The reconciliation

6 1 0
                                    


Tumuntong na ng sandaang araw mula ng paglisan niya at para kay Ena ito na ang panahon ng pagbabagong buhay, panahon ng pagsisimula ng mas magandang kabanata sa kanyang buhay. Habang nakatanaw si Ena sa baba mula sa himpapawid at nagbuntong-hininga, "Cebu, sana sayo na magsisimula ang pagbabago", ang sabi pa niya sa sarili. Hindi para kalimutan ang nakaraan kundi gumawa ng bagong eksena sa kanyang buhay ng hindi kasali ang mga taong nakasama niya sa Manila. Nang makarating na si Ena sa airport agad siyang sumakay ng taxi at dinala siya sa address na nakasulat sa kanyang papel na hawak-hwak, "Po? 500 pesos ang pamasahe?" pabiglang tanong ni Ena sa taxi driver.Kulang kasi ang dala niyang pera para pambayad dito, kahit anong tawad ni Ena ay hindi talag pwede. Narinig ni Jude ang boses ng isang babaeng galit kaya't nilapitan niya ito at tinanong. Tumawa si Jude nang malamang tungkol lang pala ito sa kulang na pamasahe kaya't agad kinuha niya ang wallet at binayaran ang taxi driver. Sobrang nayabangan si Ena sa ginawang pagtawa kanina ni Jude kaya't imbis na magpasalamat ay nagalit si Ena dito at umalis. Naiwan lang si Jude na nakatingin kay Ena na papaalis at ngumiti.

Habang hinahanap ni Ena ang bahay ng papasukan niya bilang kasambahay, nakita niya itong singsing na silver at mukhang isang engagement ring, agad niya itong pinulot at isinukat pa sa kanyang daliri.

Sa sobrang laki ng subdivision, pinagpawisan si Ena kakahanap ditto hanggang sa, "Guard , dito ba tong si Miss Sandra?" tanong niya sa guard. "Ah oo, dito yan miss.", sagot nito. Ngunit hindi siya agad nakapasok pagkat wala pang tao sa bahay kaya't umupo nalang siya sa labas ng gate. Mag-aalas otso na ng gabi at nasa labas pa rin siya hanggang makatulog na siya ditto. Nakita siya ni Jude pero hindi nalang niya ito ginising at baka magalit pa at pumasok nalang siya sa loob ng bahay. May sasakyan ding dumating at napansin na ito ni Ena kaya nagising siya. Isang mistisa, matangkad at payat na babae ang nagtanong sa kanya, "Ikaw ba si Ena?" agad tumayo si Ena at sumagot na "Oo". Pinapasok siya ng babaeng nagngangalang Sandra sa bahay nito at tinuro ang magiging kwarto ni Ena.

Kinaumagahan niyan, sobrang aga ni Ena naglaba at nagluto ng agahan. Nilinis na din niya ang salaat garden. Bumaba na si Sandra mula sa kwarto kaya't binati niya ito, walang anu'ano'y may lalaking bumulantang sa kanyang harapan at nanlaki ang kanyang mga mata, ang lalaking pinagalitan niya kahapon ay amo niya pala. Pero imbis na magalit si Jude ngumiti pa ito at bumati pa sa kanya ng magandang umaga pero hindi siya nakasagot dahil sa hiya.

Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho ni Ena sa bahay na yun. Mabuti naman si Sandra at Jude 'yun nga lang may isang pagkakataon na narinig niyang nagbabangayan ang dalawa nang dahil lang daw sa nawawalang singsing ni Sandra. Habang papunta na si Ena para maglinis sa swimming pool, naabutan niyang nakatopless lang si Jude na naliligo doon kaya agad siyang tumalikod at humingi ng tawad sa amo. Tumawa lang si Jude at sinabing "Ngayon ka pa lang ba nakakita ng ganitong kagandang katawan?" pagmamayabang nanaman ni Jude . Hindi nalang sumagot si Ena at bumalik sa kusin para maghugas ng pinagkainang pinggan.

Sobrang tulpi ni Jude kaya pinagtripan niya si Ena habang naglilinis ito sa swimming pool. Dahan-dahan siyang lumapit kay Ena at itinulak ito kaya natampisaw si Ena sa pool. Napasigaw si Ena ng malakas kaya't lumabas si Sandra mula sa kwarto nito. "What happened?", tanong ni Sandra kay Jude. "Just having fun", sagot ni Jude at agad pumasok sa loob. Tinanong ni Sandra si Ena kung okay lang ba ito kaya't tumango nalang si Ena. Kinagabihan sa pagtulog ni Ena, nasagi sa kanyang isipan ang ika sandaan at limampung araw mula ng biglang pag-aalis ni Jay ng walang isang salita. Pinilit man niyang tanggalin sa kanyang isipan ay hindi pa rin niya magawa na para bang nkapako ito sa kanyang utak Kaya't sobrang hirap ng tanggalin. Umalis si Sandra nang kinaumagahan kaya sina Jude nalang ang naiwan sa bahay. Habang kumakain si Ena sa kusina, inutusan siya ni Jude na kunin nag cp nito sa kwarto, nang pumunta na si Ena sa kwarto ay dali-dali din namang nilagyan ng maraming suka ni Jude ag pagkain ni Ena na nasa mesa. Nang pinagpatuloy ni Ena ang pagkain ay napasuka siya at siya namang pagatawa ng malakas ni Jude na nasa sala. "Ano ba Jude!", galit na pasigaw ni Ena sa amo, agad tumakbo si Jude papuntang kwarto niya ng makita ang tigreng mukha ni Ena. Habang inaayos ni Ena ang mga itinuping damit ni Sandra sa kabinet nito, aksidente niyang nakita ang isang larawan, larawan ni Sandra at ng isang pamilyar na lalaki ngunit hindi niya ito gaanong mamukhaan at binalik sa kinalalagyan nito sapagkat paparating na si Sandra sa kwarto. Tinawag na naman si Ena ni Jude na nasa kwarto nito, "Ano nanaman bang kalokohan niyo po?" tanong ni Ena sa amo. "Pakikuha ako ng tubig", sagot pa ni Jude. Kaya't pumunta si Ena sa kusina at kumuha ng tubig. Nakatalikod siya ng dumaan sa sala sina Sandra at ang nobyo nito. Nang humarap siya nakita nalang niyang sobrang sweet ni Miss Sandra sa kanyang nobyo papasok sa kanyang room. "Nandito nap o tubig niyo", at inabot ni Ena ang baso ng tubig. Pero nag-alinlangan si Jude na inumin ito at baka gumaganti si Ena at baka nilagyan pa niya ito ng kung ano. "Inumin mo yan!" utos pa ni Jude kay Ena. Nagalit si Ena kaya't itinapon nalang niya ang tubig sa bintana at siya namang may sumigaw na lalaki sa baba kaya't agad siyang tumakbo pababa at kinakabahang baka may natapunan siya ng tubig sa baba. Agad niyang nilapitan ang lalaki at pinunasan ang damit nito. Nang tumingin ang lalaki sa kanya, parang tumigil lang saglit ang kanyang mundo. "Totoo ba to?", sabi ng kanyang isipan. Agad pumasok ang lalaki sa loob at dumating naman si Jude. "Hala ka! Ba't mo tinapunan si Jay ng tubig!?", "Nananaginip ba ako?', tanong niya kay Jude.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

365 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon