Chapter 4

615 21 2
                                    

Hating gabi na nang matapos ko lahat ng homework ko. Ang dami kasi! Parang pang-buong taon na assignment na yun. Sa Korea, bihira lang kami magka-homework. Yun nga lang, puro take home test ang iniiwan.

Dahil wala akong ginagawa at di pa ako inaantok, nagfacebook na lang muna ako. Tagal ko na ding hindi nagfefacebook. Baka kasi.. contact-in ako ni Jae. Gustong-gusto ko siyang kausapin kahit chat man lang pero alam kong hindi dapat. Ikakasal na ako sa iba at dapat lang na hindi ko na siya isipin. Gusto ko ding makalimutan na niya ako. Gusto kong makalaya siya sa akin kahit na nagbreak na kami. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ako ni Jaejoong at ganun din ako sa kanya. Ayokong umasa pa siya sa amin sa oras na magkausap kami. Gusto kong makamove on na siya at makahanap ng ipapalit niya sa akin kahit masakit. Wala naman akong magagawa, ito ang tadhana namin.

Pagka-open ko ng account ko, tinignan ko agad ang messages. Madaming message mula sa mga kaibigan ko sa korea. Lahat sila nagtatanong kung bakit daw kami nagbreak ni Jae at kung kamusta na daw ba ako. Nakita ko ding maraming siyang message kaso hindi ko na ni-click. Ayaw kong mabasa ang mga message ni Jae. Iiyak lang ako buong gabi. Nagscroll nalang ako sa home ko. Pero nahinto ako ng makita ang status niya..

Jaejoong Lee

'I really really miss you so much, Brit. Still cant believe this is happening. I still love you so much, hon'

54 minutes ago. Like Comment

Napahawak ako sa bibig ko. Naninikip ang dibdib ko. Omg. Hindi niya pa din talaga ako nakakalimutan. Akala ko galit siya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanya. Jae! Nahihirapan na ako!! Gusto kitang yakapin buong magdamag. Gusto kitang makita. Gusto kitang halikan. Miss na miss na din kita, alam mo ba 'yon?

At doon lamang sa status niyang 'yon, napaiyak na ako buong gabi hanggang sa makatulog ako.

--

Luhan's POV (First and maybe the last)

Wala ako sa mood ngayon. Nababadtrip kasi ako kay dad. Gusto ba namang ihatid sundo ko 'yung babaeng 'yun?! Ano ako, driver? Tss.

Habang nakapikit ako at malalim ang iniisip, biglang bumukas ang pinto kaya napadilat ako. Mukhang hindi niya ako nakita. Nakatingin lang siya sa piano kaya hindi niya siguro napansin na nandito ako sa gilid. Madilim din kasi sa parte ko.

Umupo siya sa harap ng piano. Hinaplos niya ito na parang namamangha. Tss. Ngayon lang ba siya nakakita niyan? Pinindot niya ata yung isang key kasi tumunog. Parang nagulat pa siya nung tumunog. Akala niya ba hindi gagana 'yan? Tss. Music room to kaya lahat ng instruments dito, gumagana.

Nagulat ako ng nagsimula siyang tumugtog. Marunong pala siya.. at sinabayan niya pa ng kanta.

Maganda ang boses niya.. parang damang dama niya yung kanta. Mukha siyang anghel..

Stop it Luhan! Ang babaeng yan ang dahilan kung bakit matatali ka ng maaga. Kung bakit hindi mo mahahanap ang tamang babae para sayo. Kung bakit may obligasyon ka na ngayon. Tama! Sa oras na ikasal kami, hindi ko siya tatratuhin ng tama hanggang sa magdesisyon siyang makipaghiwalay. Sinisiguro ko 'yan.

Maya maya ay tumigil siya at parang may pinunasan sa mata. Nakayuko lang siya. Gumagalaw din ang balikat niya. Umiiyak ba siya?

Tama nga ako, narinig ko kasi siyang suminghot. At namumula pa ang mata. Yumuko ulit siya. Dahan dahan akong naglakad palabas ng hindi niya napapansin at nagawa ko naman.

"Hoy pare. Lalim ng iniisip ah? Palangoy nga!" biro sa akin ni Suho. Barkada ko.

"Gago." sabi ki nalang at lumagok ulit ng beer.

Arranged Marriage To LuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon