18

948 40 0
                                    

Unic's POV

Katatapos lang ng firts period namin at ang mga boys ay nakiseat in na muna total wala silang proof. Pinayagan naman sila ni Ms. Gomez. Nakakapagtaka nga kasi pumayag kaagad.

"Uniquea." Bumulong si Teejay sa akin. Medyo napalayo ako sa kanya dahil nakiliti ako sa pagbulong niya. Err. Goosebumps. "Uniquea." Ano ba naman yan. Nakikiliti ako.

"Oh?" Tanong ko sa kanya. Kinunotan ko siya ng noo.

Umiling siya. Napairap na lang ako ng di oras. Ang weird niya lang po kasi.

Magsasalita pa sana ako ng may biglang kumiliti sa tagiliran ko kaya napatayo kaagad ako at napasigaw. Tumingin ako sa paligid at lahat sila nagulat except ang isang tao na may kasalanan nito. Grabe! Nakakahiya. Nagpeace sign na lang ako sa kanila at umupo ulit. Sinamaan ko ng tingin si Teejay. Opo. Siya po ang kumiliti sa akin.

"Tawang tawa ka talaga no? Enjoy na enjoy ka talagang inisin ako no? No!? Kaasar!!"Inis kong sabi. Nakakainis naman kasi pinakaayuko is yung kinikiliti nila ako. Ang lakas kasi ng kiliti ko.

Lalapit sana siya pero dumating ang isa sa mga kaklase nila Teejay. Si Liam. HAHAHA. Tama po kayo ng basa magkaklase sila. Sina Teejay, Matt, Liam, Chels. Tsk. Si Jay, Sean. Sila po ang magkakaklase bale kaming tatlo lang na mga girls ang nawalay. Si Chris ibang building kasi iba ang course niya.

"Teej p're." Napatingin kami pareho ni Teejay. Tumayo si Teejay at nilapitan si Liam. Pagkaalis ni Teejay humarap ako kina Tracy. Osey! Ansabe ng kasweetan naman nitong dalawa? Nakaholding hands kasi sila tapos yung ulo ni Tracy nakapatong sa balikat ni Matt saka sila nag-uusap. Hay!

Tumingin naman ako sa dalawa. Kina Jay at Audrey na masayang nag-uusap. Alam ko na masakit sa part ni Jay dahil until now hindi niya pa rin nakakalimutan ni Audrey yung ex niya but she's doing her best to forget the guy. Sana nga makalimutan na niya para magkaroon na din sina Jay ng happy love story. Katulad namin.

Si Chris naman ayun tuwing kasama namin siya lagi siyang nagpapaadvice sa akin kung tama ba daw ang ginawa niyang pag-iwan kay Chelsea, Sobrang gulat ko nga kasi ako pala daw ang isa sa mga reasons niya kung bakit niya iniwan si Chels. Nakakaguilty tuloy pero bilang kaibigan ni Chris ofcourse tinutulungan ko siya na marealize niya kung ano ang dapat. At tuwing hindi naman namin siya kasama laging wala sa katinuan. Swear laging tulala.

"Oh bakit daw p're?" Rinig kong tanong ni Matt kay Teejay. Umupo ulit siya sa tabi ko. Tinuon ko ang atensyon ko kay Teejay para marinig ko maigi ang sasabihin niya.

"About sa Basketball training." Sagot niya lang. Yung reaksyon niya ay talagang hindi siya interesado. Never ever niya kasing naging interesado ang basketball. Kakaiba nga siya e. Minsan lang siya naglalaro ng basketball tuwing nasa mood siya or masaya or may problema. Pero kapag wala or none of the above pachill chill lang yan. Bar bar pero sometimes kapag may problema.

"Eh bakit ayaw mong makisali? Saka soccer member si Liam bakit siya ang nakipag-usap sayo?" Tanong naman ni Tracy, Umiling si Teejay then nagkibit balikat. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sasabihin at sinasabi nila. Tumingin sa akin si Teejay. I frowned.

"Hindi ko alam at baka kasi yan pa ang dahilan ng pag-aaway namin ni Uniquea 'pag nagkataon." Still... I frowned.

"Why do you say so? Hindi mo pa nga nasusubukan, diba?" I asked.

He nodded. "Oo nga hindi pa nga pero alam ko naman na baka yun pa ang dahilan ng pag-aaway natin. I just know 'wag na kayong magtanong pa." Nagkatinginan kaming lima at nagshrugged lang silang lahat. Saka tumingin ulit ako kay Teejay. I smile. He smile. We smile each other.

Alam kong hindi siya interesado na magbasketball at ilang ulit na nilang kinausap at pinakiusapan pero hindi talaga siya pumapayag sa alok nila. Realtalk magaling talaga siya sa basketball kahit na hindi siya nagtretraining.

"Just try." I said all of sudden. Napatingin siya kaagad sa akin. Nginitian ko siya. Wala naman kasing masama kung susubukan niya, diba? And if I know gusto din niyang sumali pero ayaw niya lang sumali just because of me. "I'll support you. I promised." Nagpromise sign pa ako.

He sighed. "I'm not interested and I don't want to join. Final." Tumayo na siya at lumabas ng classroom. Napabuntong hininga na lang ako pero napaangat din kaagad ng ulo nang may biglang humagod sa likod ko pagkatingin ko si Matt pala.

"Huwag mo na lang ipilit Unic. Baka ayaw talaga." Napatango na lang ako sa sinabi ni Matt. Maybe he's right kaya lang kasi baka gusto naman niya deep inside pero napapahindi lang siya dahil sa akin. Nakakaguilty naman sa part ko.

Hay! Masaya lang kami kanina pero ngayon hindi na naman. Minsan talaga kahit na gaano ka kasaya mayroon pa rin kapalit na kalungkutan.

Ganito naman kami palagi. Minsan nakakasawa na pero ayuko nang mawala pa siya sa akin dahil baka hindi ko na kayanin pa.

"Why so sad my friend? Hayaan mo nga siya tinopak na naman kasi yang boyfriend mo actually lagi naman." Sarcastic na sabi ni Tracy. Napangiti na lang ako ng pilit.

"Ewan ko ba sa kanya. Ang gulo." After kong sabihin yan ay nanatili na lang ako na tahimik.

Teejay's POV

I hate it when they are forcing me to join that basketball training. I hate playing basketball specially kapag si Uniquea na ang pumipilit. Hindi ba nila maintindihan na ayuko dahil ayaw kong yan ang magiging dahilan ng pag-aaway namin ni Uniquea at maging dahilan pa ng paghihiwalay namin. I can't afford to lose her again.

Mas minabuti kong bumalik na muna sa classroom dahil nalaman ko na umiiyak daw si Chelsea ngayon. Tsk. Kung hindi lang malaki ang naitulong nito sa akin pababayaan ko na eh. Pero siya ang may kailangan ngayon kaya dapat tulungan ko din siya.

Pagkapasok ko ng pinto pa lang nakita ko na siyang umiiyak kaya lumapit na kaagad ako sa kanya. Hindi ko na pinaalam pa kay Uniquea dahil baka hindi niya pa ako payagan.

At buti na nga lang wala si Ayesha kanina sa classroom nila Uniquea panigurado panay harot na naman niya sa akin. Tsk. Irita.

"Teej."Chels. Pagkalapit ko pa lang sa kanya. Yumakap siya sa akin kaya hinagod hagod ko na lang ang likod niya.

"Shhh. Tahan na Chels." Sabi ko to comfort her. But she shook her head.

"I can't. Ang sakit sobra." Sabi niya between her sobs. I just sighed. I don't know what to say about this one. Wala akong kaalam alam pagdating sa advice advice na yan.

"Okay. Ilabas mo lang yan. Andito lang ako." Sabi ko na lang total yun naman ang sinasabi ng mga girls sa mga kaibigan nilang umiiyak.

After an 30 minutes...

"Sorry Teej kung naabala pa kita, ha? Dapat hindi ka na lang pumunta baka malaman pa ni Unic if I know kasi hindi ka na naman nagpaalam. I know you very well Teejay Monteverde." Tinanguan ko na lang siya habang nakangiti sa kanya. "Thank you."

Tapos umalis na siya. Break time na kasi at mauuna na daw siya kasi baka daw makita kami ni Uniquea. Lumabas na din ako para puntahan si Uniquea. Good thing hindi pa sila nadismissed.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Habang sinasabi ko yan ay inilahad ko ang kamay ko para kunin ang mga gamit na bitbit niya including the bouquet. Tapos na kasi ang klase nila.

"Wala!" Masungit na sagot niya saka na nauna naglakad. Napabuntong hininga na lang ako.

Sumunod ako sa kanya pero hindi siya pinansin. Inirapan niya ako. Inirapan ko din siya. Tumigil siya. Tumigil din ako. Ginagaya ko siya. Nagcross arms siya. Nagcross arms din ako. Itinaas niya ang kilay niya. I tried pero hindi ko alam. Hanggang sa napangiti ko din siya.

"Hahahaha. Isa pa nga." Saka niya itinaas ang kilay. Tinignan ko siya ng seryoso at inakbayan.

"Tama na. Tara kain na tayo. I love you." Saka ko siya kiniss sa side ng ulo niya. I really love this girl.

3ܔb

Forever With My Fiancé (Completed)Where stories live. Discover now