The Beginning

14 2 0
                                    

2 years ago...

Princess's POV

Nagising ako ng maaga dahil sa excitement at sa kaba na rin siguro sa lilipatan kong school. Fourth year high school na ako ngayon at galing ako sa states, dun kasi ako nag aral mula first year high school hanggang third year high school ako. Nandun kasi ang business namin, lumipat lang ako dito sa pilipinas dahil gusto ng parents ko.

Bumangon na ako at naligo, after 30 minutes naka labas na ako. First day pa naman ngayon kaya hindi muna ako mag uuniform. Humanap ako ng damit na susuotin ko, shirt lang at pants ang napili ko at doll shoes. After kong mag suot ng damit napatingin ako sa salamin, ang taba ko na. Napa pout na lang ako sa katabaan ko. Nagsuklay na ako kasi kahit anong gawin kong titig sa mga taba ko hindi naman yun matutunaw.

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen, nakita ko si Yaya na nagluluto ng paborito kong bacon and egg. Sheez! Ang bango talaga haha alam niyo na kung bakit ako mataba? 'Good Morning Yaya, maluluto na po ba yan? Nagugutom na po kasi ako eh hehe.' Sabi ko at nagkukunwaring sumasakit ang tyan sa gutom. Tumawa lang siya sa ginawa ko, ng matapos na siya sa pagluto inilapag na niya sa mesa yung pagkain. Umupo na ako at kumain.

Pagkatapos ko kumain tumayo na ako at pumunta na sa kotse, nakita ko naman yung driver namin na nag aabang na. 'Good morning Ma'am Princess' bati niya sabay ngiti. 'Good morning din po' sabi ko naman.
Pinag buksan niya ko ng pinto at pumasok na ko. Habang nasa byahe kami papuntang school ramdam ko na ang kaba. Halos maubos ko na ang mga kuko ko sa kamay djk lang haha.

Nakatingin lang ako sa bintana ng biglang huminto yung kotse, nakita ko lang naman ang napakalaking school na papasukan ko. Hindi ganito kalaki ang school ko dati sa states, pinagbuksan ako ng pinto ng driver namin. Lumabas na ako at lalo kong nakita ang laki ng school.

Nakakamangha, may nakita ako sa gilid na soccer field, covered court, gymnasium at marami pang iba. Naglalakad ako habang tinitingnan yung mga nag sosoccer. Hindi ko namanlayan na may makakasalubong pala ako kaya nagkabanggaan kami at parehas na natumba.

Tumayo na siya at ako naman ay nag papagpag pa ng damit, inilahad niya ang kamay niya para makatayo ako. Inabot ko naman at nakita ko ang mukha niya, aaminin ko gwapo siya. May pagkachinito, matangos ang ilong, moreno.

'Okay ka lang ba? Sorry hindi kita nakita nag aayos kase ako ng mga form.' Pagpapasensya niya. 'Ako dapat mag sorry kase hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.' Sabi ko naman sa kanya. 'Parehas lang tayong hindi naka tingin sa dinadaanan natin.' Sabi niya sabay tawa ng mahina. Lalo siyang gumwapo nung tumawa siya nawawala kase ang mata niya kapag tumatawa siya.

Tumingin siya sa relo niya at nanlaki ang mata. 'I have to go, sorry again.' Sabi niya sabay takbo palayo. Mukhang busy siya kasi ang dami niyang folder na dala, teacher kaya siya? Parang hindi naman kase ang bata pa ng mukha niya eh. Naglakad na ako papuntang administration office para malaman ko kung saan ang room ko.

Nang maibigay na sakin pumunta na ako sa classroom ko, lahat sila naka upo na. Nag hanap naman ako ng mauupuan ko. May dalawang bakante sa upuan sa may unahan kaya dun na lang ako naupo. Pagkaupo ko nasira yung inupuan ko kaya natumba ako. Lahat sila napatingin sakin at nagtawanan.

'Yan kase ang taba-taba kaya naisira yung upuan haha!' Sabi nung lalake sa likod. Napatayo na lang ako at yumuko sa kahihiyan, nararamdaman ko na may luha sa gilid ng mata ko kaya hinawi ko agad bago pa tumulo. Unang araw pa lang naghahasik ka na agad ng kahihiyan Princess! Hayy!

Nakaupo na ulit ako nang biglang nag bell kaya lahat sila ay biglang nagsi upuan. Dumating na yung magiging teacher ata namin, mukha siyang masunget na matandang dalaga haha pero seryoso nakakatakot siya. Pumunta siya sa may teacher's table at inilapag ang mga gamit niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon