chapter 4

20 1 0
                                    

Hayy, ang sarap talaga ng fries ng KFC! Sana di ko nalang naka-encounter yu-

"Miss. Anong pangalan mo?"

Sino nanaman ba 'to?

"Ikaw. Sino ka?" Sabi ko habang tuloy paring kumakain.

"Ikaw ang unang tinanong di'ba? Anong pangalan mo."

"Ako si M-" Napatigil ako pagharap ko. ANG GWAPO NIYA MEN!

"Ikaw si?"

"M-m-ma-marie.. Ikaw?" Ang tanga-tanga mo Marie! Ba't ka nauutal?!

"I'm O-"

"Hoy Owy! Halika na! Mag-start na yung MG! Dalian mo!"

"Sige ha. Owy nga pala." Sabay abot ng kamay niya sakin, syempre inabot ko! Tsansing tsansing din HAHA

"Pwedeng makihingi?" Sabay nguso sa kinakain kong fries. "Gutom na ako eh." sabi niya habang hawak ang tiyan at aktong masakit ito.

"Sige lang! Kahit sa'yo na yan!" sabi ko.

Kinuha niya yung bucket of fries "Thank you ha!" at tumakbo na siya palayo.

Habang pinagmamasdan ko siyang paalis at unti-unting naglalaho sa aking paningin, doon ko napagtanto na..

GUTOM PA AKO! BAKIT KO BINIGAY YUNG FRIES KO SA GWAPONG NILALANG NA YUN?! Ano ba naman yan, krushers nalang tuloy ang meron ako

Sa sama ng loob ko, di ko namalayang ubos na yung iniinom kong krushers. Sandali nga, nasaan na ba yung siraulo kong bestfriend?

[KANTA]

"Uy! Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo! Di pa nga ako nakanood ng kana dahil lumbas na ako para diyan na ako sa backstage eh!" sabi niya.

"Sorry naman! Ang pogi kasi nung Owy eh. Nawalan tuloy ako ng pagkain."

"Tse. Anong klaseng pang-uuto nanaman yan? Lumabas ka na nga diyan at papasukin mo na ako."

"WAIT! PWEDE BA?"

Then tinapos ko na yung call then lumabas ako para puntahan siya.

"Guard. Pwede daw po siyang pumasok sabi tatay ng member ng Chicser." Sabi ko sa guard.

"Hoy! Ikaw! Pwede ka daw pumasok!" Sabi nung guard kay Lyn.

"Sabi ko sainyo pwede e!" Sagot niya dun sa mga guard.

Tapos pumasok na kami tapos naupo na kami dun sa pinag-iwanan saakin ni tito kanina.

"Besty. Nagugutom pa ako." sabi ko kay Lyn.

"Pano ka napapasok dito? Pano mo nakilala si tito Oly? E di ka naman fan."

Huminga ako ng malalim-lalim at saka nagsimulang magkwento..

"Ganto yan ha. Matagal ko nang kakilala si tito Oly, he's a family friend. Nakabangga ko siya kanina nung papunta ako sa KFC, tapos ayun, sinama niya ako dito. Ayoko pa nga sumama e. Alala mo si Jimjim at kuya Oliboy? Kaya ako sumama dahil sabi ni tito, kasali raw sila dito."

"WEH? Edi kababata mo sila?" sabi niya.

"Yes."

"So, after this besty makikita mo na ang hinahanap mo. Ang matagal mo ng hinahanap at hinihintay. Besty..." pag putol niya. Bwiset na babae to, pa suspense -,-

"Ano????"

"Wala naman hehe ^_^V" walanjo na babae to.

Naghintay lang kami dito. Ayaw na daw lumabas ni Lyn, baka daw di na siya papasukin ulit nung mga guard kaya nag stay na din siya dito. Hintayin niya na lang daw matapos ang gt nila sa stage, dito na lang daw siya magmamala amazona para sa Chicser. Loka loka talaga -_-

Hayss, napaisip ako. Makikita ko na si Jimjim. Ano kaya maging reaksiyon niya pag nakita niya ako? Mabibigla ba siya? Sasabihin niya bang namiss niya din ako tulad ng pagka miss ko sa kanya? Asa pa Marie -,- pero sana namiss niya din ako.

"Woooah! That was a blast! Grabe mga fans, muntik ng magka stampede sa labas. Haha yay!" may mga lalaki na ang pumapasok at lalong umiingay.

"Ahm, excuse me girls, sino kayo??" isa siguro to sa mga staff na nagtanong sa amin.

"Ako po si Marie Garcia, siya nga po pala si Edgilyn Bautista best friend ko po siya. Fan po siya ng Chicser."

"Waaaaaaaahhh!!!! Ranz!!!! Pa pictureeeeee!!" tili ng tili si Lyn papunta dun sa Ranz ba yun?

"If you'll excuse me miss, asan ang VIP backstage ticket niyo? Alam ba to ng guard? Guard.. guard.." hala dapat hindi muna kami umalis dito ni Lyn. Kailangan ko pang makita si Jimjim.

"Sir! Pinapasok po kami ni Tito Oly dito. Di po ako nag sisinungaling." defensive kong sabi dun sa lalaki.

"Si Mr. Posadas? Give me 1 reason para mapaniwala mo ako na pinapasok ka dito si Sir Oly." pano to??? Wala akong contact sa kanya. Yung mga guards dito busy sa pag bantay ng main door dito sa back stage.

"Uhhhm. Tawagan niyo po siya!"

"Hm. If ito isang kasinungalingan lang, ipapalabas ko kayo." then dinayal niya na phone niya para kontakin si tito oly.

"Im sorry miss, but not attended si Mr. Posadas. So if you'll excuse me, you may go with your best friend before the guard push you to that main door." habang tinuturo yung main door. Halaaa, wala na di to pwede kailangan kong makausap si Jimjim.

"Wait!!! Kausapin ko lang si Jimjim. Please po!! Kailangan lng pooo!!!!"

"Jimjim? Sinong jimjim pinagsasabi mo? Walang jimjim dito. So go now!" tinutulak na ako nung lalaki.

"Bitiwan niyo ako! Kaya kong umalis mag isa! Lyn! Tama na yan, aalis na tayo." sabay hila ko kay Lyn.

"Teka lang Besty, papapicture sana ako kay Ranz eh! Huhu T^T"

"Besty, hali ka na! Kaysa naman kaladkarin tayo palabas ng mga guards. Magmumukha tayong ewan dito. Ayokong mapahiya and at the same time manggulo dito." at yun lumabas na kami ng maayos ni Lyn.



~


"Pano na yan Besty, hindi mo nakausap si Jimjim. Ano na gagawin mo?" tanong ni Besty. Nandito kami sa Mcdo. Kumakain, nabitin ako sa fries at krushers :3

"Yan nga eh. Sayang eh! Nakausap ko na si Tito Oly eh. Andun daw si Jimjim eh. Di ako makaget over. Sayang na sayang talaga yun. Bigla na lang kasi nawala si tito. Hayst" nag aalboroto na ako dito huhu

"Besty, baka siguro hindi to yung time para magkita kayo ni Jimjim. Malay mo makita mo na lang siya biglaan. Wag ka lang mawalan ng pag asa. Ang isipin mo na lang ngayon, makikita mo na siya. Malapit mo na siyang makita, may nakikita na akong chance Besty. Kaya don't give up." at nagpatuloy na kami sa pag kain namin.


Umuwi na kami. Medyo napagod kami sa kaka ikot ng mall kanina.


Hays... sana makita na kita Jimjim. SANA...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Way for Love (Ft. Owy Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon