**Chapter 9 (Another Announcement)

325 7 0
                                    

Enjoy Reading po  :)

Hope you like and support my story ...

---------------------------------------------------------------------------

Yuki's POV

Bigla kaming dinumog ng press, ang dami nilang tanong.

Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya, nginingintian ko na lang sila.

Sila mommy na yung nagpa-interview.

Pinapunta na nila kami sa backstage.

Until now hindi ko pa rin alam ang pangalan ng lalaking to.

Tapos malalaman ko na lang engage na ko sa isang stranger.

Wow naman...ang saya ng buhay ko.

Nilapitan ako nung secretary ni daddy tapos dinala nya ko sa loob ng bahay.

Library ata nila tong pinasukan namin eh.

Pinaupo nya muna ko tapos hintayin ko na lang daw sila mommy dun then iniwan na nya ko.

Nice...iniwan talaga ako. Anong gagawin ko dito?

Kausapin ko yung mga libro...tss

Bumukas ulit yung pinto kaya akala ko sila mommy na.

Hindi pala, yung bwiset na lalaking yun lang pala.

Feeling close na panira pa ng araw este gabi pala.

Ni hindi ko nga sya kilala tapos ipagkakasundo ako nila mommy sa lalaking yan.

Malay ko ba kung ano tumatakbo sa utak nyan.

Mamaya nyan psycho pala yang lalaking yan...okay ako na OA.

Winave nya yung kamay nya sa mukha ko.

"Okay ka lang?" tanong nya

"OKAY!? PANO KO MAGIGING OKAY EH NALAMAN KONG ENGAGE NA KO, TAPOS SA

TAONG HINDI KO PA KILALA. NI HINDI KO NGA ALAM ANG PANGALAN MO EH."

"Wag ka ngang sumigaw, ang ingay mo. Kilala mo ko, maghintay ka lang."

Bigla na naman akong kinabahan sa tono ng pananalita nya.

Kilala ko sya?

Saan?

Paano?

Kailan?

Bago ko pa matanong kung paano ko sya nakilala, bumukas na naman yung pinto.

This time sila mom at dad na  yung pumasok kasama yung parents nya.

"Hija, lets go." hinawakan nung mommy ni stranger yung braso ko tapos inakay ako palabas.

Okay...saan na naman kami pupunta? Hindi ba pwedeng magpahinga  muna.

Kahit two minutes lang..  -______-

Pinasakay nila ko sa car, katabi ko na naman tong stranger na to.

Hanggang ngayon nakamask pa din kami, hindi ko tuloy makita yung mukha netong lalaking to.

Sila mommy naman tsaka yung parents nya dun sa isang kotse sumakay.

San ba talaga kami pupunta? Hindi ba nila alam ang salitang pagod.

Ako alam na alam ko, pagod na ko sa mga nangyayare.

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon