Soundtrack: Malaya kana by: Moire Dela Torre. (pakinggan nyo. Maganda promise)
Kala ko dati wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam na feeling ko namolestya ako ni gago. Pero may mas sasakit pa pala. Yun yung tipong nasanay ako na nandyan lang sya. Yung tipong pag nananahimik ako bigla nalang syang susulpot. Sabay manggugulo at hahagalpak ng tawa at iiwas sa mga hampas ko. Yung tipong pag napupunta sa gawi ko ang tingin nya at na styempuhan nyakong nakatingin ako sa kanya. Bigla nalang syang lalapit sa kinaroroonan ko ng walang kurap kurap sabay hahawakan ang muka ko at saka nya na gagawin ang nakakadiri nyang habit. Yung tipong papasok ako araw araw. Araw araw rin syang nakatambay sa hallway. Sabay kaming papasok. I mean sasabayan nyakong pumasok. Habang ako ang sama ng tingin sa kanya. Kasi umagang umaga nakikita ko muka nya. Naaalibadbaran ako. Tapos sya nakatingin lang sakin habang nakangiti na parang walang bukas.
Yung tipong bigla ka nalang uupo sa harap ko tuwing lunch. Sabay abot sakin ng brownies "Sayo nalang. Busog nako" with matching hawak pa sa tyan na parang busog nga. Habang ako naman nakatingin lang sayo. "Muka bakong kumakain ng tira tira?" araw araw mo yung ginagawa. Walang palya. Araw araw brownies, hindi ko alam kung bakit brownies binibigay mo pero favorite ko yun. Araw araw mo ring sinasabi na sakin nalang kasi busog kana. Yung tipong bigla nalang may yayakap galing sa likod sabay bubulong ng "Euniz, uwi nako" tapos magpupumiglas ako. Sasabunutan kita at sisipain. "Umuwi ka. Pakialam ko!" tas bigla ka nalang hahagalpak sa tawa. Pati kaibigan mo nahahawa na ka kabaaliwan mo. Tumatawa wala namang nakakatawa. Ang sakit, ang sakit kasi nasanay ako sa ganun.
Naalala ko yung sa palaro sa room. Iinumin mo yung itlog na may halong ewan na amoy palang talo kana. Sabay iikot ng sampong beses at maglalakad ng straight. Nasubsub ako. Nagulat nalang ako na dahan dahan nakong umaangat. Itinayo moko. "Oh, anong lasa ng sahig? Lasang tanga ba? Hahaha" sabi ko noon. Tanga lang maiinlove dyan. May girlfriend yong tao tapos gaganun ganun ka. Ateng! Mahiya ka naman huy! Pero puta! Sinong kaharap mo ngayon. Salamin?! Alam kong wala akong gusto sa kanya. Dahil ramdam ko araw araw yon. Naaalibadbaran ako sa pagmumuka nya. Pero bakit ngayong umalis kana? Iba na.
4 months narin pala.
Kamusta ka naba? Maganda ba dyan sa bago mong school? Tangina mo. Bat di ka man lang nagpaalam. Kung hindi kopa tatanungin sa kaibigan mo. Hindi ko pa malalaman. Inasar pa nga ako ni ivan. Bat daw kita hinahanap, may gusto ba daw ako sayo. Hindi ko din alam. Alam moba, minumura kita araw araw. Sa isip at sa panaginip ko. Kung gano ka kabilis sumulpot sa room. Ganun ka din kabilis di nagpakita. Tinupad mo nga yung sinabi mo sakin. Na gagawin mokong babae. Kasi sa room. Ikaw lang yung lalaking tinuring akong babae. Araw araw akong naiiyak. Araw araw akong naghihintay kasi baka sakaling dumaan ka. Baka makita kita. Baka ma styempuhan kita. Baka pwede namang magusap kahit isang minuto lang. Alam ko wala tayong dapat pagusapan.
Alam moba. Iniisip ko rin minsan. Paano kaya kung napansin kita noon pa. Iiwan mo kaya ako? Hahahah. Ang baliw ko no. Pang tanga kasi yung tanong. Ang tanga ko kasi. Lagi kasing ayan yung tanong ko sa sarili ko. Kung pwede bang ibalik? Ang tanga ko kasi matagal ko namang alam na may gilfriend ka simula palang. Ang tanga ko kasi eto ako, nakakapit sa kakapirangot na pag asa na baka gusto mo rin ako.
Ang sakit na wala lang pala ako. Kasalanan moto tangina mo. Ang sakit kasi ang tanga ko. Bat kasi sayo pa, Hindi naman ako bobo pero nakakabobo. Minsan talaga kahit gaano ka katalino. Dadating talaga sa punto na magiging tanga ka. At alam nyo kung anong masakit? Yung maging tanga dahil sa isang taong ginusto mo na hindi naman dapat. Pero ngayon alam mo matalino nako.
Pasensya na. Pagod na kasi ako. Siguro hanggang dito nalang. Sapat na rin siguro ang apat na buwan para umiyak sa taong hindi ko naman kaano ano. Diba, kasi nga walang tayo? Ayoko na. Siguro papalayain kona. Papalayain kona ang katotohanang hinding hindi magiging tayo. Na hinding hindi ka magiging sakin at hinding hindi ako magiging sayo. Papalayain kona lahat ng sakit. Kasi wala naman dapat na masaktan. Papalayain ko na yung kakaunting pag asa na meron ako. Na bakasaling makita kitang muli. Na baka sakaling maibalik
I miss you. And i hate it, please dont come back.
**The end**
YOU ARE READING
MALAYA KANA
RomanceONE SHOT Pasyensya na. Kung papatulugin na muna. Ang pusong napagod. Kakahintay. Kaya sa natitirang. Segundong kayakap ka. Maaari bang magkunwari, akin kapa? Mangangarap hanggang sa pagbalik. Mangangarap parin kahit masakit 🎶 -Malaya kana by: Moira...