Chapter 5

845 25 12
                                    



*tok tok tok*



"Britanny anak? Gising na! Malelate ka na sa school. Andyan na ang sundo mo!" rinig kong may nagsasabi at kumakatok.



*tok tok tok*



"Britanny! Gising na! Andyan na si Luhan sa labas!"




Agad naman akong napatayo. Andyan na si Luhan?! Anong oras na ba?!




Tiningnan ko yung orasan sa study table ko. OMG! 7:30 na! 8 ang pasok namin. Argh kainis!! Tinanghali ako ng gising.




Mabilis akong naligo at nag-ayos sa sarili. Nakakahiya kay Luhan! Parehas pa kaming malelate nito! Bakit ba kasi hindi ako nagising ng mas maaga? Kainis!





Mabilis akong bumaba ng hagdan. Nakita ko si dad sa sala kasama si Luhan. Mukhang nag-uusap sila. Lumapit ako kay dad at bumeso.




"Alis na kami dad." paalam ko.




"Hindi ka ba muna magbebreakfast?" tanong niya.




"Hindi napo. Late na kami." sabi ko at lumakad na paalis.





"Alis na po kame." paalam pa ni Luhan bago sumunod sa akin palabas.




Mas nauna pa sakin si Luhan sa kotse niya. Bugatti? Rich kid. Pumasok na agad siya sa driver's seat. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! Ungentleman! Hmp.




Padabog kong sinarado ang puntuan ng kotse niya pagkapasok ko. Agad naman niya akong sinigawan.




"Hoy! Magdahan dahan ka nga! Baka masira mo pa ang kotse ko!"




"Ang OA mo. Parang kotse lang naman! Tss!" inirapan ko siya. Kotse lang naman to. Kung makapagreact, grabe.




"Mas mahal pa 'to sa buhay mo!" sigaw niya ulit.




"Excuse me! Priceless ang buhay ko! Kapal nito!" sigaw ko sa mukha niya. Inirapan niya ako? "Pairap irap pa. Bakla ka ba?!"




Agad naman siyang napatingin sa akin. Mukhang galit. Uh-oh.




"Anong sabi mo?!" singhal niya.




"Bakla ka!" sabay dila ko pa.




"Bawiin mo yan!"




"Ayoko! Bakla bakla bakla!" nilagay ko pa ang kamay ko sa tenga at hinila ito pataas tapos binelatan ko siya. Yung pang-asar ng bata? Ganun.




"Isa!" galit na sigaw niya. Ang sarap niyang asarin!




"Dalawa! Hahaha! Bakla bakla!"




"Pag di mo tinigil 'yan, magsisisi ka!" banta niya.




"Di ako natatakot sayo! Bakla ka! Bakla bak-- eh?" natigil ako nang makakita ng tunay na Adonis sa sa harap ko. OH. EM. GEE!




Hinubad niya lang naman ang shirt nya at lumabas ang maputing tiyan with six pack abs. Holy sh*t. Hindi naman ako naaattract sa mga katawan na ganyan pero bakit parang iba ngayon? Parang kapos ata sa hangin dito sa loob ng sasakyan niya. Wala akong malanghap! Parang ang init din! Why?! Omg!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arranged Marriage To LuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon