Chapter 2

21 7 2
                                    

VHENICE Pov.

" Lix nasaan kana ba!? Wag mo sabihing  kagigising mo lang masisipa talaga kita!"

"wait Im on the way na okay? Dont shout! Mygod yllary, ang sakit mo sa eardrums" 

"w-what? Ako masakit sa eardrums? E kung dalian mo na kasi? Napakakupad mo kahit kailan!"

"yah!, stop shouting will you? Mababangga ako sa ginagawa mo e, nakakataranta ka!"

"pwe! Dalian mo na dahil malilintikan ka talaga saakin!"

"ok s---."

Di ko na hinayaan pang makasagot si lixwell at pinatay ko na ang linya, nagaalburoto na talaga ko sa inis, kingina talaga non napakabagal!

Pasukan nanaman kasi, katatapos lang ng bakasyon at ito ang unang araw ng pasukan. Unang araw para malate. Nakakabwisit.

Naghintay pako ng ilang sandali ng matanawan ko na ang sportcar ni lix , yabang talaga!

"napakakupad mo talaga kyler lixwell! Nakakabuwisit ka alam mo yon?" sinamaan ko pa sya ng tingin.

"asus buwisit daw sya sakin oh? Di nga? Loves mo kaya ako!"
Tinaas baba pa nya ang mga kilay nya habang nakangisi saakin.

"tantanan mo nga ako sa kababanat mo ng ganyan lix , napakamais mo kahit kailan"  sinamaan naman nya ko ng tingin at tinawanan ko lang iyon.

"tara na late na tayo, peste ka kasi e, paprisinta ka pang susunduin ako at sabay tayong papasok ,late ka naman" inirapan ko pa sya bago sumakay sa kotse nya.

Kakamot ulo pa syang pumasok sa kotse at nginiwian ako.

-_-b

"ylla, gutom nako daan muna tayong drivethru ha!"

"yan kase , yan ang napapala mong pagong ka!"

Dumaan nga sya ng drivethru sa isang fastfood chain.
Mukha tuloy syang timang na kumakain ng pagkalaki laki habang nagmamaneho, hanggang sa makarating sa school. Natawa pa ako ng kamuntikan na syang masamid sa kamamadali maubos iyon. Bawal kasi kumain habang nagkaklase kaya naman todo ang pamamadali nya.

2nd year na ako at 3rd year naman si Lixwell , matalino sya at ako ay mayabang lang. Magaling din syang magbasket ball, ayaw ko man aminin pero siguradong pag tinanggap nya ang offer sakanya ng coach ng basketball team ng school na to ay paniguradong patataubin nya ang sino mang makalaban, ganon sya katinik sa larangang iyon, at aminin ko man at sa hindi, walang ibabatbat sakanya ang crush kong si siegh na senior na ngayon.

Dinaan  pa muna ko ni lix sa room ko bago pumunta sa room nya.

"oh! Papakabait sa klase ha. Wag pasaway, wag mangaaway, tigilan ang kayabangan , understood!" sinabi nya iyon na kala mo'y isang magulang na pinagsasabihan ang anak.

Sinipa ko sya sa tuhod at sinamaan ng tingin at piningot sya sa tenga
"a-aw masakit! Tama na!" binitiwan ko sya pero nanatili ang masamang tingin ko sakanya

"mukha mo, parang kalyo, napakakapal!"

"ang sakit non! Napakasadista mo!".

"lumayas ka na bago pa  maubos pasensya ko sayo lix , dahil nangangati nakong pagsisipain ka" nanlaki ang mata nya at dali daling tumakbo palayo,  tatawa tawa naman akong sinundan sya ng tingin.

Huminto pa sya ng makalayo saakin at humarap, ayon nanaman ang ngiti nyang kinatitilian ng lahat.

"I love you Vhenice Yllary Valencia Yoo! Nagiisa ka!" nanglaki ang mata ko ng isigaw nya iyon, napatingin agad ako sa paligid ko at ganun nalang ang pamumutla ko ng nakatingin ang lahat sakin, maging ang nakatayong teacher namin sa may harap na masama ang tingin sakin.

Too Late, fallen Inlove with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon