paghiling na sana andito ka pa
Hihiling sakanya
Na mahagkan ka pa

Nangungulila sa iyong pag aaruga
Sa bawat pagpuri mo sa aking ganda
Tuwina'y laging pinapatawa
Sapagkat ayaw mong malungkot ang prinsesa

Sa pagtawa mo na tila musika
'yung simpleng pag akbay mo Ama
Sa pagbibigay mo ng pagmamahal
Na tila walang katapusan

Kahit sa huli mong sandali
Ako parin ang iyong inisip
Ang mata mong tila namamaalam
Na ayaw ko mang titigan ngunit kailangan

Sa unang pagkakataon
Umiyak ka sa harap ko
Gusto kong maging lakas mo
Kung kaya ko lang tanggalin ang sakit mo

Sa oras na ito ako'y nangungulila
Papalayain na kita
Pero bakit di ko magawa?
Gustuhin ko man pero di ko magawa

Tila ba may nawawalang parte sa aking puso
Na nasa ilalim ng lupa kasama mo
Ama, mahal na mahal kita
Palalayain kita, kapag kaya ko na

Unexpected ThoughtsWhere stories live. Discover now